Humahangos na lumabas ng studio sina Vincent at Cheska, hindi na rin nakuha ni Cheska ang kanyang gamit. Wala na itong paki-alam sa mga taong nakapaligid, kung anong itsura n'ya o kung saan s'ya dadalhin ni Vincent. Dinala ng kanyang mga paa si Vincent sa parking lot ng mall. Nagpadala lang si Cheska sa paghatak ni Vincent mula sa studio, walang ideya si Cheska kung saan sila makakarating ni Vincent sa mga oras na ito. Wala rin itong imik hanggang sa bigla na lang itong huminto sa paglalakad, kung kaya't na tigilan din si Vincent sa paglalakad. "Pagod na ako," mahinang sabi ni Cheska. Napalingon si Vincent kay Cheska. Nakita nito ang malungkot na mukha ni Cheska na para bang binagsakan ng langit at lupa. "Sorry," 'yon kaagad ang binigkas ng bibig ni Vincent. Nasasaktan ito dahil sa mga

