bc

My Arrogant Boss Nickholas Fuentibella.R-18+(TAGALOG)

book_age18+
3.4K
FOLLOW
22.6K
READ
family
pregnant
arrogant
goodgirl
bxg
cheating
first love
lies
virgin
shy
like
intro-logo
Blurb

Isang masipag,may tiyaga at may dedikasyon sa trabaho si Winoona. Nagta-trabaho siya bilang personal assitant sa kumpanya na pagma-may ari ng mga Fuentibella.Tahimik,masaya,at kontento na sa trabaho sa kumpanya ng mga Fuentibella. Bukod kasi sa mga mababait na ka- trabaho ang mayroon din siya na ubod bait din na amo. Si Efren Fuentibella na kilalang isa sa matagumpay na businessman sa bansa bukod sa maunawain ay likas din ang pagiging mabait nito at mapag bigay sa kanyang mga empleyado. Kaya para kay Winoona ay naka jackpot siya pag dating sa trabaho .Ngunit magbabago ang lahat. Ang tahimik at masaya niyang pagta trabaho sa kumpanya ng mga fuentibella ay magiging magugulo. At iyon ay dahil sa pag dating ng bago niyang boss. Ang arogante, at ubod supladong si Nickholas Fuentibella.Ang panganay na anak ni Efren Fuentibella.Kung pag ku-kumparahin ay malayong malayo ang pag uugali ni Nickholas sa ama nitong si Efren Fuentibella. Kung gaano kabait ang matandang Fuentibella ay s'ya namang ubod sama ng pag uugali ni Nickholas na subrang nag pahirap kay Winoona.Paano kaya pakikisamahan ni Winoona ito?Mapapag tyagaan kaya ni Winoona ang pag uugali ng bago niyang amo?O,tuluyang mahulog ang loob sa binatang sa kabila pala ng pagiging arogante at magaspang na pag uugali ay may itinatago palang

kabaitan at malambot na puso.

chap-preview
Free preview
Chapter:1
Nagising ako sa malakas na pag-alarm ng aking cellphone.Alas kwatro pa lamang ng umaga.Kahit ina-antok pa ay pilit ako bumangon. Kinuha ko ang tuwalya, at saka tinungo ang banyo.Agad na naligo ako upang mawala ang antok na nararamdaman.Nang matapos sa pagligo agad naman akong pumunta ng kusina saka nagmadali na sinimulan ang pagluluto. Ang tirang kanin na lamig ay aking sinangag.Nag prito ako ng paborito kong tuyo,itlog at hotdog naman para kay Bon.Nakahanda na ang almusal,saka ko pa lamang ginising ang aking kapatid na si Bon.Tulad ng nakagawian ko bago ako pumasok sa trabaho ay ihahatid ko muna ito sa kanyang school. "Bon, gising na,tanghali na!" Malakas na pagtawag ko dito.Nagtimpla ako ng kape. Pero yung kapatid kong tulog mantika,ayun,tulog parin. Pinuntahan ko na ito sa kwarto. Napailing ako ng makita ang masarap nitong pagkakatulog. Kung si Tiya Carmen pa ang gigising rito, pihong may talak ito. "Uy!gising na. Tanghali na tayo,may pasok pa rin si ate," Panggigising ko rito habang inalog alog ang katawan nito. "Ate,five minutes pa po."Hirit pa nito,sabay talukbong ng kumot.Napahilamos ang aking sariling kamay sa mukha ko. Hay! kahit kailan talaga, ang hirap gisingin ng isang to.Kaya naman kiniliti ko na ito para tuluyang bumangon.Tatlong taon na rin ang nakakalipas ng iwan kami ni tatay.Kami na lamang dalawa ni Bon ang magkasama na ngayon ay nakatira kay Tiya Carmen na nakababatang kapatid ni tatay. Dahil sa pangungulit ko ay bumangon na rin si Bon.Nang makapaligo at almusal ay nagmamadali narin kaming umalis ng bahay. "Tyang, alis na po kami." Paalam ko kay Tiya Carmen na nagwawalis sa bakuran ng bahay.Kinuha ko ang kanang kamay nito at saka nag mano. Ganoon din ang ginawa ni Bon. "Mag iingat sa trabaho,Winoona.Bon, wag malikot at pasaway sa school." Madalas ay iyon ang bilin sa amin ni Tyang. Nakangiti akong tumango rito at saka lumabas ng bakuran.Bago dumiretso ng trabaho ay hinatid ko si Bon sa school. Seven fifteen pa lang pero ang init-init na. Bago mag alas otso ay nasa opisina na ako.Agad kong tinungo ang opisina ni Sir Effren.Ang boss ko, at ang may-ari ng Fuentibella Company.Inayos ko ang medyo makalat na table nito. Inihanda ko narin ang mga importanteng mga papeles na kakailanganin nito para mamaya.Nasa ayos na ang lahat nang dumating si Sir Eff. "Good morning po, Sir." Nakangiting bati ko sa may katandaan kong Boss.Tatlong taon na akong nag ta-trabaho bilang sekretarya nito.At sa tatlong taon na yun ay wala akong naging problema rito. Dahil sa likas ang pagiging mabait nito sa mga empleyado nito. "Good morning, Noona!" Nakangiting ganting bati sa'kin ni Sir.Dumiretso ito sa kanyang table at saka binuksan ang sariling laptop. "Sir,pure coffee, or with creamer po?" Tanong ko rito at saka kinuha ang paborito nitong tasa, na iniingatan ko h'wag mabasag.Simple lang naman ang tasa na may nakasulat sa tagiliran ng ''Thank you Dad."Bigay raw kasi iyon ng panganay na anak nitong sa America na namamalagi.Ang panganay na anak ni Sir na,ni minsan ay hindi ko pa nakikita sa loob ng tatlong taong paninilbihan ko sa kumpanya ng mga Fuentibella. Tanging pangalan lang nito ang alam ko,dahil minsan ay naririnig ko iyon sa mga empleyado ni Sir na ma's mga naunang nagtrabaho dito sa Fuentibella Company kaysa sa'kin,na,pinag-uusapan ng mga ito. Kesyo pinakang pogi raw sa lahat ng anak ni Sir. Ngunit ito rin daw ang pinaka istrikto, masungit,at mahirap pakisamahan sa mga Fuentibella. Na ipinagpapasalamat ko naman, dahil hindi ito ang naging Boss ko.Mahirap yata mag trabaho kung ang amo mo, e,ubod ng sungit. Baka hindi ko magawa ng maayos trabaho ko dahil sa takot. "With creamer,please," Agad kong itinimpla ang kape ni sir Effren. "Sir, remind ko lang po, Eleven:am meeting po kay Mr. Ang." Paalala ko rito habang hinahalo ang kape nito.Hindi ito umimik,kaya naman ay napalingon ako kay sir Effren.At ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makitang sapu-sapo na nito ang sariling dibdib.Nahihirapan ito sa paghinga. ''Sir!Ano pong nangyayari sainyo?!" Halos mataranta akong nilapitan ito.Ang pag sagot ay hindi na nito magawa dahi sa paninikip ng dibdib. Agad kong hinagilap ang mineral water na nasa table nito at agad na pinainom iyon kay sir. Ngunit wala pa rin nangyari. "H-hindi a-ako m-makahinga.'' Sabi nito na hirap sa pagsasalita. Natataranta kong kinuha ang bottle ng tubig na nasa table nito at agad na pinainom iyon kay Sir Efren. Ngunit wala din nangyari. Ganoon pa rin. Hirap ito sa paghinga.Kaya naman ay ubod lakas kong pinindot ang emergency buzzer nito upang makahingi ng tulong. "Noona,what happened to my husband?!" Mula sa aking pagkakaupo ay napalingon ako sa bagong dating si Ma'am Elisabeth. Ang butihing may bahay at asawa ni sir Effren. Banaag sa maganda nitong mukha ang labis-labis na pag-aalala sa asawa. "Ma'am, bigla na naman po inatake si Sir ng paninikip ng kanyang dibdib." Sabi ko dito. Biglang naitutop nito ang mag kabilang palad sa bibig. "Diyos ko!Sinasabi ko na nga ba, h'wag na muna pumasok ngayon araw. Dahil sa bahay pa lang ay hindi na maganda ang pakiramdam." Saad ni ma'am Elisabeth na sunod-sunod ang ginawang pag-iling nito. Inaya ko itong maupo sa upuang nasa pinakang bukana ng kwarto ni sir Effren habang hinihintay ang paglabas ng doctor. Ngunit hindi ito mapakali,umupo nga ito, pero saglit lang din at muling tumayo. Parito at paroon ang gawa nito habang inaantabayanan ang paglabas ng Doctor. "Ma'am kalma lang po kayo.Magiging okay rin po si Sir." pang-aalo ko rito. Na kahit ako man ay nag-aalala sa kalagayan ng aking Boss. Naging mabuti sa akin si Sir Efren. Sa amin na mga empleyado ng Feuntibella Company.Hindi lang isang nakatataas or Boss ang turing ko dito. Dahil kay Sir Efren pakiramdam ko ay may ama ulit ako. Ni minsan ay hindi ko naramdaman na isang sekretarya ang turing nito sa akin. Dahil kaming mga empleyado nito anak ang turing nito sa amin. "Sana nga, Noona. Sobra na akong nag-aalala para sa aking asawa.Napapadalas na ang paninikip ng dibdib niya." Ilang minuto rin ang aming pinaghintay bago lumabas ang doctor. Napatayo ako mula sa pagkakaupo.Habang si ma'am Elisabeth naman agad na lumapit sa doctor. " Mrs Fuentibella, can we talk privately?" Bungad ng doctor kay ma'am Elisabet.Biglang bumakas sa mukha ni ma'am Elisabeth ang ma's lalo pang pag-aalala. Tumingin ito sa gawi ko "Winoona, please call Eric and Archie.I need them both." Baling nito sa'kin bago tuluyang pumasok sa silid na kinaroroonan ni sir Effren..Marahil ay napaka importante ng pag uusapan ng mga ito.Tulad ng bilin ni ma'am Elisabeth agad kong tinawagan sina sir Archie at sir Eric.Ang pangalawa, at bunsong anak ni sir Effren. Ilang minuto lang din ang tumagal at dumating ang mga ito.Tipid na ngumiti ang mga ito sa'kin ng makita ako.Nanatili lang akong nakatayo sa labas ng kwarto ni Sir Eff.Bahagyang nakaawang ang pintuan kaya naman ay kita ko ang ang mga kaseryosohan ng mga ito habang nag uusap-usap. "We need him.Walang ibang papalit kay Dad, kundi siya.It's time para bumalik siya ng Pilipinas mom. " Si sir Eric.Kumunot ang aking noo sa narinig. Gusto ko pa sanang makinig sa usapan ng mga ito,ngunit naalala ko ang aking naiwang trabaho. Agad na rin akong nagpaalam.Maraming trabaho akong iniwanan kanina.Kailangan kong balikan ang mga iyon. Lalo na yung mga taong naka appoint kay Sir ngayong araw sana,ngunit hindi natuloy dahil nga sa nangyari. Oo nga pala si Mr. Ang!Nakalimutan ko itong tawagan upang ipaalam na hindi na matutuloy ang meeting nila ni sir. Naku!lagot na. Nawala sa isip ko kaninang tawagan ito. Napatingin ako sa relong pambisig. Pasado alas dose.Malamang nasa opisina na ito ngayon. Patakbo kong tinungo ang palabas ng ospital at saka naghanap ng taxi'ng masasakyan pabalik ng Fuentibella Company. Hindi naman.ako nahirapan dahil pagkalabas-labas ko ng ospital ay may dumaan na taksi. Habang nasa byahe ako, pabalik ng Fuentibella Company, ng maalala ang narinig kong sinabi ni sir Eric. 'We need him. Walang ibang papalit kay Dad,kung hindi siya.It's time para bumalik siya ng Pilipinas, mom." Sinong siya?Sino ang tinutukoy ni sir Eric?At anong ibig sabihin na papalitan?Si sir Efren kaya?Malala ba ang nangyari kay Sir?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook