"Dada!" malakas na tawag ni Geal kay Zeki. "Oh, iniwan mo si mama? Nasaan na s'ya?" tanong ni Zeki. "Ayon po." Tinuro ni Gael ang kanyang mama. Naka-upo ito sa lamesang animan at nakatanaw kay Geal. Kinawayan ito ni Zeki upang makita ni Celine na kasama na n'ya ang kanilang anak. Ngumiti si Celine at hinayaan na ang dalawang pumila sa cashier. Nakapila sa counter sina Zeki at Gael para mag-order ng kanilang pagkain. "Anong gusto mo Geal," tanong Zeki. "Dada, chicken po at rice, tapos pa sundae at fries," sagot ni Gael. "Sige," sabi ni Zeki. Matyagang pumila ang dalawa, pinapakita ni Zeki kay Gael kung paano mag-order at pumili ng kanyang sariling pagkain. Napagpasyahang kumain ng tatlo sa labas, kakatapos lang nilang um-attend ng seminar para sa kanilang kasal. Naisipan ni Zeki na i

