Kabanata 39

3176 Words

Keehana Kung ano ang nararamdaman ko ay tila ganoon din ang kay Mama. Nanubig ang mga mata nito nang makalapit sa amin. Kapuwa hindi pa rin makapaniwala na nasa harapan na namin ang isa’t isa. Dinamba ko ito ng yakap sa sobrang bigat ng dibdib ko at doon na napaiyak nang husto. “I miss you, M-Mama,” nanginginig kong saad habang mahigpit itong yakap. Ang lahat ng pag-aalala ko at lungkot na naipon mula pa noong makulong ito ay agad na naglahong parang bula. Napalitan ng saya ang puso ko, lalo na at nayakap ko na itong muli matapos ang ilang taon na pangungulila. Saka lang kami bumitiw nang mapagpasyahan naming maupo na. Kaharap ko ito habang ang lalaki ay tahimik lang sa tabi ko. Nang mapansin ni Mama si Al sa tabi ko ay agad na nawala ang mga ngiti nito at napalitan ng kaseryosoha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD