"Ma'am elevated po ang blood pressure n'yo pero okay naman ang sats," sabi ng company nurse matapos kuhanan ng bloodpressure at i-check ang oxygen level ni Celine. "Advice ko po sana na magpahinga po muna kayo. Or much better na mag-halfday na lang po kayo for today para mas makpagpahinga ng maayos. Sobrang na i-stress po ata kayo sa wedding preparations n'yo ma'am. Dapat po priority pa rin ang health," nakangiting sabi ng nurse.
"Siguro nga, nakaka-pressure kasi minsan lalo pa at marami pang dapat asikasuhin. Pero 'wag kang magalala magiingat na ako promise. Saka sobrang init lang talaga siguro kanina kaya ako nawalan ako ng malay," sagot ni Celine.
"Talaga po ba ma'am hala, paano kaya pag ako na ang ikakasal? Baka lagi akong na sa emergency room!" biro ng nurse. Kinuha nito ang braso ni Celine. "Gamutin na po natin 'yang braso n'yo," sabi nito.
"Maghanap ka muna ng boyfriend bago mo isipan 'yan." Tumawa at sila pareho.
Samantala sina Derek at Viel ay magkasamang sa recieving area ng clinic. Sa bandang harapan nina Celine at ng nurse.
"Oh." Inabutan ni Derek si Viel ng maiinum at naupo sa tabi ni Viel.
"Salamat." Kinuha ito ni Viel at ininum. Uhaw na uhaw si Viel, kulang na lang ay maubos nito kaagad ang tubig. Napaubo pa ito dahil sa pagkakasamid.
"Oh, dahan dahan. Ayan tuloy." Kinuha nito ang panyong hawakhawk ni Viel at pinunasan ang pisngi at ang braso nitong natapunan ng tubig. "Hindi ka mauubusan," dagdag ni Derek.
"Ngayon ko lang kasi naramdaman 'yung pagod. Ang sakit din ng mga paa ko kakatakbo mula kanina," sabi ni Viel habang pinipisil ang kanyan mga hita. Ngayon lang napansin ni Derek na nakaapak pa ito hanggang ngayon.
Tumayo si Derek, lumapit ito kayna Celine at sa nurse. "Excuse me po," sabi ni Derek.
"Yes," sagot ng nurse. Nililinis pa rin nito ang sugat ni Celine.
"Makikigamit lang po sana ng C.R.," paalam ni Derek.
"Sure," sabi ng nurse. At itinuro nito ang kinaroroonan ng C.R.
Kalapit lang ng kinauupuan nina Derek kung saan nakapwesto ang C.R., kaya binalikan na nito si Viel.
"Halika," sabi nito at pinatayo si Viel.
"Huh?" sabi ni Viel.
"Nakapaa ka pa pala hanggang ngayon. Lilinisan ko lang muna ang mga paa bago mo isuot ang sapatos mo," sagot ni Derek.
Nagulat si Viel sa gagawin ni Derek. Napatayo ito at nanlake ang mga mata.
"Sira, ako na lang. Paabot na lang ng sapotos ko pagkatapos kong maglinis ng paa," sabi ni Viel. Kinuha nito ang kanyang bag, matapos ay may kinalkal ito sa loob.
"Alam mo Viel takang taka ako kanina pa, napakabigat ng bag mo, ano bang ang laman n'yan? Dala mo ba ang buong bahay n'yo?" tanong ni Derek.
Naglabas ng medyas si Viel. "Ayan," sabi ni Viel.
Ikinagulat ito ni Derek. "May extrang medyas kang dala palagi? Wala ka namang P.E. subject 'di ba?" muling sabi ni Derek kay Viel.
Tumango si Viel. "Girl scout kasi ako dati, kaya laging handa. See, nagamit ko ang extra medyas ko. For emergency purposes," proud na sagot ni Viel.
"Pati 'yung ammonia sa bag? Kaylangan ng girl scout?" sumunod na tanong ni Derek.
Ngumiti si Viel na nakakaloko. "For self deffence naman kasi 'yon, ammonia spray para sa mga bad people na umaaligid! Isang spray lang sa mata nila for sure makakaligtas kana. 'Wag ka lang shushunga shunga na tutulala pa!" sagot ni Viel, parang spill ito ng commercial.
Kita sa mukha ni Derek ang pagtataka sa sinabi ni Viel. Hindi nito naintindihan ang sinabi ni Viel.
"Pag ano, 'yung halimbawa may mang-r**e sa akin gano'n i-spray ko sa mukha n'ya. Sa mata gano'n. 'Di ba! For sure makakatakas na ako!" pangangatwiran ni Viel.
Napangisi si Derek. "Mga iniisip mo, napaka-advance! Advance ka talaga magisip!" sabi nito.
"Nako! Totoo naman! Sa ganda kong 'to!" Sabay hampas kay Derek.
"Aray!" sigaw ni Derek. "Ikaw, sige na pumunta ka ng C.R.," sabi ni Derek.
Tumayo na si Viel at nagpumuntang C.R.
Napansin ni Derek na tumayo na si Celine, tumindig din ito at agad na lumapit kay Celine upang alalayan itong maglakad. Nahihilo pa ito ng kaunti at medyo nawawalan ng balanse. Inaalalayan din kasi ito ng nurse.
Nagulat si Celine at ang nurse sa pagsulpot ni Derek.
"Ay, salamat," sabi ni Celine.
Ngumiti si Derek. Nagtungo sila sa bed upang makahiga si Celine. Napagdisisyonan kasi nito na umuwi na muna at magpahinga sa bahay kapag maayos na ang kanyang pakiramdam.
"Ma'am, ako na po ang pupunta sa head n'yo para sabihin ang nangyari. Then pag okay na po ang pakiramdam n'yo, inform n'yo lang ako para maikuha ko kayo ng grab pauwi," sabi ng nurse.
"Salamat," nakangiting sabi ni Celine.
Lumakad na ang nurse, naiwan sina Celine at Derek.
"Ma'am, pag po okay na po ang pakiramdam n'yo sabihin n'yo lang po kaagad para makuha ko na po 'yung sasakyan ko sa parking," sabi ni Derek.
"Ikaw ba 'yung kasama ni Viel?" tanong ni Celine.
"Opo, schoolmate n'ya po ako," sagot nito.
Ngumiti na lang si Celine. "Teka na saan si Viel?" Napansin kasi ni Celine na parang wala si Viel sa paligid.
"Nag C.R. po, naglinis ng paa," agad na sagot nito.
"Bakit anong nangyari sa paa ni Viel?" nagaalalang tanong ni Celine.
Napakamot si Derek sa kanyang ulo. "Mula po kasi kanina naghubad po s'ya ng sapatos para mahabol n'ya raw po kayo kaagad. Nahihirapan po kasi s'ya tumakbo kanina," paliwanag ni Derek.
"Viel talaga," natawa na lang si Celine.
"Ma'am gusto n'yo po ba ng makakain? Baka po may gusto kayo? Para mabili ko po kayo," tanong ni Derek.
"Ako, gusto ko ng burger at fries with sundae!" sabat ni Viel.
"Ikaw ba si ma'am? Si Viel ka. At saka mamaya ka na, 'di ba diet ka? Kaya tumataba ka!" asar ni Derek kay Viel.
"Ay nako, minsan lang naman," paawang sabi ni Viel. Binaling na ni Viel ang kanyang tingin sa kanyang ate Celine. "Ate kamusta ka na? Sobrang nag-alala ako sa 'yo kanina," sabi ni Viel.
Naupo ito sa upang nakapwesto sa kamang hinihigaan ni Celine.
"Nahilo lang talaga ako kanina, salamat at nakita n'yo ako kaagad," sabi ni Celine.
"Kaya nga ate, at salamat kasi okay ka na," maluha luhang sabi ni Viel.
"Ay ma'am 'to nga po pala 'yung bag n'yo." Kinuha at iniabot ni Derek kay Celine ang kanyang bag.
"Ate, ate Celine na lang, 'wag ng ma'am. Salamat," sabi ni Celine.
"Ate, magpahinga ka na muna. Gusto mo po bang matulog?" tanong ni Viel.
"Sa bahay na lang siguro, iidlip na lang muna ako papawalain ko na lang muna ang pagkahilo ko para makauwi na tayo," sagot ni Celine.
"Ate, sure kang okay ka na?" muling tanong ni Viel.
"Opo, sure po ako. Ang little sister ko talaga," tugon ni Celine kay Viel. "Sandali lang, 'di ba may klase ka? Bakit ka nandito?" si Celine naman ang nagtanong.
"Ate, pupuntahan po kita sana para ipagpaalam na kukuha lang kami po ng dahon ng kakaw sa n'yo. Kaylangan po kasi namin sa thesis," paliwanag ni Viel.
"Sige, mamaya sa bahy. Dapat nag-text ka na lang sa akin. Ikaw talaga Viel, napagod pa kayo pagpunta rito," sabi ni Celine. Humiga ng maayos si Celine at pumikit upang makapagpahinga.
Natahimik sandali ang paligid, ngunit hindi mapakali ra Viel sa kanyang kinauupuan.
"Ayos ka lang Viel?" tanong ni Derek. Napansin ni Derek ang pagbuntong hininga ni Viel mula pa ng huminto ang pag-uusap nilang dalawa ni Celine. At hindi rin ito mapirmi sa kanyang kinauupuan.
Tumingin si Viel kay Derek. 'Di nito alam kung paano sasabihin kay Derek ang iniisip. Sinulyapan ni Viel si Celine, nakita n'ya itong nakapikit at waring natutulog.
"Ano kasi," bulong ni Viel.
"Ano? Lakasan mo kaya," sagot ni Derek.
"E, ano 'yung sa ano. 'Yung kanina? Sa ano," mas mahinang sabi ni Viel.
Lumapit si Derek kay Viel upang mas maintindihan ang kanyang sinasabi. "Lakasan mo naman kahit kaunti, hindi ko talaga maintindihan," sabi ni Derek.
"Ito naman kasi, hindi ko alam paano sasabihin," muling bulong ni Viel.
"Ang alin ba kasi?" inis na sabi ni Derek.
"Naman e, gusto ko kasing itanong 'yung sa resto. Kaso hindi ko alam kung paano, at saka sa ganitong sitwasyon? Tama kaya 'yon?" balik na tanong ni Viel.
"Alam mo naman pala 'yung sagot, bakit mo pa tinatanong?" napalakas na sabi ni Derek.
Nagulat si Viel sa pagkakasabi ni Derek. "Shhh!" Tinakpan ni Viel ang bibig nito at pinangdilatan ng mata si Derek. "Napaka-ingay mo naman!" gigil na sabi ni Viel.
Naalimpungatan si Celine. "May problema ba?" tanong nito sa dalawa.
Nagitla ang dalawa ng biglang nagtanong si Celine, binitawan na ni Viel ang ang bibig ni Derek at naupo muli ng maayos.
"Kasi ate, sa resto," panimula ni Viel.
Siniko ni Derek si Viel upang pigilang magsalita. Nag-aalala si Derek na baka makasama pa ito kay Celine kung sasabihin ni Viel ang mga nakita kanina. Mas madagdagan ang stress nito.
"Nandoon din pala kayo kanina, pasensya na hindi ko kayo napansin," malumanay na sabi ni Celine.
Nanibago si Viel sa pagsasalita ng kanyang ate Celine. Para bang sa isang iglap ay nagbago ito basta basta. At ang isa pang pinagtataka ni Viel ay hindi man lang ito nag-alinlangang sumagot sa kanyang tanong.
"Ate 'yung lalake." Hinawakan bigla ng Derek ang kamay ni Viel at pinisil, para balaang 'wag ng ituloy ang kanyang sasabihin. Ngunit pilit na bumibitaw si Viel at ayaw magpapigil. "S'ya ba si,"
"Viel!" singit ni Derek.
"Ano!" bulyaw ni Viel dito.
Natawa na lang si Celine sa inasta ng dalawa. Nagtaka tuloy sina Derek at Viel sa naging reaksyon nito.
"Sorry. 'Di ko lang mapigilang hindi matawa. Ang cute n'yo kasi tignan, s'ya ba Viel 'yung sinasabi mong mangliligaw mo mula highschool? 'Yung cute kaso nga lang 'di ka matalo sa inuman?" bigang tanong ni Celine.
"Ate!" sigaw ni Viel.
Lalong tumawa si Celine, gumanda na kasi ang kanyang pakiramdam kaysa kanina. Nakapagpahinga na rin ito saglit at kumalma na ang kanyang kalooban.
Namula naman si Derek, 'di nito malaman kung compliment ba o pangaasar ang sinabi ni Celine sa kanya. Napangiti na lamang ito at biglang pinagpawisan. Gayun din si Viel na bahagyang namula at napatakip na lang ng kanyang mukha sa hiya.
Huminto na kakatawa si Celine, bumangon na ito mula sa kanyang pagkakahiga. Inalalayan naman ito kaagad ng dalawa kahit bahagya na silang nagkakahiyaan.
"Salamat, biro lang. Ikaw pala si Derek?" tanong ni Celine.
"Opo, Derek po pala ma'am schoolmate ay ate po pala po ni Viel," agad na sagot ni Derek.
"Ah, nice meeting you Derek. Nagpakilala ka na kanina 'di ba? 'Wag kang kabahan, ako lang 'to. Kabahan ka sa kuya n'ya," natawa ito bahagya. "Celine, ate Celine. Ako ang girlfriend ng kuya ni Viel," pakilala ni Celine sa kanyang sarili.
Nagngitian ang dalawa.
"S'ya rin ang future ate ko for real! Pagkinasal na sila ni kuya Zeki," dagdag ni Viel.
Gumuhit ang malaking ngiti sa mukha ni Celine. Tinignan din nito ang kanyang suot na singsing. Ang engagement ring nila ni Zeki.
"Oo, pagkasal na kami ng kuya mo. Totoong ate mo na ako," sabi ni Celine.
Ngumiti si Viel ngunit hindi nito maitatago ang pagaalinlangan dahil sa kanyang mga nasaksihan kanina. Napansin din naman ito kaagad ni Celine, malapit kasi ang dalawa sa isa't isa kaya ramdam nito ang pagdududa na namumuo sa isipan ni Viel. Narinig din nito ng malinaw ang pinagbubulungan ng dalawa kaya may hinala na ito sa iniisip ni Viel.
Tinignan ni Celine si Derek. "Derek, pwede mo ba akong ibili ng sandwich sa labas. Bumili ka na rin ng burger na gusto ni Viel at ng makakain mo," utos ni Celine dito. Inaabutan din nito ng pera ni Celine.
Nakuha naman agad ni Derek ang gustong ipahiwatig ni Celine. "Okay po ate Celine, kukunin ko na rin ang sasakyan ko. Para po pag-okay na po kayo, maihatid ko na po kayo pauwi," sagot ni Derek.
Hindi rin nito tinanggap ang perang inaabot ni Celine, umalis na ito upang mas maayos na makapag-usap ang dalawa.
"Ate," sabi ni Viel.
Bumaling na ng tingin si Celine kay Viel. "Viel, s'ya si Lanz. Ang papa ni Gael," sagot ni Celine dito.