Keehana Tama ngang kapatid ko siya. May aalis, mayroon ding darating sa buhay namin. Siguro sa ganoong paraan, maiibsan ang lungkot ko kay Mama. Malalim akong bumuntong hininga habang tulala sa mataas na kisame ng sala. “May tanong lang ho ako . . .” “Yes?” Huminga ako nang malalim upang ilabas ang bigat ng dibdib, bago ibuka ang bibig. “M-Makakalaya pa ho ba ang ina ko? Papaano kung saktan siya ng mga kasama niya roon?” Natigilan ito sa narinig, gayon pa man ay hindi agad umimik. Napayuko na lamang ako sa lungkot. “Natatakot ho ako. H-Hindi ko kasi kayang makita na ganoon ang sitwasiyon ng Mama ko. Sa muling pagkakataon, iiwanan na naman niya kami . . .” “Adapt and survive, Keehana. That’s life. Focus on your siblings, especially to your unborn babies. Mahirap mawalan ng anak dahil

