Leo's Pov Nang pumasok na si Lala sa kanyang kwarto ay pinatay ko na ang ilaw at pumasok na rin sa aming kwarto. "Sh*t ang bigat ng tiyan ko ang dami kong nakain." Ani ko na napahawak sa aking tiyan. "Buti nga tiyan mo lang ang mabigat ako pati mga itlog ko ay mabigat din." Sabat ni Cal at natawa si Con. Naiiling nalang akong gumawa ng stretching na muna dahil sumakit ang aking hita ng bumaba kami ng hagdanan mula 29th floor hanggang ground flour. "Hindi ba masakit ang mga hita at paa ninyo?" Tanong ko sa kanila. "Masakit din sa akin." Sagot ni Con na hinilot na rin ang kanyang mga hita at paa, ganun na rin si Cal. "You guys ready to sleep?" Tanong ko nang inaantok na ako. "Yeah." Sabay na sagot ng dalawa kaya pinatay ko na ang ilaw. Pagpikit ko ay napamulat ako ulit. "Is the kid

