Lala's POV Patakbo ako tuloy na pinuntahan ang bahay ng kapatid ng pinuno. "Lala bakit ka tumatakbo?" Tanong ni Ate Kawa. Agad akong lumapit sa kanyan na hingal na hingal. "Ate, may ano po yung ginawa ninyo para hindi daw makaramdam ng sakit?" "Sakit saan?" "Yung magtalik po." mahinang sagot ko na alam kong parang kamatis na ang aking mukha. "Yun ba? sandali at tumawag ako ng mga kasama natin na gagawa." May pinatawag siya sa mga bata at ilang saglit at nagsidating na sila. Pinalabas ni Ate Kawa ang lahat ng kanyang mga anak at mga asawa. Napatanong tuloy ako sa aking sarili kung paano sila nagkakasya lahat sa kubo. "Ate KAwa ilan po lahat ng anak ninyo?" "Trentay dos yung iba may mga asawa na din at mga maliit lang ang kasama namin sa bahay, kayo alam na ninyo ang mga kukunin

