Halos mag kumahog ako makarating lang ng opisina. Kung bakit ba naman kasi hindi tumunog ang alarm na sinet ko. Pagdating ko sa elevator ay ganoon na lang ang panlulumo ko ng makitang madami at puno ang sakay noon. Wala akong choice kung'di ang gumamit ng hagdan.Limang minuto na lang ang natitira sa oras ko,late na ako. Lakad at takbo ang aking ginawa kaya naman ng makarating ng opisina ay parang naligo ako dahil sa pawis. Hindi ko pa naibaba ang aking bag sa aking table ng tawagin ako ni sir Nick sa opisina nito. Wala akong nagawa kung'di ang pumasok sa opisina nito nang hindi man lang nakapag ayus ng sarili. Habang papalapit ako sa pintuan ay walang tigil sa malakas na pag t***k ang puso ko dala ng sobrang kaba. Lalo na at narinig ko sa ibaba na masama ngayon ang mood ni sir Nick. Naka

