episode 1
Ma! Pa! may gusto po sana akong sabihin sa inyo,panimula ni Vivian sa magulang n'ya.
"Anu ba yun anak ko at parang nag aalala ka?tanung naman ng nanay ko at napatingin din sakin si tatay. Nasa harap kami ng hapag kainan at kumakaen ng hapunan.
"A-anu po k-kasi N-nay,Tay g-gusto po s-sana umakyat ng ligaw si Ronilo.
Ronilo ang masugid kong manliligaw at sa totoo lang kami na talaga ni Ronilo halos mag iisang taon na rin kami.Gusto lang namin maging legal na kami bawal pa kasi talaga akong mag boyfriend. Pero nag mamahalan kaming dalawa tinago namin Ng mahigit isang taon sa takot ko na baka ma disappoint ang magulang ko.
Hindi naman naging hadlang sa pag aaral ko ang pag kakaron ng boyfriend sa halip naging insperation ko pa ito. Dahil kay Ronilo naging consistent ang grade ko at nanatili akong nasa honor student. Dahil pareho kaming may goal sa buhay na makaahon sa hirap at makapag tayo ng cosmetics company.
"Anak diba may usapan tayo bawal ang boyfriend habang nag aaral ka! hayag ng tatay ko.
"P-pero Tay aakyat lang naman po ng ligaw Hindi pa naman po boyfriend ei. Tsaka 19 na po ako one year na lang gagraduate na ako. Isa pa mabait naman po si Ronilo katunayan matalino din s'ya at may pangarap sa buhay.
"Anak di ka naman namin pag babawalan mag paligaw at mag boyfriend kung tapus kana sa pag aaral mo. Baka maapektuhan lang nyan Ang pag aaral mo bata pa kayo madami pa kayong di alam sa pag ibig. Pag nag boyfriend ka di nyo alam kung kaya nyong pigilan ang tukso.
"Tay naman anu bang sinasabi nyo nag papaalam palang naman ako na kung pwede umakyat ng ligaw ei. Nay! na tila nahingi ako ng saklolo.
"Anak sinasabi ko lang ang pwedeng mangyari Oras na pumasok ka sa relasyon. Napag daanan na namin Yan anak kaya wala kang malilihim samin ng nanay mo.
"Anak Tama naman ang sinasabi ng tatay mo madami ka pang dapat matutunan.madami pa kayong dapat malaman para pag dumating Yung time na ready na kayo alam mo na kung pano mo e handle ang sarili mo.saad ng nanay ko
"Nay, Tay wag po kayong mag alala kung iniisip nyo baka masira ang pag aaral ko promise di ko Po kayo bibiguin. Alam ko po ang hirap nyo kaya di ko po Yun sasayangin ngayon paba halos Isang taon nalng graduate na ako.
Nay Tay di ko po sisirain ang pangako ko sa inyo na e-aahon ko kayo sa hirap. Bibigyan ko kayo Ng magandang bahay para di na kayo mahirapan mag trabaho at kumita ng kakarampot sa mag hapon nyong pag papagod.
"Anak natutuwa kami at napalaki ka namin ng maayos ng nanay mo pero di ka namin pinupursege na akuin ang responsebilidad para samin ng nanay mo. Malakas pa ako kaya ko pang mag trabaho para samin ng nanay mo.nkangiting Sabi ni tatay
"Tama ang tatay mo anak wag ko kaming alalahanin pag butihin mo ang sarili mo kaya ka namin pinag aral para matututo kang tumayo sa sarili mong paa. Na walang inaasahan kundi Ang sarili mo lang pag napalago mo na ang iyong sarili Saka mo kami alalahanin.
"Ayyy ang swerte ko naman sa inyo Nay Tay salamat po sa pag mamahal nyo at pag pursege sa pag aaral ko. kahit na mahirap at magastos ginagapang nyo pag aaral ko.
"Syempre naman anak tanging yan lang ang maipapa mana namin sayo ng nanay mo. Walang tayong materyal na yaman pero yung kaalaman yun ang pag yayamanin natin at di mauubos bagkus madagdagan. At di makukuha ng kahit na sino man kaya pag butihin mo anak ang iyong pag aaral. Wag mo muna isipin ang pag boyfriend huh! at nag tawanan si nanay at tatay.
"Hmmm ligaw nga lang sabi ei!maktol ko naman.
"Aba aba at bakit ba parang masama ang loob mo at di kami napayag na paligawan ka huh aber?
"Eh kc po crush ko po kasi si Ronilo, matalino, mabait, magalang, masipag at pogi! at Isa pa madaming nag kaka crush sa kanya ei baka magka gusto pa sya sa iba pag di ako nag paligaw sa kanya.
"Hay naku anak darating din kayo jan kung kayo talaga para sa isa't Isa kayo talaga. S'ya sige na hugasan mo na itong kinainan natin at Ng makapag aral kana.
Di na Lang ako umimik at ramdam ko ayaw na ni tatay pag usapan namin ang tungkol samin.
Pag katapus ko mag hugas ng mga plato pumasok na ako sa kwarto ko at kinuha ko ang cellphone ko para itxt si Ron.
Ron!busy kaba?
hindi naman kaw ba kumusta ka naman?
Ok lang naman ako!kumaen kana ba?
Hindi pa may ginagawa pa ako ei kaw ba kumaen kana jan huh!
Oo tapus na ako kumaen na dito na ako sa kwarto ko.
ahmm Buti naman,anu pwede na ba ako pumunta Jan sa inyo?
Yun na nga ei,ayaw pumayag ni tatay at nanay gusto nila bago ako mag boyfriend tapusin ko dw Muna pag aaral ko kase bata pa naman dw tayo.
Pero dina na tayo bata nasa tamang edad na tayo Viv.
Alam ko naman yun, alam mo naman sila nanay at tatay over protective sakin mga yun.
Pero gusto ko na maging legal tayo ang hirap na mag iisang taon na tayong patago ang relasyon.
Ako din nmn ei nahihirapan ndn ako ei kaso pano ei ayaw nila ayaw ko ma disappoint sila.
Pero Viv.one year nalang malapit na tayong mag graduate gusto ko pag ka graduate natin mag pakasal na tayo.
Pano tayo mag papakasal ei di pa nga legal tayo sa magulang ko.
Basta ako na bahala pupunta ako jan sa inyo at ako mismo mag papaalam sa magulang mo.
Huh? sure kaba?
Oo naman! ako pa ba hahaha
Di ka ba natatakot Kay tatay?
Syempre natatakot ako noh kinakabahan ako baka habulin ako ng itak hahaha
Hahaha Loko ka di naman ganun si tatay no!
Joke lang naman yun , sige na matulog kana jan at maaga pa tayo bukas I love you goodnight Love!
Hmmm ang sweet naman ng boyfriend ko! kinikilig tuloy ako hahaha sige na goodnight I love you too love ??????
Kumaen kna jan good night love you ulit!
------
"Good morning nay,tay!
"Good morning din anak mukhang maganda Ang Umaga mo ngayon ah! Sabi ng tatay ko.
"Syempre naman Tay makita ko lang ka gwapuhan mo gumaganda talaga umaga ko.sabay bungisngis ko
"Uhumm parang alam ko na yang mga ganyang banat mo anak sige na sabihin mo na samin ng nanay mo binubola mo pa ako.
Lumapit ako sa likuran ni tatay at pinatong ko dalawang braso ko para lambingin s'ya
" Tay di kita binobola Diba Nay pogi naman talaga si tatay Diba?tanung ko kay nanay na napapatawa nalang.
"Oo naman anak pero kulang ang sinabi mo kasi bukod sa pogi na mabait at masipag pa.dagdag naman ni nanay ganyan dapat anak para mabilis kang payagan ng tatay mo.
"Nay naman ei okay na sana ei dinagdagan pa! maktol ko kay nanay at ngkatawan kami
"Sabihin mo na gusto mong sabihin Kilala ka namin alam kong may kailangan ka.ani nanay
"Ei kc nay, tay mag papaalam po sana ako birthday po kc nung classmate ko na friend ko din naman, Mag na-night swimming daw kami ei syempre need ko muna permission nyo bago ako mag "Oo" binigyan diin ko talaga Yung oo para maramdaman nilang oo ang sagot nila sakin.
"Ang diin naman ng "Oo" anak sabi ni nanay
at nag katawanan kaming dalawa hindi mahigpit sakin si nanay pero naka depende Kay tatay kung papayag ba s'ya sa mga pag papaalam ko.
Samantang parang patay malisya si tatay na nainom ng kape n'ya.
"Tay!
"Huh bakit?
"Tay naman ei!na may pag lambing na tono.
payagan mo na ako behave lang naman ako ei.tska puro girls lang kami dun.
"Ewan ko sa nanay mo kung papayagan ka!tanungin mo nanay mo kasi parang ayaw nya pumayag, at tumingin kay nanay na natatawa nalang.
"Tay naman ei!
"Bakit kasi night swimming pa pwede naman araw.
"Tay kaya nga night swimming ei kasi gabi!
payagan mo na ako Tay please, please, please nag puppy eyes pa ako para payagan ako.
"Sige na sigi na Basta may kondisyon.
walang alak,walang yosi,walang boys
"walang alak,walang yosi,walang boys!sabay kung sabi sa sinasabi ni tatay kasi tuwing mag papaalam ako memories ko na ang kondisyon nya.
"Good mabuti na Yung nag kakaintindihan tayo.
"Yes sir!at nag salute pa ako.
"Teka kilan ba Yan?
"Friday night Tay pag out namin sa school deritso kami sa house nila Grace kami mag luluto pa kami ng food n dadalhin namin.