Chapter 31

2827 Words
Hindi na nakatanggi si Cheska kay Zoren nang diretso, nanginit din ang kanyang mga pisngi alam nitong namumula na s'ya sa sobrang kilig. Yumuko na lang ito at isinuot ang chinelas ni Zoren. "Tara na?" aya ni Zoren. "Si--- sige, tara na," nahihiyang sabi ni Cheska. May pagsingit pa ito ng kanyang buhok sa tainga na wari mo'y mahinhing dalaga. "Girl ang pabebe mo ngayon promise, masyado ka nang halata na kinikilig! Paano ba 'to! Baby Zoren kasi why are you so gentleman! Hay," Pakiramdam ni Cheska ay nakalutang s'ya sa mga ulap. Hindi na rin maintindihan ni Cheska ang nagyayari sa kanyang paligid, mabilis ang t***k ng kanyang puso at hinahabol na n'ya ang kanyang paghinga. Habang papalapit sila sa simbahan ay dumadagsa na rin ang mga tao sa paligid. Sumisikit na rin ang daan, ngunit ang diwa ni Cheska ay nawawala pa rin. "Sh*t! Ah---," nabangga si Cheska ang mga kabataang naghahabulan. Na-out of balance ito at masusubsub sa kalsada. Napapikit na lang ito. Ilang segudo pa ang lumipas, hinihintay na lang ni Cheska ang kanyang paghalik sa lupa. Ngunit isang mainit na bisig ang kanyang binagsakan. Napamulat ito bigla. "Zo---Zooren." Sinapo pala s'ya ni Zoren upang hindi masubsob. "Okay ka lang?" tanong ni Zoren. Natulala sandali si Cheska, pinagmasdan n'ya ang magandang mata ni Zoren, makapal na kilay at manipis na mga labi. Pakiramdam ni Cheska, nag-slow mo ang lahat. "Cheska! Ayos ka lang ba?" muli sabi ni Zoren. Bumalik na sa kanyang katuhan si Cheska. "Ha!" Mabilis itong tumindig at inayos ang kanyang damit. "Oo, oo. Ayos lang ako, pasenya na ang malpa ko," sabi ni Cheska. Dinig na ni Cheska ang pagtibok ng kanayang puso. "Zoren naman, 'wag ganito! Kinikilig ako! Ano ba! Self kalma, please kumalma ka kahit kaunti," sabi ni Cheske sa kanyang sarili. Hindi nito maiwasang hindi ngumiti mag-isa. Hindi ito makapaniwala na ang natitigan n'yas ng malapitan ang maamong mukha ni Zoren. Lalo itong humanga sa kanyang kasama. Pilit n'yang tinatago ang sobrang kilig na nararamdaman. Kinakagat na rin nito ang kanyang labi upang maiwasang ngumiti ng ubod ng laki. "'Wag mo pigilang ngumiti, mas gusto kitang nakikitang nakangiti kaysa nagtataray," biglang sabi ni Zoren. "Dito ka lang kasi sa tabi ko." Inakay ni Zoren si Cheska sa kanyang gilid at inakbayan. "Hindi kita maproprotektahan kung gigitna ka. Okay lang ba?" Hinayaan lang ni Cheska ang kamay ni Zoren sa kanyang balikat. Lalo itong nataranta at hindi alam kung anong magiging reaksyon sa mga nangyayari. Wala na rin itong maintindihan sa mga sinabi ni Zoren matapos s'ya akbayan nito. "Ha! Ako ngumingiti? Hindi kaya! Grabe ka! Napapangirit ako kasi ano, ano kasi! Mainit! Tama mainit, huh! Dapat pala nagdala tayo ng payong," palusot na sabi ni Cheska. Hindi na nito napag-isipan ang kanyang sinasabi. Natawa na lang si Zoren, halatang nagpapalusot lang ito. "Sige sabi mo," tugon ni Zoren. Nagpatuloy na sa paglalakad ang dalawa, nakaakbay pa rin si Zoren kay Cheska. Pilit kumalma si Cheska at umastang hindi s'ya na apektado sa mga kilos ni Zoren. "Maiba ako, tungkol saa nga pala ang fiestang 'to?" tanong ni Cheska. "Hindi ka ba nag-research tungkol sa pista ni San Juan?" balik na tanong ni Zoren. Umiling si Cheska. "Gusto ko kasing raw ang informations na makukuha ko. At hindi base sa mga articles sa internet. Para rin may sense of surprise ang pagpunta ko dito. Ang pagsusulat kasi is parang pagluluto, kung  walang pagmamahal at walang excitement kang nararamdaman habang tumitipa ka ng mga letra, salita at mga pangungusap, hindi mararamdaman ng mga readers ang saya at pagkasabik na gusto mong iparamdam sa kanila. Pag nagsusulat kasi ako, parang may magic, parang naiiba ang paligid at nakikita ko sa paligid ang mga nababasa ko. 'Yon din ang gusto kong iparamdam sa mga bumanasa ng mga write ups ko. Kaya on site ako madalas, syempre kasama na doon ang gala, hitting two bird with one stone. Trabaho na ng editor ko if ever may hindi s'ya gusto sa mga gawa ko," paliwanag ni Chaska. "Ah, para rin pa lang sa photography, kung wala sa puso mo ang pagkuha ng mga litrato magre-reflect agad 'yon sa mga shots na makukuha mo. Kapag wala ka sa mood, iritable. Masya, malungkot, lahat ng 'yon lumilitaw sa pictures. Hindi lang halata ng iba pero kapag professional photographer at nakakita, alam n'ya agad kung ano ang mood ng bawat shot na makikita n'ya at kung ano ang nararamdaman ng kumuha ng mga 'to," sabi ni Zoren. Nagngitian ang dalawa at nagpatuloy sa paglalakad. Nakahinga ng maluwag si Cheska, naging komportable na rin ito sa pagkaka-akbay ni Zoren. Ang totoo kasi n'yan ay mas binigyang pansin ni Cheska ang kanyang susuotin para sa araw na ito kaysa sa kanyang gagawing write up kung kaya't nawala na sa kanyang isipang mag-resaerch tungkol sa Pista ni San Juan Bautista. Mabuti na lamang at nabigyan n'ya ng magandang dahilan si Zoren kaya hindi ito naaral ang kanyang isusulat. Bukod doon ay totoo na lahat ng kanyang sinabi. Mahusay na manunulat si Cheska, lalo na kung tungkol sa buhay ng tao. Hindi lang halata sa kanyang pagkilos at pananalita. Habang lumalapit sila sa bayan ay mas umiingay at may nakikita na ring mahahabang hose si Cheska. "Ito ang Pistani San Juan Bautista! Ang nagbinyag kay Hesus, at sinasabing patron saint of untlod blessings," pagpapaliwanag ni Zoren. Nilakasan nito ang kanyang boses. Umiinagy na kasi ang paligid at gusto nitong maipakita kay Cheska kung paano nila ipinagdiriwang ang kapistahan ng kanilang patron. "Wait? Nagbinyag kay Jesus. Ito ba 'yung may---" naputol ang pagsasalita ni Cheska. May batang nagbuhos sa kanya ng isang timbang tubig. Nagulat si Cheska sa mabilis na pangyayari. Napalayo ito kaagad kay Zoren. Hindi nito inaasahang katulad pala ito ng fiesta ng Wattah Wattah sa Batangas. "'Yung nagbabasaan!" sigaw nito matapos punasan ang kanyang mukhang dahil sa pagkakabasa. Tumango si Zoren, natatawa rin ito sa naging reaksyon ni Cheska, matapos mabasa. Napangiwi ito bahagya at nagulat sa tuloy tuloy na pagbasa sa kanya ng mga tao. "Dapat sinabi mo agad! Para hindi ganito ang suot ko, kung alam ko lang sana ng swim suit ako!" birong sabi ni Cheska. "Sira! Hindi naman ako papayag na ganoong ang isuot mo," sabi ni Zoren. Natuwa si Zoren sa naging reaksyon ni Cheska, hindi ito napikon at naginarte sa biglaang pambabasa ng mga tao sa kanya. Karamihan kasi ng dinadala n'ya sa fiiestang ito ay naiinis at napipikon. Pusturang pustura ito pagkatapos ay bigla na lang silang babasain ng walang pasabi. "Buti na lang water proof ang make-up ko! Magada pa rin ako kahit basa." Nag-pause pa ito sa gitna ng kalsada, agad namang kinuhanan ito ni Zoren. "Oy! I-delete mo 'yan ha! Mamaya makita 'yan ni Zeki lagot ako. Nakakahiya," bilin ni Cheska ngunit tuloy pa rin ang pag-pause nito. "Sige, akong bahala. Itong mga 'to, for my eye only. Okay ba?" sabi ni Zoren. Kinilig na naman si Cheska, ilang segundo na naman itong napatulala. Hindi nito alam kung anong sasabihin. Ayaw nitong maputol ang kanilang pag-uusap, natataranta muli si Cheska. "Ano? Oo! Sige I'm yours," sabi nito. "Ano raw! I'm yours? Cheska naman saan nanggaling ang I'm yours!" sabi nito sa kanyang sarili. Biglang may nagbuhos kay Zoren at pinatamaan s'ya ng hose. "Ha? Hindi ko na rinig sorry?" sabi ni Zoren. Biglang may nakita si Cheakang nagtitinda ng water gun. "Ha! Ano! Tara bumili tayo ng water gun! Para naman mas enjoy," aya ni Cheska kay Zoren. Hindi na nito inulit ang kanyang sinabi at hinatak na si Zoren sa tindera. Nakihalubilo na rin ang dalawa sa mga taong nandoon. Matanda, bata lahat ay masayang masayang nagbabasaan. Lahat din ng dumadaan ay kailangang buksan ang bintana ng kanilang sasakyan upang makiisa sa pagdiriwang. Walang napipikon at itinuturing nila itong biyaya at pasasalamat sa paggabay sa kanila ng kanilang patron na si San Juan Bautista. Naghanap ng mapapanayam si Cheska upang maging pangunahing tauhan sa kanyang isusulat na write up. Gusto kasi itong magsulat ng isang kakaibang istorya sa gitna ng masayang kapistahang ito. Nakakita si Cheska ng isang babaeng naka-upo sa isang gilid, ngiting ngiti ito. Lumapit si Cheska rito. "Hello po ma'am," bati ni Cheska. "Hi rin," tugon nito, marahan din itong nilingon si Cheska. "Ma'am I'm Cheska Gomez, columnist po ng isang pahayagan, pwede ko po ba kayong ma-interview. Kahit ilang mga tanong lang po kung okay lang naman po sa inyo," tanong ni Cheska. "Ngumiti ang babae, oo naman 'wag lang math," pabiro nitong sabi. "'Wag po kayong magalala, hindi po tungkol sa math ang mga itatanong ko. Mahina rin po ksi ako sa math," sagot ni Cheska. Naging palagay kaagad ang loob ni Cheska sa babae. Nagtawanan ang dalawa, naging palagay kaagad ang loob ni Cheska sa kanyang kausap. "Ako nga pala si Sanya, Sanya Ignacio," pagpapakilala ng babae. "Nice meeting you po ma'am Sanya," matamis na bati ni Cheska. "Ma'am ano pong masasabi n'yo sa Kapistahan ni San Juan Bautista? Bukod po sa basaan, ano pa po ba ang kakaiba sa fiestang ito?" unang tanong ni Cheska. "Itong araw na 'to ako ikinasal," sagot ni Sanya. "Wow, talaga po? Ilang taon na po kayong kasal?" sunod na tanong ni Cheska. "Apat na taon na ngayong araw na 'to" sagot ni Sanya. "Dito rin kami unang nagkakilala, sa Pista ni San Juan Bautista kaya napakahalaga ng okasyong ito sa aming dalawa. Tandang tanda ko pa ang araw na nagkita kami. Sa lahat ng bubuhusan n'ya ng isang timbang punong puno ng tubig na may yelo ay ako pa talaga ang pinuntirya n'ya. Grabe ang inis ko sa kanya ng araw na 'yon. Kaya gumanti rin ako at tinapatan s'ya ng hose ng tubig. Doon nagsimula ang lahat," kwento ni Sanya. Makikta sa mga mata ni sanya ang kilig na para bang kahapon lang nangyati ang lahat. "Wow ang galing naman po noon kaya po dito n'yo rin napagpasyahang magpakasal?" sumunod na tanong ni Cheska. "Oo, sobrang saya ng lahat ng araw na 'yon. Walang humpay ang basaan at kasiyahan ng boung bayan," nakangiti nitong sabi. Na sa edad 40 na ang babae, maganda at balingkinitan lang ang katawan nito. Diretso lang ang kanyang tingin na ikinabahala ni Cheska, sumbalit hindi ito naging hadlang upang ihinto ni Cheska ang pakikipag-usap sa kay Sanya. "Tita! Ito na po ang miryenda---" May isang lalaking lumapit. "Ay, magandang hapon po," bati ng lalake kay Cheska. "Good afternoon din," sagot ni Cheska. "Totoy, s'ya pala si Cheska," pakilala ni Sanya kay Cheska. "Jasper po, totoy po ang palayaw ko," sabi ni Jasper. "Jasper ahm, pwede ko bang ma-interview ang tita mo sandali? Columnist kasi ako sas isang pahayagan. I-feature ko lang sana si ma'am sa column ko. Kung okay lang naman," paghingi ng pahintulot ni Cheska. "Wala pong problema, kaso dito n'yo po ba gagawin ang interview o gusto n'yo pong lumipat ng lugar?" tanong ni Jasper. "Hindi, dito na lang. Ang saya ng vibes dito. Nare-record ko rin naman ng aayos ang mga sinasabi ni Ma'am Sanya," sagot ni Cheska. Nasa sulok kasi ang dalawa, pansin din ni Cheska na walang bumabasa kay Sanya. Marami ring bumabati rito at kinakamusta. "Ikukuha ko na lang po kayo ng upuan, sandali lang po," sabi ni Jasper. "Tita, ito po ang tinapay, sandali lang po ikukuha ko lang si ma'am Cheska ng mauupuan." Ipinakapa ni Jasper sa kanyang tita Sanya ang miryendang binili at saka umalis. Doon lang nakumpirma ni Cheska na bulag pala si Sanya. Nagulat ito dahil hindi halata sa kanya ang kanyang kapansanan. Napangiti si Sanya. "Nagulat ka ba dahil hindi ako nakakakita?" biglang sabi ni Sanya. Namangha si Cheska sa lakas ng pakiramdam ng kanyang kausap. "Pasenya na po," sabi ni Cheska. "Wala 'yon, nawala nga ang paningin ko pero mas lumakas ang pakiramdam ko," paliwanag ni Sanya. "Ma'am pwede na po ba nating ituloy?" tanong ni Cheska. Muling nag-umpisa ang dalawa sa interview, ilang minuto rin ang lumipas at natapos ng makapanayam ni Cheska si Sanya. Kaylangan na ksi nilang umuwi dahil pagod na si Sanya. "Maraming salamat po sa tiwala at oras na pinahiram n'yo po sa akin," sabi ni Cheska. "Wala 'yon, masaya ako at naibahagi ko ang kwento ko sa isang magandang dilag na tulad mo," papuri ni Sanya. "Pasensya na at mabilis na akong mahapo," "Wala pong problema. Ikararangal ko pong ma-interview kayo," sabi ni Cheska. "Nako ma'am hindi naman po masyado. Kayo naman po ma'am Sanya," nahihiyang sabi ni Cheska. "Pwede ko bang mahawakan ang iyong mukha?" hiling ni Sanya. Lumapit si Cheska at pinakapa kay Sanya ang kanyang mukha. Hinaplos ni Sanya mula noo hanggnag baba ang mukha ni Cheska. "Ngayon alam ko na ang itsura mo. Tama ako, isang magandang dilag ang kausap ko ngayon," nakangiti nitong sabi. Nagpaalam na si Cheska kay Sanya, umuwi na rin ang mag tita. Kaylanagn pa rin kasi nitong maghanap ng iba pang makakapanayam. Upang lumawak pa ang kanyang kaalaman at makakuha ng unique na istorya tungkol sa pistang ito. "Ano Cheska tapos mo na bang makausap si ate Sanya?" tanong ni Zoren Sinalubong kasi nito si Cheska at inabutan ng miryenda. "Salamat, kakilala mo si ma'am?" tanong ni Cheska. "Oo naman, bata pa lang ako lagi ko ng nakikita si ate d'yan sa upuan na 'yan tuwing fiesta. Maghapon lang s'yang naka-upo at hinihintay si kuya Tony," sagot ni Zoren. "Teka, Tony? Ang asawa ni ma'am 'yon 'di ba? Sabi n'ya kanina, na sa barko raw ang asawa n'ya," sabi ni Cheska habang kinakain ang meryendang binili ni Zoren. Nagsimula na rin kasi ang misa kaya huminto muna ang pagbabasaan ng mga tao. Naupo muna sila sa harapan ng tindahan. "Oo, seaman ang asawa ni ate Sanya. True love nga ang istorya ng dalawang 'yon. Kasi kahit sampung taon ng wala si kuya Tony hinihintay pa rin s'ya ni ate Sanya," pagsisiwalat ni Zoren. Napalunok si Cheska sa kanyang naring. "Ano! Sampung taon! Teka sabi ni Ma'am apat na taon pa lang silang kasal" gulat na sabi nito. "Pero bakit parang walang na sabi si ma'am tungkol dito. Kilig na kilig pa naman din ako kanina habang pinapakinggan ko ang kwento ni ma'am. Sabi n'ya dito sila unang nagkita ni sir Tony, kapistahan din ni San Juan n'ya sinagot si sir, nag-propose at nagpakasal. Lahat ng 'yon ng yari kasabay ng fiestang 'to kaya raw napakahalaga ng araw na 'to kay ma'am. Nalungkot naman ako bigla, pero naguguluhan ako, isang dekada na n'yang hinihintay si sir? Ipaliwanag mo nga kung paano nangyari na ang sabi n'ya sa akin is apat na taon pa lang silang kasal? At saka bakit nga ba hindi na n'ya binalikan si ma'am?" sunod-sunod na tanong ni Cheska. Napabuntong hininga si Zoren. "Kapistahan din ni San Jaun nalaman ni ate Sanya na kinuha ng mga pirata ang kayang asawa at agad na pinugutan ng ulo. Hindi 'yon matanggap ni ate, nakunan din si ate sa araw na 'yon. Dapat sampung taon na ang anak nila ni kuya. Tuwing fiesta rito nauupo s'ya d'yan," sagot ni Zoren. Napatulala si Cheska sa kanyang narinig, hindi ito makapaniwala sa nangyari sa buhay ni Sanya. "Akala ko sa pilikula lang nangyayari ang lahat ng 'yan. Grabe, magkasabay ang wedding anniversary nilang mag-asawa at death anniversary ng mag-ama ni ma'am. Pero bakit---" hindi maituloy ni Cheska ang kanyang sasabihin. Hindi nito alam kung anong tamang salitang gagamitin. "Bakit parang kakaiba si ate Sanya? Ang saya saya pa rin n'ya sa araw na 'to?" dugtong ni Zoren. Tumango si Cheska bilag pagsangayon sa sinabi ni Zoren. "May Alzheimer's disease si ate, na-diagnose s'ya three years ago. Mula noon, hindi na makakilala si ate. Pero ang galing kasi tuwing fiesta, naaalala n'ya ang masasayang nangyari sa kanilang mga-asawa apat na taon bago sumampa si kuya sa barko. Kaya siguro sanabi ni ate na apat na taon pa lang silang kasal, 'yon na lang kasi siguro ang natira sa ala-ala n'ya. Kahit na ang sampung taon ng wala si kuya Tony. Nakakaawa si ate kasi nawalan rin nga ng paningin dahil sa aksidenteng pagtawid nito noon.  Tapos na diagnose pa s'ya ng Alzheimer's, buti na lang laging naka-suporta ang pamilya ni ate sa kanya. Kaya tuwing fiesta, d'yan s'ya nakapwesto at sinasamahan ni Jasper," paliwanag ni Zoren. Tumingin ito kay Cheska at nagulat ito s kanyang nakita. "Oh! Anong nangyari sa mukha mo!" Tuloy tuloy kasi ang pagtulo ng luha ni Cheska at humuhukbi pa sa kakaiyak. "E, kasi ikaw!" bulyaw ni Cheska. "Oh, bakit ako?" sabi ni Zoren. "Hindi ko kasi maiwasang hindi maapektuhan sa kwento ni ate Sanya. Parang sobrang sakit at ang hirap, siguro kung ako ang makakaranas ng lahat ng 'yan, wala na, magpapakatiwakal na rin ako. Hindi ko kaya lahat ng 'yon," sabi ni Cheska. "Sa totoo lang lahat kami dito, nalungkot sa naranasan ni ate. Kaya ginagawa na lang naming masaya ang fiesta para kay ate Sanya," sabi ni Zoren. "Sobrang nakakalungkot naman kasi talaga 'yon," sabi ni Cheska.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD