MALAWAK ang ngiti ni M pagkatapos niyang ilagay ang make up sa mukha ko. Mula sa repleksiyon sa salamin ay nakita ko si Mama na nakangiti sa akin, sa tabi niya ay si Aliyah na nakangiti din. “Perfect!” saad ni M at pumalakpak pa. Walang kahit na anong sakit ang mababakas sa mukha ni Aliyah kaya naiinggit ako sa kanya kung paano niya nagagawang itago ang totoong nararamdaman. Mayamaya ay lumapit sa akin si Mama at niyakap niya ako. “You look so beautiful, Alison.” Ngumiti na lang ako at hindi na sumagot. “Mauuna na kami sa simbahan, ha?” tumango na lang ako. “Are you okay?” nag-angat ako ng tingin kay M na hinahaplos ang buhok ko. Malungkot akong ngumiti sa kanya at umiling. “Bakla, huwag ka nga. Ikakasal ka na sa taong mahal mo, hindi ba dapat ay maging masaya ka?” “Paano ako sasaya k

