Kabanata 35

3114 Words

Keehana “Hija . . .” “Hija . . .” Naalimpungatan ako sa mahihinang tapik na tumatama sa pisngi ko. Pagmulat ko ng mga mata ay sinalubong ako ng dalawang matanda na gulat na gulat sa sitwasiyon ko. “Ano’ng nangyari sa iyo, hija? Mabuti’t hindi ka tinuklaw ng mga ahas dito,” anang matanda na ikinaangat ng tingin ko rito. Ilang segundo pa akong natulala sa mga ito, bago tuluyang mapagtanto kung ano ang nangyari kagabi. Shete! Napatayo ako ng wala sa oras. Muntik pang matumba sa panlalambot ang mga tuhod ko, mabuti at naalalayan agad ako ng dalawang matanda. “Naku! Tumuloy ka muna sa kubo namin para makakain,” anang isa na ipinagpasalamat ko nang lubos. Inalalayan ako ng mga ito papunta sa maliit na kubo na halatang tambayan ng mga magsasaka. Doon ay may ginang na nag-aasikaso ng pag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD