"Brad, paano ba 'yan alis na ako. May klase pa ako," paalam ni Zoren. Tumango si Zeki bilang pagtugon kay Zoren. Nagbukas ang pinto at pumasok si Aina. Nagkasalubong ang dalawa. "Good afternoon po sir," bati ni Aina kay Zoren. "Good afternoon," sagot naman ni Zoren at lumabas na ito ng dean's office. Natanaw ni Aina si Zeki sa lamesa nito at lumapit. "Ms. Lazaro, maupo ka muna sa may recieving area. Tatapusin ko lang 'to sandali," utos ni Zeki. Tumango naman si Aina at naupo sa upuan ng recieving area. Hinintay nitong matapos si Zeki sa kanayng ginagawa. Hindi man lang nakakaramdam ng kaba si Aina, ang gusto lang nito ay matapos na ang pag-uusap nila ni Zeki para makapunta na sa kanyang susunod na klase. Ilang sandali pa at lumapit na si Zeki kay Aina at naupo sa katapat na upuan. Nas

