Habang naglalakad ako sa lobby ay hindi ko maiwasan ang tingnan kung saan ko nakita ang lalaking nakita ko nung isang araw. Hindi ako maaring magkamali si Eldon ang nakita ko. Pero anong ginagawa niya dito sa Fuentebilla company?Sa pagkakaalam ko ay sa Singapore na ito namamalagi. Si Eldon Curtiz, ay masugid kong manliligaw nong panahon na nag-aaral pa ako. College ako noon at isa sa mga scholar sa school na pagmamay-ari ng mga Curtiz Matiyaga ang ginagawa nitong panliligaw sa akin.Pero hindi ko iyon magawang suklian dahil sa mga taong mapanghusga. Sikat at kilala sa campus noon si Eldon.Kung sa hitsura lang din ang pagbabasihan masasabi kong gwapo ito.Matangkad din at marami din naman ang nagkakandarapa na babae rito. Bukod sa anak mayaman e, galing din sa kilalang pamilya. At

