Parang umiikot pa ang ulo ni Elaina. Nararamdaman niyang nag chi – chill pa siya pero hindi katulad kanina, mas nabawasan na ngayon ang panginginig niya. Sabi naman ng doctor normal lang daw iyon dahil gawa ng anesthesia na inilagay sa kanya. Marahang napamulat ng mata si Elaina at napansin niyang ibang kuwarto na ito. Wala na siya sa recovery room. Marahil ay sariling kuwarto na niya sa ospital. Nakita niya si Kit na nakaupo sa silya malapit sa kanya at nagbabasa ng libro. "K – kit," tawag niya dito. Parang nagulat pa ito ng makita siyang gising na. Mabilis na ibinaba ang libro at lumapit sa kanya. "How are you? Are you okay? May masakit ba sa iyo?" kitang – kita niya ang pag – aalala dito. Napangiti siya. Kung sana ganito rin si Lorenzo. Kung sana ganito rin ka – concern sa kanya an

