Cal's POV Alas kwarto ng umaga ay nag handa na kami sa aming pag-alis kami lang siguro ang susugod na walang plan A o B. Wala kaming maisip na paraan kung paano namin makuha si Lala sa poder ni Mommy. Sumakay na kami ng taxi at nagpahatid sa Airport. Nang nasa Airport naman kami ay sabay-sabay kaming naka tulog kaya naiwan kami ng eroplano. "Bakit kayo natulog din?" Tanong ni Leo. "Inantok din kami eh." Sagot ko na napahilot sa aking ulo dahil kulang pa ang tulog ko. Nagpa rebook kami ulit at alas dos na daw ng hapon. Napatingin ako sa orasan alas 8 palang ng umaga. "Mahaba ang hihintayin natin matulog na muna tayo." Ani ko na ipinikit ang aking mga mata. "Kain na muna tayo bago matulog, alarm your phone." Sabi ni Con na tumayo na.Tumayo na rin ako at sumunod kay Con. "Ikaw Leo h

