Chapter 33

2358 Words
"Write your full name, course, year and section." Naglakad ang lalake papuntang harapan. Kanina pa ito naka-upo sa likuran bago pa man mag-umpisa ng kanilang klase. Sa katunayan ay nauna pa nga s'ya sa kanyang mga estudyante. Tahimik lang itong nakamasid sa mga ito at nakikihalubilo sa mga ito. Hindi na halata ng mga ito ang kanilang proferssor. Naka-civilian din ito tulad nila. "In my count all papers should be infront. Boys are separated with girls. Papers that are not submitted on time will be deducted 5 points to our first quiz today," sabi ng lalake. Nataranta ang lahat, kanya kanyang diskarte ang mga ito sa pagkuha ng papel at dali-daling nagsulat. Hindi na nakaangal ang iba ngunit may isang namumukod tanging estudyanteng hindi natinag sa pag-alis ng kwarto. "Miss," tawag ng prof. sa estudyante. Humarap ang kanyang estudyante at tinignan lang nito ang kanyang professor mula ulo hanggang paa. Natigiln ang professor ng makita kung sino ang pasaway na estudyanteng lalabas ng pinto. Sinilip nito ang kanyang hawak na student list upang siguraduhin na kilala n'ya ang estudyanteng lalabas. Hindi nagpapigil ang estudyante. "Sir, wala akong 1/4 at saka first day magpapa-quiz talaga kayo? E 'di wow," pabalang na sagot ng estudyante. Napansin ng karamihan ang tensyong namuo sa pagitan ng kanilang prof. at ng kanilang kapwa kamag-aral. "Ui! Tara na kasi dito, ito papel," mahinag tawag ng isang estudyante. "Tsss, tinatamad ako pasukan 'tong subject na 'to," pabulong na sagot ng estudyante. Narinig ito ng professer. "A----." Natigilan bahagya ang professor sa pagtawag n'ya sa estudyante sa ka n'yang unang pangalan. Na alala nitong professor s'ya ng bata. "Miss Lazaro," tawag ng prof. sa estudyanteng papalabas ng pintuan. "You may leave if you want. Pero I will not give you any considerations sa lahat ng activies and quiz na ipapagawa ko ngayong araw na 'to," banta ng prof. kay miss Lazaro. Sumandal ito sa blackboard. "You may follow her, hindi ko kayo pipigilan. Malalaki na kayo, kahit umalis kayo sa klase ko, ayos lang. Siguraduhin n'yo lang na alam n'yo na lahat ng ituturo ko. Tandaan n'yo, hindi spoon feeding ang college, hindi na kayo mga highschool students. Its like a hell, you need to work hard on it, sa bawat puntos na kaylangan para pumasa. Hindi ko kaylangan ng matalinong estudyante kung tamad at walang galang naman. At isa pa, mahiya kayo sa mga sarili n'yo college na kayo, hindi na kayo mga bata. Kung sa tuwing babagsak kayo or incomplete kayo sa mga subjects n'yo o kaya hindi kayo makasunod sa mga lessons ay susugod dito ang mga magulang n'yo para kausapin kaming mga professors n'ya. Grow up!" striktong sabi ng prof. Nagbulungan ang mga estudyante. Nabigla sila sa paraan ng pag-welcome sa kanila ng kanilang guro. Karamihan ay nakaramdam ng takot sa kanilang professor. Itinuloy pa rin ni Lazaro ang pagbalas at itinalpak pa ang pinto ng ubod ng lakas. Napangisi na lang ang prof. at umiling.  "One!" sigaw nito. Nagsimula na rin itong magbilang, nabasag ang tensyong namagitan sa dalawa ngunit nataranta muli ang lahat sa pagbilang ng kanilang professor. "Hindi ko alam kung kilala mo na kung sino ako, pero anong nangyari sa 'yo Aina? Talaga bang naging kaugali mo na ang nanay mo?" sabi ni Zeki sa kanyang sarili. Si Zeki ang masungit na professor ng klase, pumasok ito part time professor sa unibersidad na kanyang pinagtapusan ng kolehiyo. Nagkaroon kasi ng slot ang kanyang dating college at sa kanya in-ooffer ito. Ayaw n'ya sanang tanggapin ang imaalok na trabaho dahil baka ma-loaded na s'ya sa dadating na mga araw at mapabayaan ang studio, pharmacy at preparation sa kasal nila ni Celine. Inaalala rin nito na baka magahol s'ya sa mga deadline kung isasabay pa n'ya ang pagtuturo. Mas gusto na lang nitong magiging reviewee ng mga 4th year students dahil once a week lang n'ya kailangang magturo. Ngunt mapilit ang kanilang dean, laboratory subject at two units lang naman daw ang ipapahawak nito sa kanya, once a week lang din ang klase n'ya sa 3 section na ipapahawak sa kanya. Sabi pa nito ay for this semester lang s'ya kukunin bilang subject professor. Ilang bwan din s'yang kinakantahan ng kanilang dean at sa huli ay napapayag s'ya nito, hindi akalain ni Zeki na magiging estudyante n'ya ang kanyang kapatid na si Aina. Oo, ang estudyanteng lumabas ng pinto at pabalang na sumagot sa kanya ay si Aina. Malaking pala isipan kay Zeki kung bakit naging estudyante n'ya ang kanyang kapatid. Dalawang taon lang ang pagitan ng edad nila ni Viel. Forth year college na ang kanyang kapatid na si Viel. Tinignan pa nito ang kanyang listahan upang muling ikumpirma kung si Aina nga ba ang kanyang estudyante. Natapos ng magbilang si Zeki hanggang sampo, nagkukumahog ang lahat sa pagpapasa ng papel. Nadapa pa ang iba upang makapagpasa lang kaagad. "I'm Ezikiel dela Cruz, Mr. dela cruz, Zeki, Ezikiel call me with those names. I'll be your gen. Chem. Laboratory professor for this semester," pagpapakilala ni Zeki. Nagsimula na itong bumunot ng pangalan, dito na rin nagsimula ang kanyang klase. Likas na magaling magturo si Zeki, ngunit hindi n'ya ito hilig. Matapos ang tatlong oras ng pagbibigay ng laboratory rules at pagtuturo sa una n'yang klase ay nagtungo ito sa kanilang department office upang magpahinga sandali. "Ano brad kamusta ang first class, masaya ba?" sabi  ni Zoren. Isa ring part time professor si Zoren ng kanilang college. At si Zoren talaga ang nagrekumenda sa kanilang Dean upang i-offer ang slot. Sakto rin naman dahil walang gaanong kumukuha sa kanila sa studio. Kaya naman magandang oportunidad din ito para sa magkaibigan. "Brad, pwede ba nating silipin ang file ng estudyante, personal file ha," lihis na tanong ni Zeki sa kaibigan. Biglang naghinala si Zoren kay Zeki. "Brad hindi ko akalaing----p---" sabi nito. Kinutusan ni Zeki ang kanyang kaibigan. "Aray! Brad masakit!" sabi ni Zoren. "Anong klaseng tingin kasi 'yan! At anong p! Brad naman hindi ako katulad ni JR tandaan mo 'yan," inis na sabi  ni Zeki. "Brad naman kasi, kaninong file ba ang titignan mo? At personal file talaga?" tanong ni Zoren. "Sa kapatid ko," sagot ni Zeki. "Kay Viel?" sunod na tanong nito. "Hindi kay Aina," sagot ni Zeki. Nagulat si Zoren sa naging sagot ni Zeki. Ngayon lang nito nalamang may isa pang kapatid ang kanyang kaibigan bukod kay Viel. "Teka, tatlo kayong magkakapatid? Bakit nagyon ko lang nalaman 'yon?" "Half sister ko si Aina, Aina Lazaro, kapatid ko kay Mykiel," sagot ni Zeki. Bahagyang natawa si Zoren. "Myliel lang talaga? Ikaw talaga brad bitter ka pa rin sa tatay mong missing in action. Anyways, itanong mo na lang kaya kay Dean para sure, madali lang sa kanyang ipakuha sa registrar ang file ng kapatid mo. Pero bakit gusto mong makita ang file ng kapatid mo? May problema ba?" sunod-sunod na tanong ni Zoren. "Hindi ko kasi maintindihan kung bakit first year college pa lang si Aina, mas matanda pa ng s'ya kay Viel ng dalawang taon. At nakita ko sa student list, regular student si Aina. Nakakapagtaka lang kasi," paliwanag nito sa kaibigan. Napaisip si Zoren sa sinabi ng kanyang kaibigan. "'Yon lang, malaking pala-isipan nga 'yan. Ano hindi s'ya pinag-aral ng tatay mo ng anim na taon? Aba magaling! O baka naman second course na n'ya 'to at gusto n'ya na bumalik ng regular student para hindi mahirap. Pero kahit na sayang 'yung mga units na pwedeng i-credit sa dati n'ya universuty," kuro-kuro ni Zoren. "Sana nga ganoon na lang," sabi ni Zeki. Ngunit hindi maalis kay Zeki ang pag-aalala bilang kuya ni Aina. Hiling nito na tama si Zoren sa kanyang sinabi, na second course na ito ni Aina. May pakiramdam kasi si Zeki na parang may mali, kaya gusto nitong makita ang file ng kanyang kapatid kung papahintulutan s'yang makita ito. "Itanong mo kay Dean, baka mapagbigyan ka. Malakas ka naman sa kanya, at saka maiintindihan naman n'ya ang dahilan mo," sabi ni Zoren. "Sige, susubukan ko ipagpaalam kay Dean," sabi Zeki. "Sige brad, may klase na ako. Mamaya na lang," paalam ni Zoren sa kanyang kaibigan. Hapon na muli ang klase ni Zeki, 11 pa lang ng tanghali at sakto mag-isa sa office ang kanilang Dean. Kumatok ito sa pinto, agad naman itong pinapasok ng kanilang Dean. Pumasok si Zeki at buumati rito. "Oh, how's your first day? Any problem?" tanong ng kanilang Dean. "Okay naman po Dean, na-handle ko naman po ng maayos. May concern lang po sana ako," pahaging ni Zeki sa kanilang Dean. Kumunot ang noo ng Dean. "Yes ano 'yon," seryosong tanong nito kay Zeki. Huminga ng malalim si Zeki, alam n'yang personal na bagay ang kanyang gagawin, ngunit ito lang ang pinakamabilis na paraan upang malaman n'ya ang estado ng kanyang kapatid na si Aina. "Dean, pwede ko po bang masilip ang profile ng isa nating estudyante?" lakas loob na tanong ni Zeki. Tumaas ang kilay ng Dean. "For what reason?" mataray na tanong ng Dean. "Ma'am alam ko pong personal at unprofessional itong gagawin ko, pero gusto ko pong malaman ang profile ni Miss Aina Lazaro," diretsong sagot ni Zeki. Natigilan bigla ang Dean. "Aina Lazaro,' sabi nito. Kabado si Zeki sa naging reaksyon ng kanyang Dean, parang nag-isip ito ng malalim."That girl, actually nandito ang father n'ya last time, Mr. Mykiel Lazaro," sabi ng Dean. "What about her, may ginawa ba s'ya sa klase mo kanina?" dagdag ng Dean. "Ma'am it is a personal thing, ano po kasi, half sister ko po si Miss Lazaro," sagot ni Zeki. Nanlaki ang mga mata ng Dean, hindi nito inaasahan ang sinabi ni Zeki. "Mr. dela Cruz, I personally interviewed Miss Lazaro after her entrance exam. She seems fine," sabi ng Dean. "Ma'am kasi po nagtataka lang po ako kung bakit first year regular student po si Aina. I mean Miss Lazaro, mas matanda po kasi s'ya ng two years kay Viel," sabi ni Zeki. "Okay Zeki, alam ko kung gaano ka ka-concern bilang kuya. Tulad ng pag-aalaga mo kay Viel, alam kong nag-aalala ka sa half sister mo. But I cannot show you her profile. And I guest alam ko naman some how ang sagot sa tanong mo," matalinhagang sabi ng Dean. Hindi nagsalita si Zeki at hinintay lang magsalita ang kanilang Dean. "Pinakiusapan ako ni Mr. Lazaro na gawing regular student si Miss Aina for some personal reason, sabi n'ya. May ilang subjects kasing pwede nating i-credit galing sa former university n'ya. Pero 'yon ang paki-usap ng father ni Miss Aina so we put her as regular student kahit transferee s'ya from other university. Hindi rin related ang former course n'ya to our course. She is taking up business management then suddenly she transfer to our university and will take up BS Pharmacy," sabi ng Dean. "Sorry Mr. dela Cruz, I need to protect the confidentiality of our students. I know, malinis naman ang intensyon mo, but that's our school rule," dagdag nito. Ngumiti si Zeki. "Salamat ma'am. Okay lang po, at least some how nalaman ko kung bakit s'ya nasa department natin," sabi ni Zeki. Nakipagkwentuhan pa sandali ang Dean, maya-maya pa ay nagpaalam na ito upang pumunta na sa kanyang susunod na klase. "Dean, salamat po, sana po wala pong makaalam ng tungkol sa relasyon namin ni Miss Lazaro, hindi ko po kasi alam kung kilala n'ya po ako as half brother n'ya," bilin ni Zeki. "Don't worry Mr. dela Cruz," sabi ng Dean. Nagtungo na si Zeki sa kanyang klase. "Kuya!" sigaw ni Viel sa hallway. Lumingon si Zeki at nakitang tumatakbo palapit si Viel sa kanya. "Saan kuya ang klase mo?" tanong ni Viel. "Dito," tinuro nito ang sumunod na laboratory classoom. "Ah, makiki-seat in kami," malambing na sabi ni Viel. "Pwede naman, kunwari ikaw 'yung professor nila. Mukha ka namang mas matanda kaysa sa akin," birong sabi ni Zeki. Pinagtawanan si Viel ng mga kasama. Bumusangot si Viel at hinampas ang kanyang kuya. " Si kuya! Lagi akong pinapahiya!" bulyaw ni Viel. Natawa si Zeki sa reaksyon ng kanyang kapatid. "Teka, wala ba kayong mga klase at lumilisaw kayo ngayon?" tanong ni Zeki. "Meron po, research po namin  ngayon, pupunta po kami kayna ma'am Celine para kumuha ng dahol po ng kakaw," sagot ng kasama ni Viel. Napatingin ito sa kanyang kapatid. "May klase pala kayo, tapos makiki-seat in kayo?" masungit na sabi ni Zeki. "Viel Eilish!" Ngumiti si Viel ng nakakaloko. "Mamaya pa kasi kami kuya pupunta, mainit kumuha ng dahol. 'Yung skin ko masisira," sabi nito sa kanyang kuya. Kinutusan ni Zeki ang kanyang kapatid. Nagulat si Viel sa ginawa ng kanyang kuya. "Sige na nga! Pupunta na! Sungit!" sabi nito kay Zeki. "Tara na nga!" aya ni Viel sa mga kaibigan. Biglang may naalala si Zeki. "Viel," tawag nito sa kanyang kapatid, hindi pa naman gaanong nakakalayo ang mga ito sa kinatatayuan ni Zeki. Naging seryoso rin ang mukha ni Zeki. "Bakit kuya?" Huminto ito sa paglalakad at nilingon ang kanyang kuya. "May sasabihin pala ako," sagot ni Zeki. Nakuha naman kaagad ni Viel ang pinapahiwatig ng kanyang kuya sa biglaang pagtawag nito sa kanya. "Guys, hintayin n'yo na lang ako sa may canteen," paalam ni Viel. "Sige," sagot ng isa n'yang kaibigan. Lumapit si Viel sa kanyang kuya. "Bakit kuya may ibibilin ka ba?" agad na tanong nito. Tinignan ni Zeki ng seryoso ang kanyang kapatid. Kinabahan bahagya si Viel sa kinikilos ng kanyang kuya. "Kuya, kinakabahan naman ako, ano ba 'yung sasabihin mo?" muling tanong ni Viel. "Natatandaan mo pa ba si Aina?" balik na tanong ni Zeki. Naningkit bigla ang mga mata ni Viel. "Bakit kuya?" tanong nito. "Estudyante ko s'ya sa Gen. Chem.," sagot ni Zeki. "What! 'Yung bruhang 'yon!" malakas na sabi ni Viel. Nagulantang si Zeki sa pagkakasabi ni Viel kaya hinatak n'ya ito papasok sa classroom kung saan ito magkaklase. "Eskandalosa ka talaga ano?" inis na sabi ni Zeki. "E, kasi naman alam mong ayaw ko doon sa babaeng 'yon." Napahinto si Viel sa pagsasalita at napaisip. "Wait, 'di ba mas matanda sa akin si ate Aina? So irreg s'ya? E, teka Gen. Chem.? Hindi ko pa s'ya nakikita," pagtataka ni Viel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD