Keehana “Get in, Keehana . . .” Walang imik akong pumasok sa sasakyan nito, bitbit ang sling bag ko. Napakatahimik ng bahay dahil wala ang mga kapatid ko, gayumpaman ay wala naman akong magawa dahil naririto ako sa puder ni Al. Siya ang may kontrol sa lahat dito. “Where do you want to go after your check-up, darling?” tanong nito na hindi ko nagawang sagutin. “Seafood restaurant?” “Iuwi mo na lang ako,” mababang tonong wika ko na ikinatikom ng bibig nito nang panandalian. “Alright.” Pagdating namin sa destinasiyon ay sunod lamang ako nang sunod dito. Pagbaba pa lamang namin ng sasakyan ay napalingon na ako sa lalaking nakatayo sa gilid ng clinic at mukhang may hinihintay. Natigilan ako at biglang nahiya. Napansin din agad ako nito mula sa pagkakatutok sa cellphone at natigilan

