Greg JR's POV Ang sabi ng kapatid ko kanina ay nasa gate na si Cory pero tapos ko nang nabasa ang lahat ng email ay wala pa siya. Sumilip ako sa may bintana at nagulat ako dahil biglang hinubaran ni Daddy si Cory. Patakbo akong bumaba at paglabas ko ay sinabi ng kapatid ko na may bomba sa katawan niya. Napamura ako dahil sa itsura ni Cory ay mamatay na siya sa takot. Nang na cut ni Daddy ang mga wire at hindi sumabog ang bomba ay tuluyan na itong nawalan ng malay. Patakbo naming nilapitan sina Daddy at agad naming binuhat na magkapatid si Cory na walang malay. Dinala namin siya sa loob at pinahiga sa sofa. Mabuti at nasa basement sina MOmmy at Sha na nagyoyoga. Ilang saglit lang ay pumasok na si Daddy. Nilapitan niya si Cory at kinapa niya ang buong katawan ni Cory. May nakuha siyang p

