Chapter 5

1818 Words
Lala's point of view Sinusuklay ko ang aking mahabang buhok ng lumapit si Inay. "Anak, I pusod mo kaya ang buhok mo?" "Nay hindi ko na po mailalagay ang toga ko kung naka pusod." "Eh di gawin mong bun anak, mula ng marunong kang mag-ayos sa sarili mo puro ganyan nalang ang ayos ng buhok. Hindi na nakikita ang mukha mo anak. Mabuti at nakikita mo pa ang nilalakaran mo." Napangiti nalang ako at itinuloy ko ang pagsuklay ng aking mahabang buhok. "Nay, tayo na. Ang ganda-ganda ninyo ngayon ah." Puri ko sa kanya dahil naka ayos talaga ang nanay ko. Kung hindi lang siguro mahirap ang buhay namin ay nanay ko na ang pinakamagandang Nanay dito sa amin. "Syempre anak, gra graduate na ata ang anak ng high school." Masayang sagot niya kasunod ng kanyang pag-ubo. "Nay, napapansin ko napapadalas na ata ang pag-ubo ninyo." "Nasamid lang ako anak, tayo na." Lumabas na kami sa bahay at lumakad na kami ni Inay papunta sa aming paaralan. Marami kaming nakasabayan naglalakad. "Nay okay lang kayo?" Tanong ko dahil bumagal ang kanyang paglalakad. "Medyo napagod ako anak, pahinga na muna tayo." Sagot niya kaya huminto na muna kami. Mabuti at saktong may waiting shed. Kinuha ko ang pamaypay dahil parang nahihirapan na huminga ang Nanay ko. "Anak, mauna ka na muna kaya susunod ako. Baka mahuli ka." "Nay, maaga pa naman sige lang magpahinga na muna tayo." Sagot ko at pinaypayan siya. Trente minuto din kaming nagpahinga ni Inay hanggang sa niyaya na niya ako na ituloy na namin ang aming paglalakad. Nakarating kami sa school at agad ko siyang inalalayan na umupo na muna. Pagkatapos ay pumunta na ako sa aking upuan. Nag umpisa na ang program at pinagsalita na ang aming guest speaker walang iba kundi ang mayaman na doctor sa aming bayan. Kahit may edad na siya ay gwapo pa rin at mukhang mabait dahil bawat salita niya ay may halong biro. Natapos ang isang oras niyang pagsasalita na puro tawa lang kami. Hanggang sa tinawag na kami isa-isa para kunin ang aming diploma. Nang ako na ang tinawag ay ay nilingon si Inay. Kinawayan niya ako at napangiti akong lumakad na papunta sa entablado. Napangiti ako dahil si Doc Benitez mismo ang nag abot ng diploma ko at kinamayan pa ako. "Congratulations." Bati niya. "Thank you po Doc." Sagot ko na humarap sa stage. Pagharap ko ay biglang sumigaw ang mga kaibigan ni Carlo. "Tumalon na siya sa stage!" malakas na sigaw nila kaya napatalon naman ako at napasubsub sa lupa. "Anakkkkk!" Dinig ko na sigaw ni Inay habang ang mga ka klase ko at ibang tao ay malakas na nagtawanan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. "Are you okay iha?" Tanong ni Doc Caleb at umalalay na rin ang ilang mga advisers ko. Hindi ako umimik, umiyak nalang ako hanggang sa marinig ko na nagkagulo ang mga tao. "Lala ang nanay mo nawalan ng malay!" Sigaw ng kapitbahay namin. "Ang mga sumigaw na tumalon si Lalaine ay hindi na muna makukuha ang mga diploma nila!" Dinig ko na sabi ng aming adviser. Patakbo kong pinuntahan si Inay na pinapaypayan habang walang malay na naka upo. Namumutla siya habang lupaypay ang kanyang katawan. "Dalhin ko siya sa hospital." Sabi ni Doc na siya na mismo ang bumuhat sa nanay ko. "Halika na iha sumama ka." Sabi niya sa akin kaya agad akong sumunod sa kanya. Lahat ay nakatingin sa amin may natatawa parin at may naawa. Pinunasan ko ang aking luha at patakbo na sinundan si Doc. "Lalaine, I am so sorry hindi ko sila napigilan!" Si Carlo na sumalubong pero hindi ko siya pinansin. Naipasok na ni Doc si Inay kaya mabilis akong pumasok na rin at umupo sa tabi niya. Mabilis na pinaandar ni Doc ang kanyang sasakyan kaya napayakap ako kay Inay na walang malay. Napaiyak na ako, ito na ang kinatatakutan ko na mangyari. Ang makita ni Inay kung paano ako I bully ng mga ka klase ko. Nakarating kami sa hospital at si Doc parin ang nagbuhat kay Inay. Sinalubong nalang siya ng mga nurses sa hospital at agad na pinahiga sa hospital bed. "What's your name again?" "Lalaine po Doc." "Okay Lalaine, just wait here may nurse na din na titingin sa sugat mo sa tuhod." Sabi niya at iniwan na niya ako, may nurse ngang tumingin sa sugat ko. Bahagyang nagkasugat dahil tumama ang tuhod ko sa bato at medyo mataas pa man din ang stage ng school namin. Nilinis ang sugat sa aking tuhod at nilagyan na din ng gamot. Ilang saglit lang ay lumabas na si Doc kaya mabilis ko siyang nilapitan. "Kumusta ang Nanay ko Doc?" Kinakabahan na tanong ko. "May TB ang Nanay mo Lalaine at kailangan na magamot siya agad. Ma isolate siya at kailangan na matignan ka din dahil baka nahawaan ka at mahina din ang baga ng nanay mo." "Po, Doc. Magkano po ang bayad?" Agad na tanong ko. "It's on me, graduation gift mo ko na saiyo." "Salamat po Doc." Naiiyak na sambit ko. Agad nila akong sinuri at okay naman ang resulta. "Lalaine halika ka na muna kumain na muna tayo, don't worry to your mom may mag-aasikaso sa kanya." Sabi niya na inakay na ako dahil nahihiya akong sumama. Sa canteen ng hospital kami pumunta. "Don't be shy, mag order ka lang kung anong gusto mo." Sabi pa niya na nauna na siyang kumuha ng kanyang pagkain. Gutom na rin ako kaya tumayo na rin para kumuha ng aking kakainin. Nang makakuha na ako ay pumunta na ako sa mesa namin ni Doc. Habang kumain kami ay marami siyang tinanong tungkol sa akin. Kung sino ang tatay ko at kung ilang taon na ako. "Doc, sabi ni Inay ay ayaw daw sa amin ng Tatay ko, pinalayas niya si Inay nang malaman niyang buntis siya kaya patay nalang ang turing ko sa kanya." "What a j*rk" Mahinang sambit ni Doc. "Doc, kung gusto po ninyo ay maging kasambahay nalang ninyo ako para kahit paano ay makabayad ako sa inyo." "Hmm, no need Lalaine. Gusto mo bang mag-aral sa kolehiyo?" Agad naman akong tumango sa kanyang tanong. Tumunog ang kanyang telepono kaya nag excuse na muna siya sa akin. Habang kumain ako ay natingin ako sa kanya. Ang bait niyang doctor at gwapo pa. Paminsan-minsan ay napapatingin siya akin hanggang sa tapos na siyang makipag-usap sa kanyang telepono at umupo na siya sa aking harapan. "Lalaine, gusto mo ba na sa maynila ka magtrabaho. May sahod ka at mag-aaral ka ng kolehiyo." "Paano po si Inay Doc?" "Ako na ang bahala sa kanya." "Ano pong trabaho sa Manila Doc?" "May mga anak akong lalako doon na tatlo, mga professional na sila, do you know how to cook?" "Opo marunong po ako Doc." "Great, just cook for them dahil may naglilinis na sa condo nila and they wash their own laundry." "Pero mga lalaki po sila Doc." Mahinang sabi ko. "Don't worry, ituturing kang kapatid nila dahil halos ka edad mo ang bunso nilang kapatid.Kung may gagawin sila just call me ako ang bahala." "Magpa-alam na muna po ako kay Inay Sir kung papayag siya." "Sure, no problem. Kung pumayag ang nanay mo ay luluwas ka na ngayon." "Po!" Yes ang chopper ko na ang maghahatid saiyo at pagdating mo doon ay may mag assist agad saiyo papuntang unit nila." Tumango nalang ako at nang tapos na kaming kumain ay binisita ko si Inay. Pinag mask nila ako at nang pumasok ako ay gising na siya. Sinabi ko lahat ang sinabi ni Doc Caleb sa akin. "Anak, nasa iyo yan. Pero kung ako ang tatanungin mo ay payag ako dahil makapag-aral ka na sa kolehiyo at hindi ako matatakot lagi na mag-isa ka sa bahay lalo na at matatagalan ako dito sa hospital anak." "Sige Nay, sasabihin ko po kay Doc. Pwede naman daw kitang bisitahin minsan sa isang buwan." "Patnubayan ka ng panginoon anak." Sabi ni Inay at mahigpit ko siyang niyakap. Nagpa-alam na ako kay Inay at pumunta ako sa opisina ni Sir Caleb. Sinabi ko na payag na ako kaya agad niyang pinahanda ang kanyang chopper. Umuwi na muna ako at nag empake ng aking mga gamit, nang tapos na ako ay lumabas na ako sa bahay. Pinagmasdan ko ang aming maliit na bahay, sana ay makapagtapos ako para ipaayos ko ito. Napahinga ako ng malalim at sumakay na ng tri-c pabalik sa bayan. Sa malawak na basketball court ako nagpahatid at naghihintay na nga sa akin ang helicopter ni Doc Caleb. Pagbaba ko ay may tumulong agad sa akin, nagpakilala siya na piloto ng helicopter at siya na rin ang nagbayad sa sinakyan ko. Kinakabahan akong sumakay ng chopper lalo na ng papataas na ito. Pero habang tumatagal ay naging okay na at nalibang na akong tumingin sa baba. Ilang oras din kami sa taas at ilang saglit lang ay naramdaman kong pababa na ito sa mataas na gusali. Naalala ko si Sir Caleb, paano ko siya tatawagan kung wala naman akong celphone. Lumapag na ang chopper at nagbukas na ang pintuan. May naghihitay na din sa akin na babae at naka uniporme pa. Tinulungan niya akong buhatin ang aking mga bag na dala. "Ikaw ba ang maging kasambahay nina Doc?" Tanong niya habang nasa elevator kami. "Opo ate." Nahihiyang sagot ko. "Ang swerte mo naman. Paano ka nag-aply? noon ko pa gusto na maging katulong nila pero hindi ko naman alam kung saan pwedeng mag-aply." "Ang father po nila ang kumuha sa akin ate." ."Ay ganub ba." Sagot niya at nag bukas na ang elevator. Lumabas na kami at ilang saglit lang ay huminto na siya sa isang pintuan. "Ito yung unit nila, mga ilang minuto nalang ay uuwi na din sila kaya pwede mo na silang hintayin dito." Sabi niya at nagpa-alam na rin dahil sa lobby daw siya nakatoka. Umupo naman ako sa sahig, malinis naman ang carpet kung tutuusin ay pwede pa akong mahiga. Walang katao-tao sa pasilyo, medyo nabagot na ako kaya naglabas na muna ako ng libro na aking babasahin hanggang sa hindi ko na mamalayan na malapit ko nang matapos ang libro na binabasa ko. Napahinga ako ng malalim at napatayo. Natigilan ako nang nagbukas ang elevator at may tatlong lalaki na hindi maayos ang mga damit. May kamukha si Doc. Caleb sa kanila kaya sigurado ako na ito ang kanyang mga anak. "F*ck bakit na raid ang hotel.?" Inis na sambit ng isa. Parang hindi pa ata nila ako napansin dahil abala silang inaayos ang kanilang mga damit. "Hello po." Bati ko at sabay-sabay silang napatingin sa akin. "Hi." Bati pabalik ng kamukha ni Doc Caleb. "Ako po si Lalaine, pinadala po ako ng Daddy ninyo." Nahihiyang sambit ko. "Pinadala? bakit?"Tanong ng isa. "Taga luto daw po ninyo." "Ilang taon ka?" Tanong din ng isa sa akin. "18 po." Sagot ko at sabay-sabay silang nagmura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD