Con's POV Pinilit kong magbati kanina dahil masakit na ang aking puson pero walang nangyari. Dumating pa ng biglaan ng bunso naming kapatid na nilalagnat. "Kuya, ipagluto ko siya ng tinola o lugaw. Maganda ang humigop siya ng sabaw." Ani Lala na sinabihan naming huwag gumising ng maaga. Matitigas talaga din ang ulo ng mga bata gaya ng kapatid namin. "Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Leo. "Okay na po ako Kuya, ang haba po ng tulog ko." Sagot niya na bagong paligo na rin at napangiti ako dahil naka ponytail na siya. Maaliwalas na ang kanyang mukha at parang bumagay pa ang gasgas sa kanyang pisngi. "Tulungan na kita." Sabi ko na tumayo. "Ikaw tutulong sa kusina? ni magbalat ng bawang hindi mo alam." Natatawang sabi ni Caleb. Napangiti na lang ako na sinundan si Lala sa kusina.

