KINABUKASAN ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang magkulong sa kwarto ko. Hindi ko pa nakakausap si Papa tungkol sa nangyari noong isang araw, balak ko sanang kausapin siya at humingi ng paumanhin sa pagsagot ko. Ano man ang pagkukulang niya sa akin bilang isang ama ay hindi ko na dapat pang palakihin. He’s still my father. I owe him my life and everything that I have. Tumingin ako sa cell phone ko na nasa bedside table ko nang umilaw at mag-vibrate ito. Nakita ko ang pangalan ni M na lumitaw sa screen. Binuksan ko ang mensaheng pinadala niya at agad na napangiti. Menandro: Are you okay? Ako: I’m fine, M. Thank you. Menandro: Shopping tayo. Tingin na rin tayo ng mga bagay na pwede sa inaanak ko. Ako: Silly. Hindi pa nga natin alam kung babae o lalaki. Menandro: Edi bili tay

