bc

Benitez Brothers: Innocent Seduction (SPG)

book_age18+
1.3K
FOLLOW
18.3K
READ
billionaire
HE
opposites attract
goodgirl
heir/heiress
sweet
bxg
mystery
loser
highschool
office/work place
harem
musclebear
virgin
polygamy
servant
naive
wild
like
intro-logo
Blurb

Ako si Lalaine , nasa grade school ako ng matuklasan na mayroon akong syndrome na mali-mali. Tiniis ko ang panunukso nila sa akin hanggang high School. Hindi lang ang pagiging mali-mali ang ginawa nilang katawa-tawa sa akin kundi pati ang itsura ko. Bukod kasi sa ako ang pinakamapayat sa School namin ay pinakamatangkad din. Lagi nila akong tinutukso na puno ng kawayan. Kaya lumaki akong mag-isa na walang kaibigan lalo na at mahirap lang ako. Mahaba ang aking buhok na tumatakip sa aking mukha dahil ayokong makita nila ang aking pag luha kapag ako ay kanilang pinagkakatuwaan.

Nakapagtapos ako ng High School. Nagkasakit ang aking Ina kaya pumasok ako na kasambahay ng mga Benitez pero ipinadala nila ako sa Manila para pagsilbihan ang kanilang tatlong anak na lalake na puro Doktor.

Sila ay mababait,pilyo at itinuring akong hindi iba sa kanila hanggang sa matuklasan nila ang aking sakit na pagiging mali-mali. Tinulungan nila akong maalis ang pagiging mali-mali ko pero habang ako ay tinutulungan nila. Nahulog ang loob ko sa tatlo kong amo. Hindi Normal ang pakiramdam na mag mahal ng tatlong lalake kaya pinilit kong labanan. Pero paano ko lalabanan ang nararamdaman ko kung sa bawat kapilyuhan na ginagawa nila ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko. Napagpasyahan ko na umalis pero hindi nila ako pinayagan at naging possessive sila sa akin na ikinatakot ko.

Benitez brothers: Lala is 18 years old at parang kapatid ang turing namin sa kanya. Our parents chose to give us a young maid dahil alam nila na hindi kami pumapatol sa bata. We love to share women na mas matanda sa amin. We found out na may syndrome siya. Binigla namin siya na halikan kaming tatlo for fun dahil sa pagiging mali-mali niya ay hinalikan kaming mag kakapatid. Nang natikman namin ang kanyang labi ay naging addiction na namin siya at hindi kami papayag na mawala siya sa aming poder kahit makalaban pa namin ang aming mga magulang lalo na ang aming ina.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Disclaimer No part of this book may be reprinted or reproduced or utilized in any form or by any electronic, mechanical, or other means now known or hereafter invented, including photocopying and recording or any information storage or retrieval system without the author's permission. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. _____________________________________________ Lala (POV) "Anak gising ka na, naka luto na ako ng agahan natin. Bumangon kana diyan para may oras ka pang mag lakad papunta sa School ninyo." Mahinang sambit ni Inay habang nagsimula na niyang ligpitin ang aming kumot. "Opo Nay." Sagot ko na inaantok pa. Napatingin ako sa aming orasan na nakasabit sa aming dingding mag alas sais na pala ng umaga kaya agad akong bumangon at pumunta na sa aming maliit na banyo para maligo. Napangiti ako dahil nilagyan na ni Nanay ang balde ng mainit na tubig kaya umaasok asok pa. Kahit hirap na hirap ako sa aking pag aaral ay pinag bubuti ko para sa aking napaka mabuting ina. Kung pwede lang ay ayoko nang pumasok pero ilang araw na lang ay matatapos na ako ng high school. Mabilis akong naligo at nagdamit mabuti na lang at sa loob na ng bahay namin ang aming banyo. Matangkad ako kaya masisilipan ako kung sa labas pa ako maligo, halos kalahati na ng katawan ko ang banyo na pinagawa ni Nanay sa mga kapitbahay namin na lalake. Maganda ang Nanay ko kaya maraming nag kakagusto sa kanya. Lumaki ako na hindi nakagisnan ang aking ama. Ang sabi lang niya sa akin ay ayaw ng pamilya ng Ama ko sa Nanay ko kaya lumayo siya para sa ikatatahimik ng lahat pero hindi niya alam noon na nagdadalang tao siya at ako iyon. Sinangag at tuyo ang pagkain namin at may natimpla nadin na kape na gawa ng sunog na kanin. Masarap naman ito kaya napadami ako ng kain. Wala pa man din akong baon kaya hindi pwedeng hindi ako kumain sa umaga. "Anak, gusto mo bang i pusod ko ang buhok mo para makita ang maganda mong mukha. Ani ni Inay na tumabi sa akin. "Huwag na po Inay." Sagot ko na tumayo na dahil mag lalakad pa ako papunta sa School namin. Ang baon ko ay tubig lang kaya medyo mabigat ang aking bag. Pinuno ko na ito dahil ayokong pumunta sa gripo ng School namin mula noong pinagkatuwaan nila ako doon. Ayokong magsabi kay Inay na binubully ako sa school, konting tiis nalang at tapos na ako. "Nay alis na ako." Paalam ko sa king nanay na nag wawalis sa aming bakuran. "O sige Anak, ingat ka sa pag lalakad lagi ka sa gilid." Laging paalaala ng Nanay ko dahil muntik na akong masagasaan noon. Habang nag lalakad kasi ako noon ay biglang may gumulat sa akin mula sa aking likuran na ka klase ko. "Aya pumagitna na sa daan!" Malakas na sambit niya sa aking likuran kaya nagulat ako at pumagitna naman ako sa daan. May malaking sasakyan noon na paparating at napakalakas ng busina kaya doon ako nagising ng pagkagulat kaya agad kong pumagilid. Sobrang iyak ko noon sa takot, buti at nakita ng guro namin kaya napagalitan ang gumulat sa akin. Pero hindi sila tumigil sa pang gugulat sa akin. Hanggang ngayon lagi parin akong pinagkakatuwaan, lalo na ang mha grupo ni Carlo na anak ng Principal namin. Mula noon ay umiiwas na ako sa aking mga ka klase, kung may tao sa aking likod ay halos patakbo ang lakad ko para hindi nila ako masabayan. Buti na lang at mahahaba ang aking mga biyas kaya hindi sila maka abot sa akin. Matiwasay akong nakarating sa school, agad kong kinuha ang walis dahil grupo namin ang mag lilinis ng room. "Lalaine, ang walis parang kambal mo na o kaya sakyan mo kaya sakto saiyo mukha kang magkukulam!" Sigaw ni Carlo at nagtawanan silang lahat. Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy ang aking pagwawalis. Malapit na akong matapos ng biglang sumigaw si Carlo. "Sinakyan na niya ang walis!" Pabiglang sigaw niya at hindi ko napigilan ang aking sarili na sinakyan ito. "Takbo!" Sunod na sigaw niya kaya tumakbo ako. Naiyak nalang ako nang naka labas na ako sa aming room. Habang dinig na dinig ko ang tawanan ng aking mga ka klase. "Lala, ano na naman ang ginawa saiyo?" Tanong ng aming adviser na siya na mismo ang kumuha sa walis. Yumuko nalang ako at napaiyak. "Si Carlo na naman ba?" Hindi ko sinagot ang aming guro, hinawakan niya ang aking kamay at sabay kaming pumasok. Pagdating namin ay tahimik ang lahat na parang wala silang ginawang kalokohan sa akin. "Alam kong may ginawa na naman kayo kay Lalaine, maawa naman kayo sa kanya. Sana darating ang araw na kayo din ang mapahiya sa harapan ng maraming tao. Ay naku ako ang unang magbubunyi. Dito ka na sa harapan umupo Lala, hayaan mahirapn silang tumingin sa black board." Sinunod ko ang utos ng aming guro at dinig na dinig ko pa din ang ilan na humahalihikgik. Hindi ko nalang pinansin at nakinig nalang sa aming guro habang tinatalakay ang aming gagawin sa araw ng aming pagtatapos. Oras ng pananghalian namin ay agad akong pumunta sa aking tambayan. Mainit ang panahon, mabuti at nagdala ako ng paying. Nang malapit na ako ay nakita ko ang mga grupo ni Carlo kaya hindi na ako nagtuloy pa. Bumalik nalang ako sa room namin at doon kumain. Habang kumain ako ay biglang may sumigaw " Itinapon ang pagkain!" Pabiglang sigaw niya kaya naitapon ko ang pagkain ko. "Carlo, wala naman akong ginagawang masama saiyo ah." Mahinang sambit ko na agad pinulot ang aking baunan. Kahit paano ay may naiwan pa sa baunan ko. "Sumbungera!" Inis na bulyaw niya sabay lumapit sa akin at hinawakan ang aking mukha. Napatingin ako sa kanya na kahit gusto kong yumuko ay hawak niya ang mukha ko. Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa binitawan niya ang mukha ko at tumalikod. "Tol, akala ko ba saktan mo?" Dinig ko na bulong ng kaibigan niya. Hindi umimik si Carlo, nakahinga na ako ng maluwag ng tuluyan na silang umalis. Agad kong isinarado ang pintuan. Kumain na muna ako bago ko nilinis ang mga nagkalat na kanin sa sahig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Landscaper's Lust (SSPG)

read
30.9K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
85.4K
bc

Push It Harder (SSPG)

read
149.3K
bc

Royal Blood: Hot and Wild (SPG)

read
110.3K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
43.8K
bc

Manong Rex (SSPG) Virgin men series 1

read
92.2K
bc

Hot Nights with My Ex-Husband

read
96.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook