Lumipas ang mga araw, nagpatuloy ang magkasintahan sa kanilang normal na buhay. Hindi na muling naungkat ang muling pagkikita nina Lanz at Celine. Alam ng magkasintahang karapatan ni Lanz na makita ang kanyang anak na si Geal, kaya hindi maiiwasan ang muli nilang pagkikita. Subalit hanggang doon na lamang 'yon. Hindi nito dapat pang pakialaman ang buhay ni Celine dahil matagal n g tapos sa kanilang dalawa ang lahat.
"Anak kamusta na?" tanong ni Arvin kay Zeki. Nasa sala sila at nanunuod ng t.v. Hindi umimik si Zeki, napansin ni Arvin na malalim ang iniisap ng kanyang anak. Nakatulala lang ito mula pa kanina..
"Anak, ayos ka lang ba?" ulit na tanong ni Arvin. Dito pa lang ni Zeki napansin ang kanyang dad Arvin.
"Po?" sagot nito.
"Sabi ko kung ayos ka lang ba?" muling tanong ni Arvin.
"O....okay lang po dad," alanganing sagot ni Zeki.
"Anak?" mariing sabi ni Arvin. Hindi kasi ito kumbinsido sa naging tugon ni Zeki.
Napangiti na lang si Zeki. "Dad, kasi po ano po, nakita ko kahapon si Mykiel," sabi ni Zeki. Si Mykeil, ang biological father ni Zeki. Bata pa ito nang huli silang magkita ng harapan. 'Yon na rin ang huling pagkakataong kinausap s'ya ng kanyang ama. Hindi nito makakalimutan ang araw na 'yon dahil ito ang araw kung saan sinabi nimykiel na wala s'yang anak. Ito ang pinakamasakit na kabanata sa buhay ng binata. Kaya mula noon ay nagtanim ito ng galit sa kanyang biological father. Na hanggang nayon ay daldala n'ya.
Sadyang mapaglaro ang tadhana noon ay madalas makita ni Zeki ang kanyang daddy ng hindi sinasadya. Ngunit wala s'yang lakas ng loob na tawagin o batiin man lang ito kahit nagkakatinginan na sila sa mata at dahil ito sa galit na nadarama ni Zeki. Nakatingin lang si Zeki sa malayo at tinatanaw si Mykiel.
At sa tuwing nakikita ni Zeki ang mukha ni Mykiel ay lalong nagagalit ang binata pati sa kanyang sarili dahil alam n'yang kahit kaylan ay hindi n'ya mabubura ang alaala ni Mykiel sa kanya ng diwa. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi hilig ni Zeki ang magpakuha ng litrato. Ultimo tumingin sa salamin ay hindi nito madalas gawin dahil parang pinagbiyak na bunga silang dalawa ni Mykiel. Nagiging sariwa kay Zeki ang lahat at nagagalit ito sa kanyang sarili dahil nakikita n'ya sa mismong mukha n'ya ang taong nagpaparanas sa kanya ng galit at sama ng loob mula ng s'ya ay bata pa lamang. Kaya hanggat maaari ay iniiwasan nitong makita ang kanyang itsura sa salamin. Itinatago nito ang sama ng loob na kanyang nararamdaman lahat upang hindi mabahala ang kanyang mga magulang. Na apektado pa rin s'ya sa kanyang nakaraan.
Natigilan si Arvin sa kanyang narinig, hindi nito alam kung anong sasabihin sa kanyang anak. Alam ni Arvin na dadating din ang araw na ito, ang muling pagkikita ng tunay na mag-ama. Lubos lang itong nag-aalala sa mga naiisip ng kanyang anak na si Zeki. Malalim ang sugat na ginawa ni Mykiel sa kanyang anak kung kaya't nahihirapan itong pakawalan ang sarili sa galit na kanyang dinadala.
Bakas sa mukha ni Zeki ang inis. "Hindi n'ya po ako nakilala. Hanggang ngayon, hindi n'ya pa rin ako naaalala?" dugtong ni Zeki.
Parang tinusok ng maliliit na aspili ang puso ni Arvin, hindi nito maitago ang sakit na kanyang nararamdaman sa mga sinabi ni Zeki subalit kaylanagn n'yang maging kalmado upang mabigyan ng magandang payo ang kanyang anak. Hinayaan n'ya lang munang magpatuloy ang kanyang anak sa pagsasalita.
"Nakita ko s'ya sa school. Nakasalubong ko s'ya, actually sa akin pa s'ya nagtanong kung nasaan ang pharmacy building. Dad, ganoon ba talaga, kahit ang tagal ko ng hindi nakikita si Mykiel nakutuban ko kaagad na s'ya 'yon. Nakatalikod pa lang s'ya kahapon sa malayo, gusto ko ng umiwas. Kumakabog ang dibdib ko dad natatanaw ko pa lang si Mykiel sa malayo, hindi ko alam kung bakit. At ng lumapit na s'ya sa akin, hindi na ako makagalaw," napapangisi ito habang nagsasalita.
"Hanggang ngayon, hindi mo pa rin s'ya matawag na daddy. Ikaw talagang bata ka," pabirong sabi ni Arvin.
"Dad hindi ko rin po alam kung bakit hindi ko masabi ang salitang 'yon, para bang may bumabara sa lalamunan ko kapag sasabihin ko 'yon," natatawang sagot ni Zeki. Mula pagkabata, hirap na hirap banggitin ni Zeki ang salitang daddy. Sa pangalan lang nito tinatawag si Mykiel. Ang katwiran nito nang s'ya ay bata pa, walang salitang "daddy" hindi raw n'ya alam ang salitang 'yon.
"Oh, tapos anong ginawa mo noong kinausap ka n'ya," sunod na tanong ni Arvin.
"Ayon, tinuro ko po kung nasaan ang building namin, doon din po kasi ako pupunta. Hindi ko po akalaing mag-pharmacy din pala si Aina. Wala na rin kasi akong balita kay Aina, after n'yang mag-highschool at ng tumira s'ya sa Ilocos. Ang laki na n'ya dad, samantalang dati ang liit pa n'ya. Hindi ko alam kung magkakilala sila ni Viel. Pero sana naging maayos ang buhay ni Aina," sabi ni Zeki.
Noon pa man ay sinusubaybayan na ni Zeki si Aina, kilala rin ni Viel ang half sister ng kanyang kuya Zeki. Hindi tinago ni Eliz ang bagay na ito sa kanyang anak, ayaw nitong magkagulatan na lang sila isang araw na magkapatid pala sila. Bago pa man magpakasal sina Arvin at Eliz ay nagkaroon na ng anak sina Mykiel at Klaire at iyon ay si Aina. Hindi nagkakalayo ang edad nina Viel at Aina kaya naman sabik si Zeki sa kanyang isa pang kapatid. Madalas puntahan ni Zeki at tignan sa malayo si Aina noong bata pa lang ito, sinasabi ni Zeki kay Viel na makipagkaibigan kay Aina. Madalas kasing mag-isa si Aina sa laruan, nahahabag ang kanyang kuya Zeki tuwing nakikita n'yang mag-isa lang ang kanyang isa pang kapatid. Sa school, sa playground kung saan lagi itong naglalaro para kahit papaano ay nakikilala ni Zeki si Aina.
"Hindi pa siguro alam ni Viel na doon din nag-aaral ang kapatid mong si Aina. Alam mo naman 'yung kapatid mong 'yon, idadaldal ka agad basta tungkol sa mortal enemy n'ya," sabi ni Arvin.
"Ibang iba na ang itsura ni Aina, mas mature s'ya tignan kaysa kay Viel. Mas naging kahawag ko s'ya ngayon kaysa noong bata pa s'ya," sabi ni Zeki.
"Nako, pinagkumpara mo pa 'yung dalawa. Alam mo namang ayaw na ayaw ni Viel sa kapatid mong 'yon. Gusto n'ya s'ya lang ang baby sister mo at kayong dalawa ang magkamukha. Si Aina raw 'yung evil, ugly, witch sister mo," sabi ni Arvin.
"Oo dad grabe mangbansag si Viel, na alala mo po noong nakita naming dalawa si Aina sa may playground noon, muntik na n'yang itulak sa kanal si Aina sa sobrang inis n'ya. Inaasar ko kasing mas maganda si Aina kaysa sa kanya," kwento ni Zeki.
"Ikaw talaga kakaasar mo ayan tuloy hanggang ngayon inis na inis ang kapatid mo kay Aina," sabi ni Arvin sa kanyang anak.
"Hay dad, kaylan ko kaya masasabi kay Aina na magkapatid kami? Para naman maranasan n'yang magkaroon ng kuya," sabi nito.
Nag-iisang anak nina Mykiel at Klaire si Aina.
"Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin nasasabi kay Aina na magkapatid kayo? Akala ko nagpakilala ka na sa kanya noong nagpunta kang Ilocos?" balik na tanong ni Arvin.
Umiling si Zeki. "Parang hindi ko kaya dad, umatras ang dila ko noong kaharap ko na s'ya dahil kasi sa Klaire na 'yon, hindi ko maiwasang hindi mabwisit. Sayang nga dad, e 'di sana natuturuan ko s'ya sa ilang mga subjects n'ya. Lalo na pharmacy rin ang kinukuha n'ya." Bumuntong hininga si Zeki. "Dad bakit gan'on ako pa 'yung nakakaramdam ng hiya ngayon? Parang ako pa 'yong maykasalanan ng lahat? Samantalang sila nga 'tong dapat mahiya sa akin," sabi ni Zeki.
"Kasi anak, alam mong magpakumbaba. Kilala mo naman ang daddy Mykiel mo, hindi marunong tumanggap ng pagkakamali kaya siguro ganoon na lang s'ya sa 'yo. At buti na lang hindi mo 'yon minana sa daddy mo, 'yon na lang ang ipagpasalamat mo anak," sabi ni Arvin.
"Kaya nga dad, noong nakita kong para wala lang sa kanya na kausapin ako." Natigilan ito sandali at napangisi. "Ay hindi pala, normal lang pala ang naging trato n'ya sa akin kasi nga hindi n'ya ako kilala. Kahit na magkamukhang magkamukha kaming dalawa. Kainis, dapat kasi ikaw na lang talaga ang tatay ko, hindi ang lalaking 'yon," magkahalong inis at lungkot na sabi ni Zeki. "Masakit pa rin pala dad, nakakinis 'yung ganitong pakiramdam," maktol na sabi ni Zeki. "Tapos nagkita pa sina Lanz at Celine noong nakaraan, mas bumigat tuloy ang pakiramdam ko. Para akong bolong puputok na lang bigla," dagdag nito.
"Anak, 'wag mong pasanin ang lahat nandito ako, si mommy mo at si Celine para umalalay sa 'yo. Si Viel, alam mong mahal na mahal ka naming lahat pakikinggan ka namin at hindi iiwan pangako, para kahit papaano gumaan ang pakiramdam mo. Hinding hindi ka namin papabayaan pangako. Pero anak nabanggit mo na ba 'to kay Celine?" tanong ni Arvin.
"Hindi pa dad, masama kasi ang pakiramdam n'ya nitong nakaraang araw. Na-highblood ata sa pagkikita nila ni Lanz, pero sasabihin ko rin po ito kapag maayos na po s'ya. Hindi ko lang alam kung bakit pinagsabaysaay ni Lord iparanas sa akin ang lahat ng 'to kung kaylan ikakasal na kami ni Celine," malungkot na sabi ni Zeki.
"Siguro ito rin kasi ang tamang panahon para pakawalan mo na ang galit sa puso mo anak. Para pagpasok n'yo ni Celine bilang mag-asawa, mas matibay at mas matatag na ang pundasyon n'yong dalawa sa mga pagsubok na dadating sa inyong pagsasama," payo ni Arvin.
Gumuhit ang isang malaking ngiti sa mukha ni Zeki, gumaan bahagya ang kanyang loob matapos marinig ang payo ng kanyang dad Arvin. "Salamat dad kasi kahit hindi mo ako tunay na anak, nandyan ka palagi sa tabi ko. Kahit paulit ulit na lang 'tong sinasabi kong problema tungkol kay Mykiel, hindi ka pa rin po nagsasawang makinig. Napakaswerte namin ni mommy dahil sa 'yo," sabi ni Zeki.
"Ikaw talagang bata ka, paulit-ulit kong sasabihin sa 'yo na anak kita. Hindi man sa dugo pero anak kita kahit pa anong mangyari, okay," sabi ni Arvin.
"Opo dad," sabi ni Zeki.
Nawala ang mabigat na nakadagan sa dibdib ni Zeki pagkatapos n'yang makwento sa kanyang dad ang pagkikita nila ng kanyang biological father. Nangangamba kasi ito na paano kung magkita muli sila ni Mykiel, mahaharap pa ba n'ya ito ng maayos? Kakayanin pa kaya n'ya maging normal kung sa tuwing makikita n'ya ang mukha ng daddy n'ya ay nagiging sariwa lahat ng sugat na kanyang tinago ng matagal na panahon.
Pero magkaibang kaso ang nararamdaman ni Zeki sa kanyang kapatid na si Aina. Noong una ay masama ang loob nito sa kanyang half sister dahil nakikita nito sa mga post ng kanyang stepmom na si Klaire, giliw na giliw ang kanyang daddy sa kanya. Pinagmamalaki ito sa lahat, naikukumpara n'ya lahat ng kanyang dinanas sa kanyang kapatid na si Aina. Subalit likas na mabait si Eliz, ipinaintindi n'ya kay Zeki na hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng ama. Hindi ito dapat magtanim ng galit sa kanayang kapatid dahil hindi nito kasalanang si Mykiel ang kanyang naging ama.
Noong umpisa ay hindi ito maintindihan ni Zeki, pakiwari nito ay ayaw na lang ng kanyang mommy na madagdagan pa ang sama ng loob na kanyang nararamdaman. Ngunit sa paglipas ng panahaon ay naintindihan n'ya kung bakit ito ang itinuro ng kanyang mommy sa kanya. Naintindihan n'ya ito ng dumating si Viel, nakita nito kung paano s'ya minahal ni Viel kahit na magkaiba ang kanilang biological father. Naisip nitong bakit n'ya pagkakaitan ang kanyang isa pang kapatid ng pagmamahal, at tunay namang wala itong kinalaman sa kasalanan ni Mykiel sa kanya. Kaya naman mula noon ay patagong sinubaybayan ni Zeki ang kanyang kapatid. 'Yon nga lang ay nagkaroon ng kaunting tampo si Viel kay Zeki noong bata pa ito dahil lagi na lang daw si Aina ang kanyang inaalala. Ngunit sa paglipas ng panahon ay naging mature na rin ang pag-iisip ni Viel at naintindihan na nito kung bakit ganoon na lang ang malasakit ng kanyang kuya Zeki sa kanyang isa png kapatid. At maswerte ito sa kanyang kuya dahil nakikita nitong mapagmahal si Zeki bilang kuya.
Lumaki si Aina sa puder ng kanyang lola sa Ilocos matapos nitong mag-elementary kaya naman hindi na nakita ni Zeki ang kanyang kapatid. Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang mga magulang nito. At ang masakalap pa ay walang guustong kumupkop sa musmos na bata. Kaya napilitan itong umuwi ng Ilocos at tumira sa pangangalaga ng kanyang lola sa side ng kanyang ina. Hindi naging madali ang buhay ni Aina sa Ilocos, hindi ito sanay makisama at pala utos. Maldita at hindi marunong sa gawaing bahay. Doon napagtanto ni Zeki na mas maswerte s'ya kaysa sa kanyang kapatid. Bait at mapagmahal si Arvin at tumayong magulang sa kanya kahit hindi n'ya ito kaano-ano. Kaysa makasama n'ya ang lalaking 'yon na walang amor sa sariling anak.
Hindi rin s'ya pinabayaan ni Eliz, kaya naman naawa ito sa kanyang kapatid lalo na ng nakita n'ya itong naglalako ng longganisa sa kalsada. Nahabag ito sa kanyang kapait, gusto n'ya itong lapitan at magpakilala upang kahit papano ay makapagabot s'ya ng tulong sa kanyang kapatid. Tapos na s'ya ng kolehiyo nang mga panahong 'yon at may trabaho.
Lumapit s'ya rito at hinunta si Aina, doon n'ya nalaman ang lahat ng pinagdadaanan ng kanyang kapatid. Ngunit nabahag ang kanyang buntot. Mas nanaig ang sama ng loob ni Zeki sa kanyang tatay ng sinnabi ni Ainang,
"Kapatid? Wala akong kinikilalang kapatid. Sabi ni daddy ako lang ang anak n'ya,"
Labis na dinamam ito ni Zeki, naisip nitong talagang hindi s'ya kinilala ni Mykiel bilang anak kaya ano pang saysay ang pagpapakilala n'ya kay Aina upang tulungan n'ya ito. Mukha rin namang hindi maniniwala si Aina dahil tuluyan ng nilason ng kanyang nanay ang isipan nito. Dagdag sa hindi sa kanya pagkilala ni Mykiel bilang anak ay kung ano-ano pang kasinungalingan ang sinabi ni Klaire tungkol sa kanyang ina. Naikwento kasi ni Aina kung bakit naghiwalay ang kanyang mga magulang ng panahong 'yon. At dahil daw ito kay Eliz, ang kanyang mommy. Nakikipagkita pa rin daw kasi ito sa kanyang daddy at pilit na nkikipagrelasyon. Sinisira raw nito ang magang pagsasama nilang mag-asawa.
Hindi makapaniwala si Zeki na ito ang gawa-gawang kwento ni Klaire tungkol sa kanyang mommy. Masaya at tahimik ang pagsasama ng kanyang mommy Eliz at dad Arvin. Imposible din ang mga sinasabi ni Klaire dahil matagal ng walang komunkasyon ang dalawa sa isa't isa. Ito pa ang isang dahilan kung bakit hindi na nagpakilala si Zeki kay Aina. Pinakyaw na lang nito ang lahat ng tinda ng kanyang kapatid ng araw na 'yon at umalis. Hindi na ito nagtangkang puntahan muli si Aina dahil sa mga sinabi nito tungkol sa kanyang ina.
Nagdaan ang mga taon at ngayon lang n'ya muling nakita ang kanyang kapatid.
"Ang tagal naman ng prof natin,"
"Kaya nga e, baka wala na 'yon,"
"Ano ba 'yan first day na first day absent agad,"
"Boykot, boykot,"
Bulung-bulungan ng mga estudyante.
"Sabi sa rule book, kapag 30 minutes late ang prof., pwde na tayong umalis. Legit 'yon kasi wala s'ya pasabi," sigaw ng isang estudyante.
Nagbulungan muli ang mga ito. Panibagong taon at ito ang unang semester ng school year, panibagong bakbakab sa mga subjects at panibagong yugto sa buhay ng mga freshman.
"Count down na tayo! One minute na lang pwede na tayong umalis!"
"30, 29, 28.---" Nagsimula ng magbilang ang mga lalaking estudyante.
"25, 24, 23, 22---" Ang iba ay nag-aayos na ng kanilang mga gamit at naghahanda ng umalis.
"15, 14, 13, 12, 11, 10---" mas lumalakas ang pagbilang ng lahat.
"5, 4, 3,---." Dalawang segundo na lang at maari na silang lumabas. May mga nakatayo na at ang ilan ay nakahawak na sa door knob ng pintuan.
"2!" hiyawan na ang lahat.
"Okay class, get 1/4 sheet of paper!" hiyaw ng lalaking naka-upo sa likuran.