"Viel!" sigaw ni Derek. Habang nakikipagsiksikan ito sa mga taong naglalakad.
Hinahabol pa rin kasi ni Viel ang kanyang ate Celine. Pilit ring tinatawag ni Derek si Viel upang lumingon ito at huminto sandali sa pagtakbo. Kahit bigat na bigat na si Derek sa kanyang mga daladala ay nagawa pa rin nitong tumakbo upang habulin si Viel. Ayaw mawala ni Derek si Viel sa kanyang paningin dahil hindi nito alam kung saan ito pwedeng hanapin pag nawala ito. Na sa kanya ang lahat ng gamit ni Viel, cellphone, bag at siguradong wala rin itong pera sa kanyang bulsa.
Madaming tao ang naglalakad ng oras na 'yon, karamihan ay pabalik na ang mga ito sa opisinang kanilang pinapasukan dahil patapos na ang lunch break. Kaya naman hirap na hirap si Derek sa pagsunod kay Viel.
Ilang sandali pa ay nagawa ng abutan ni Derek si Viel. Hinawakan nito agad si Viel sa braso upang 'di na makalayo. "Wait," sabi nito. "Ano? Na saan na ang ate mo? Nahabol mo na ba?" hingal na tanong ni Derek.
"Ayon!" Tinuro ni Viel si Celine, napakabilis nitong maglakad at dirediretcho. "Kanina ko pa tinatawag si ate pero 'di n'ya ata ako marinig. Kaylangan kong maabutan si ate." Yumuko ito at hinubad ang sapatos.
"Ano na naman 'yang," 'Di na pinatapos ni Viel sa Derek magsalita at iniabot nito ang kanyang sapatos.
"Sumunod ka na lang," hiyaw ni Viel kay Derek at muli na nitong sinundan si Celine. Naiwang mag-isa sa gitna ng kalsada si Derek. Bitbit ang dalawang bagpack at sapatos. Hindi na n'ya nagawang pigilan si Viel dahil nakalayo na agad ito sa isang iglap.
"Viel! Kung 'di lang talaga kita! Ay nako," napailing na lang si Derek, huminga rin ito ng malalim at muling sinundan si Viel sa paghabol sa kanyang ate Celine.
"Ang bilis naman ni ate maglakad. Ate hintayin mo ako," sabi ni Viel sa sarili, labis na nag-aalala si Viel sa kanyang ate Celine. Ramdam nito ang pagpipigil ni Celine ng galit mula kanina. Baka mamaya ay wala pala ito sa kanyang sarili at kung ano pa ang mangyari sa kanya. Over acting na kung titignan, pero malakas ang kutob ni Viel na hindi okay ang kanyang ate Celine.
Napatakbo na si Viel upang maabutan si Celine, medyo lumuwag na kasi ang kalsada at kakaunti na lang ang mga taong naglalakad. Ilang sandali pa ay nakarating na ito sa isang mini park na malapit sa opisina ng kanyang ate Celine. Dito huling natanaw ni Viel si Celine bago pa ito tuluyang mawala sa kanyang paningin.
"Ate na saan ka na ba? Bakit bigla kang nawala," bulong ni Viel sa kanyang sarili. Hindi na nito ininda ang init ng simento, kahit naka foot socks lang ito ay hindi nagpatinag si Viel sa paghabol kay Celine.
Huminto ito sa mina park upang mag-isip, balak na nitong dumiretcgo ng opisina ng kanyang ate Celine. Malaki ang posibilidad na roon patungo si Celine. Humahangos na naglakad si Viel, ngunit nang pagbaling nito ng tingin sa mini park ay may napansin itong makahandusay ni babae sa bandang sulok.
Nagdalawang isip ito kung pupuntahan n'ya ang babaeng nakita o hindi.
Huminto ulit si Viel. "Nako naman! Bakit ngayon pa." Nahawak na lang si Viel sa kanyang noo. "Sige Viel, check ang palgid, pag-safe, first aid tapos hingi ng tulong then gora na! O tumawag na lang kaya ako ng guard para i-report? Tama i-report ko na lang,"
Nakapagdisesyon na si Viel na i-report ang kanyang nakita, ngunit binabagabag ito ng kanyang kunsensya. Kaya imbis na dumiretcho ay pinuntahan nito ang babaeng nakahandusay sa mini park.
Hindi pa man lang ito tuluyang nakakalapit ay nagulat na si Viel sa kanyang nakita. "Ate!" sigaw ni Viel.
Nakita nito na ang nakahandusay sa damuhan ay ang kanyang ate Celine sa isang mini park malapit sa kanyang opisina. Agad na tumakbo si Viel upang tignan ang kalagayan ni Celine.
Inalam ka agad ni Viel kung may sugat o kung may tumama sa ulo ng kanyang ate. Sinalat din ni Viel ang ilong ng kanyang ate Celine upang siguraduhing nakakahinga ito. Pati ang pulso at t***k ng puso.
"Okay, kalma Viel. Humihinga si ate, may heart beat, may sugat sa kanang braso pero mukhang minor injury lang naman. Kaya mo 'to! Ambulance tama kaylangan ko tumawag ng ambulansya." Kinapa nito ang kanyang bulsa. "Sh*t! Na kay Derek nga pala lahat ng gamit ko!" Nakaramdam na ng pagkataranta si Viel, ngunit kaylangan n'ya itong labanan. Pumikit ito at huminga ng malalim.
"First aid! Na sa medical field ka! Kaya kaya mo 'to. Airway! Airway, wala namang tao open space naman." Naupo ito sa ulunan ni Celine, binuksan din nito ang ilang botones ng blouse upang mas makahinga ng maayos si Celine. "Ayan, hangin! Kaylangan ng hangin!" Humanap ito ng pamaypay o 'di kaya bagay na pwedeng ipang paypay sa kanyang ate Celine. Wala itong mahanap, na kahit papel o karton sa paligid. Ang tanging laman ng bulsa n'ya ay ang kanyang panyo. 'Yon na lang ang kanyang ginamit upang paypayan ang kanyang ate Celine. 'Di naman ito namumutla, ngunit kaylangan pa rin nitong madala sa pinakamalapit na ospital.
"Ate! Ate Celine!" tawag ni Viel upang magising ito. "Derek, saang lupalop ka naman nagsuot! Napakakupad mo naman maglakad. Na saan ka na ba," bulong ni Viel. Linga na rin ito ng linga, hinahanap na nito si Derek.
Walag tao sa paligid, gustuhin man ni Viel humingi ng tulong ay 'di nito magawa. Ayaw n'yang iwan ang kanyang ate Celine. Naisip nitong magpataan ng dalawang minuto at pag wala pa rin si Derek ay tatakbo na ito sa pinakamalapit na building o ano pa mang establishimento na may guardya upang humingi ng tulong.
Hindi malaman ni Viel kung bakit sa pinakasulok na tumba ang kanyang ate Celine at kung 'di pa ito napalingon ay hindi n'ya mapapansin ang kanyang ate Celine.
"Derek! Na saan ka na ba? Haist." Alam ni Viel na habang tumatagal ay maaring may mangyaring masama kay Celine. Lalo na kung hindi matutugunan ng tama ang kalagayan nito.
Pasigaw na dapat ito ng tulong ng biglang sumulpot si Derek sa kanyang likuran.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Derek, bigla itong nataranta ng nakita si Celine na nakahandusay sa damuhan. Pawis pawisan din si Derek, at hapong hapo na. 'Di na nito malaman ang gagawin.
"Hindi ko rin alam, basta naabutan ko na lang si ate na ganito. Saan ka ba galing! Bakit na pakatagal mo!" sigaw ni Viel. Panay pa rin ang pagpapaypay nito kay Celine.
"Ang bigat ng mga dala ko! Alam mo ba 'yon," sagot ni Derek. "Teka tumawag ka na ba ng ambulansya?" Tanong ni Derek.
"Hindi pa, pero wait. Kunin mo 'yung ano, 'yung pamaypay ko d'yan sa bag ko at white flower, dali!" utos ni Viel.
Dali dali namang sumunod si Derek. "Saan dito?" natataranta na ito sa paghahanap.
Itinuro ni Viel ang zipper ng kanyang bag kung saan nakalagay ang mga pinapakuha n'yang mga gamit. "D'yan! 'Yan! Ayan." Agad na kinuha ni Viel ang white flower at pinaamoy sa kanyang ate. "Paypayan mo si ate!" muling utos nito habang inaabot ang pamaypay.
May 5 minuto na ang nakakalipas mula ng makita ni Viel ang kanyang ate Celine. Lalo itong kinakabahan habang tumatagal. Ayaw ding umipekto ng white flower.
"Tama!" may bigla itong naiisip. "Kunin mo Derek 'yang spray, d'yan sa maliit na zipper" nagmamadaling sabi ni Viel.
Binuksan ito kaagad ni Derek at kinuha ang spray. "Tapos anong gagawin ko?" tanong nito.
"I-spray mo sa bagay, ano sa ano," aligagang sabi ni Viel.
"Dito?" Pinakita ni Derek ang kanyang panyo. "Pwede ba dito?"
"Oo, kunti lang," sagot ni Viel.
Pagpisik ni Derek sa spray, nalukot kaagad ang kanyang mukha dahil sa mabahong amoy nito. "Ang baho! Ano ba 'to? Ang sakit sa mata!" tanong ni Derek. Nahilam din ito bahagya sa lakas ng amoy ng pina-spray ni Viel.
"Akin na 'yan dali!" Utos ni Viel.
Inabot ni Derek ang panyo. "Oy! Anong ginagawa mo!" gulat na sabi ni Derek.
Pinapaamoy kasi ni Viel ang panyo na may mabahong amoy. "Ammonia 'to," sagot ni Viel.
"Ano! Bakit ka may ganyan sa bag?" gulat na tanong ni Derek.
"Mamaya na 'yan! Mamaya ko na i-explain kung bakit ako may ganyan sa bag. Tumawag ka na ng taxi. Dali! Dadalhin na natin si ate sa ospital." Sigaw ni Viel.
Inilapag ni Derek ang mga bitbit na gamit, tatakbo na ito para kumuha ng taxi.
Ilang segundo pa at unti-unting dumilat si Celine.
"Ate!" sigaw ni Viel.
Narinig ito ni Derek, bumalik ito muli sa kinaroroonan ni Viel at Celine.
"Anong nangyari?" Pagbalik nito ay nakita n'yang nagkaroon na ng malay si Celine. Ngunit nakahiga pa rin ito.
Hindi na napigilan ni Viel ang pag-iyak. "Ate, ate ko," sabi nito.
Inalalayan ni Derek si Celine na makatayo. "Sandali lang po, kukuha na po ako ng taxi para madala po kayo sa ospital," sabi ni Derek. Paalis na ito ngunit hinawakan ito ni Celine sa braso upang pigilan.
"Okay na ako, 'wag na," sabi nito.
"Pero po," putol na sabi ni Derek.
"Okay lang ako," sabi ni Celine. Tinitigan ito ni Celine.
Hindi ito nakaimik at tumayo na lang ito sa gilid. "Sige po." Wala ng nagawa si Derek.
"Ate, kaylangan mo pumuntang ospital. May sugat ka, para ma-check na rin ate kung bakit ka nawalan ka ng malay mula kanina," sabi ni Viel habang pinapagpag ang mga damong kumapit sa damit at buhok ng kanyang ate. Patuloy pa rin itong umiiyak sa sobrang pag aalala mula kanina.
Doon lang napansin ni Celine ang kanyang sugat, nagsimula na rin itong humapdi. Nakaramdam din ito ng kaunting pagkahilo at masakit din ang kanyang batok.
Tinignan n'ya si Viel at pinunasan ang luha nito. "Ang little sister ko, tumahan ka na. Ikaw talaga, malayo 'to sa bituka kaya okay na ako. Hindi na kaylangang pumuntang ospital," sabi ni Celine.
"Ate," pagangal ni Viel. "Hindi, pupunta tayo kahit sa clinic lang, hindi ako mapapalagay hanggat 'di ka na check ng maayos," sabi ni Viel.
Inalalayan ng dalawang makaupo sa bench si Celine. "Derek, tumawag ka na ng taxi," utos ni Viel.
Susunod na dapat si Derek.
"Sige ganito na lang, magpapayag akong magpatingin pero sa company nurse na lang namin. Tutal, malapit na tayo sa building namin. Okay po ba?" ideya ni Celine.
Tumango si Viel bilang pagsangayon.
Pinakisuyuan ni Celine si Derek na puntahan ang kanilang guard at ikuha ito ng wheelchair.
Ilang sandali pa at dumating na ang guard nina Celine upang alalayan ito papuntang clinic.