Keehana Nagising na lamang ako nang padilim na dahil sa ingay na naririnig. Umayos agad ako ng upo nang mapansin na nakahinto ang kotse sa isang drive-thru na fastfood. Ilang sandali lang ay umandar ulit ang kotse na ikinatingin ko sa lalaki. Nasaan na ba kami banda? “Kumain ka muna at padedehin mo ang kapatid mo.” Nag-abot ito ng paper bag na tinanggap ko naman kahit naiilang. “Salamat. Pero wala akong gatas . . .” Naiwan sa ere ang sasabihin ko sana nang abutan ako nito ng de boteng gatas na pangsanggol. Saan naman nanggaling ito? Kahit nagtataka ay pinadede ko ang kapatid hanggang sa mabusog ito. Hindi na ako nakatulog niyon dahil hindi na ako pamilyar sa lugar na tinatahak namin. Kinain ko na lamang ang ibinigay nito. Sa isang paliparan ang naging destinasiyon namin kaya b

