"Aw," sabi ni Cheska habang tinitignan sa compact mirror ang kanyang noo. "Sabi ko naman kasi sa 'yo lagyan na natin ng ice 'yang noo mo, namumula oh. Buti hindi bumukol, kung 'di para kang unicorn," pang-aasar ni Vincent. "Ang hard mo sa akin! Hindi ko kasi nakita 'yung pinto!" inis na sagot ni Cheska. "Nako, malayo naman 'to sa bituka. Buti nga namula lang, okay na akong magmukhang asadong siopao kaysa maging unicorn," sagot ni Cheska habang kinakapa ang kanyang noo. "Malayo ng sa bituka, nasa ulo naman, pasaway ka rin kasi," pabalang na sagot ni Vincent. Papunta ng Binondo ang dalawa, matapos na mauntog ni Cheska ay dali-dali itong inalalayan ni Vincent at pumasok ang dalawa sa loob ng studio. Pumayag na rin si Cheska sa pagsama ni Vincent sa kanya sa Binondo. Isinara ni Vincent an

