Nang makalabas sa silid ni Elaina ay agad na napatingin si Kit sa lalaking nakasandal sa gilid ng pinto ng kuwarto. Kitang – kita ang magkahalong pag – aalala at pagkainip sa mukha ni Lorenzo. "How is she?" punong – puno ng pag – aalala ang tanong niya. "Medyo hilo pa at nagchi – chill pa. Side effect daw ng anesthesia. She just keeps on asking about her babies," sagot ni Kit sa kanya. Nakaramdam ng lungkot si Lorenzo sa narinig. "I'll go for now. Ikaw na ang bahala sa kanya. Please don't give her a hard time," sabi nito at umalis na doon. Naihilamos ni Lorenzo ang palad sa mukha. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Mukhang hanggang ngayon hindi siya mapatawad ni Elaina. He wanted to straight things up. He wanted to be with her. He wanted to have his family. Bahala na. Iyon an

