Keehana Pinagmamasdan niya lamang ako nang walang imik, hanggang sa sinabayan na ako nito sa pagkain. Kumuha rin ito ng pinggan at sumandok ng pagkain. “Hindi rin ako nakakain kanina. I was waiting for you to wake up,” imik niya makaraan na ikinatigil ko na naman. Uminom siya nang walang laman ang tiyan? Umalsa ang kilay ko at napatingin dito. “Bakit hinintay mo pa ako? Baka sakitan ka ng tiyan niyan dahil walang laman ang tiyan mo nang uminom.” Hindi ko napigilan ang bibig ko. Huli na para bawiin pa ang sinabi dahil bigla na lamang itong parang tanga na napangiti. “Are you worried about me?” malokong tanong niya na para bang hindi mukhang problemado kanina. Hindi ako umimik kaya napangiti ito lalo. “I guess, it’s a yes. So, sorry for making my queen worried,” aniya pa na ikin

