Keehana U-Umiiyak ba siya? Nilingon ko ito upang kumpirmahin ang tanong sa isip ko. At tama nga ako dahil nangingintab ang mga mata nito sa luha. Huli na para mapagtanto pa ang sobrang pagkalapit ng mga mukha namin. Para akong tinanggalan ng kaluluwa nang bigla na lamang may basang bagay na sumakop sa bibig ko. Isang singhap ang kumawala sa akin, dahilan para diinan nito ang mga labi sa akin. “A-Al—hmmp!” Hayok na hayok ito na para bang ninanamnam na ang pagkakataong nakuha niya. Ilang taon akong hindi nagpahalik dito o nagpayakap man lang, pero alam ko na sa tuwing tulog ako ay sinasamantala nito ang pagkakataon na makahalik at makayakap sa akin. Naaalimpungatan lang ako minsan kaya napapansin ko ang mga ginagawa nito. Hanggang sa itinigil ko ang pagpalag at nagpaanod na lamang s

