(Nick POV) Gusto kong mainis sa aking sarili. Anong nangyayari sa akin ngayon?Hindi ba at nangako ako sa aking sarili na iiwasan ko ang babaeng iyon. Pero heto ako na parang natatanga sa tuwing nakikita ko sya.Gusto ko palagi lang sya sa paningin ko. Gusto ko na nakikita ko sya.Hindi na bago sa aking ang ganitong pakiramdam. Alam ko na unti unti ng natitibag ang pader na inilagay ko sa pagitan namin ni Winoona. Ganitong ganito ako noon sa una kong pag-ibig. Ganito ako noon kay Carol. Napasandal ako sa aking swivel chair at napatingin sa pintong nilabasan ni Winoona. Malalima akong humugot ng hininga. At na ipagsalikoo ko Ang magkabila kong kamay sa aking ulo. Hanggang kailan ko maitatago itong nararamdaman ko.Nahihirapan na ako. Lalo pa nga at madalas ko syang makasama dito sa opisina.

