Con's pov Pinauna ni Leo sina Cal at Lala sa taas, halata ang galit niya sa kanyang mukha. "Leon okay ka lang?" Tanong ko ng nakapasok na ang dalawa sa elevator. Leon ang tawag namin sa kanya dahil kung magalit ay kakaiba. "F*ck nakita mo ba ang itsura ni Lala? Kinawawa siya." "Okay relax." Ani ko na tinapik ang kanyang balikat. Agad siyang pumunta sa front desk at tinanong kung nasaan ang manager. "Tawagan mo ang manager mo o lahat kayo ay madamay na mawalan ng trabaho!" Galit na sambit ni Leo. Agad akong lumapit para pakalmahin siya. Sa takot ng nasa front desk ay agad na tinawagan ang kanilang manager. Ang tatlong security guards ay agad kong sinalubong nang papalapit sila. "Stay there!" "Pero Sir, nag wawala po ang kapatid ninyo." Sabi ng isang guard. "Kayo ba ang nagbanta

