(SUZETTE POV) "I know there is something sa dalawa na iyon, Dana.Kaya hanggat maaga pa kailangan ko ng putulin kung ano man iyon!"saad ni Suzette sa kaibigang si Dana.Habang tanaw nito buhat sa malayo ang sasakyan ni Nick. Kung tama nga ang hinala niya na may tinatago sa kanya si Nick,ay kanya iyong aalamin. Malakas ang kutob niya na may namamagitan dito at sa ambisyosang sekretarya nito. At hindi niya iyon hahayaan na mangyari.Hindi sya makakapayag!Sya lang ang nararapat para kay Nick. Masyado ng malaki ang naging puhunan niya para hindi ito mapunta sa kanya. "Hay naku!pwede ba, Suzette, itigil mo na iyang kabaliwan mo kay Nick.Ni hindi ka nga napapansin noong tao eh.Hindi ka ba napapagod sa mga ginagawa mo?Bakit hindi mo na lang ibaling sa iba ang nararamdaman mo?"sagot dito ni Dana

