Mahigit dalawang linggo na akong di nakaka pasok ng opisina. Papasok na sana ako kahapon ngunit sinabihan ako ni Nick na sa Lunes na lang daw. Gustuhin ko man ngunit hindi ito pumayag. Wala rin akong balita kong ano na ang nangyayari sa opisina. Lalo na at ng huli kong pasok ay ako ang pinag uusapan ng buong FRS. Kinuha ko ang aking cellphone sa ibabaw ng table malapit sa tv saka pumasok ng aking kwarto. Humiga ako ng kama saka binuhay ang aking cellphone. Walang anumang txt or message man lng doon si Nick. Anong nangyari sa isang iyon.?Dalawang araw ng hindi nag paparamdam ito. Huling nakausap ko ito ay noong nakaraang pumunta iyon dito sa bahay at sinabihan akong sa monday na lang ako pumasok. Muli ay pinatay ko ang aking cellphone saka inilagay iyon sa maliit na table na malapit s

