Bumabang dalawa ng sasakyan.
"So we're here?" sabi ni Cheska.
"Yap, ito ang ancestral house ng family namin," sabi ni Zoren.
Namangha si Cheska sa magandang bahay nina Zoren. Ipinasok nito ang sasakyan sa grahe. "Tara pumasok ka muna," aya ni Zoren.
Ngumiti si Cheska, 'di n'ya mawari ang nararamdamang kilig dahil kasama n'ya si Zoren.
"Wait, d'yan ka lang." Agad na bumaba si Zoren at pinagbuksan ng pinto si Cheska.
Lalong hindi maalis ang mga ngiti ni Cheska. Namula rin ito bahagya at nainitan.
"Okay ka lang?" tanong ni Zoren kay Cheska.
"Oo naman," sagot nito. Kahit sa totoo lang ay kilig na kilig na ito dahil sa ginawa ni Zoren.
Aminin na natin, sa mga simpleng bagay nagsisimula ang lahat. At kung minsan ay sa mga simpleng bagay din tayo pinakakinikilg. Sa simpleng pagbubukas ng pinto, sa pag-alalay o pagdadala ng bag.
Fiesta ng San Juan noon, inimbitahan ni Zoren si Cheska na dumalo sa kanilang taunang fiesta. Nagkataon din kasing kaylangan ni Cheska ng write up patungkol sa isang fiesta na ginaganap sa Pilipinas. At isa ito sa pinakamasayang fiesta ng taon.
"Pa, ma, si Cheska po friend namin nina Zeki, bestfriend ni Celine," pakilala ni Zoren kay Cheska pagkapasok nila sa bahay.
"Oh ija, maupu ka. Dito dito." Iginiya ng mama ni Zoren si Cheska sa sofa at pinaupo.
"Salamat po," sabi ni Cheska.
"Ma magpapalit lang ako ng damit. Kayo na muna ang bahala kay Cheska," sabi ni Zoren. "Cheska d'yan ka na lang muna ha, sandali lang ako," paalam naman ni Zoren kay Cheska.
"Sige lang, take yous time," sagot ni Cheska.
Umalis na si Zoren upang makapagpalit ng damit.
Asikasong asikaso naman ng mga magulang ni Zoren si Cheska. "Ija, anong gusto mo? Pasensya na at maliit lang itong bahay namin," sabi ng mama ni Zoren.
"Ay ang cute nga po, at saka wala naman po sa liit ng bahay nasusukat kung gaanon kaganda ang bahay," papuri ni Cheska. "Hihintayin ko na lang po muna si Zoren, okay lang po ako dito 'wag po kayong mag-alala," dagdag nito.
"Oh s'ya aasikasuhin ko muna ang ibang bisita. D'yan ka muna, tawagin mo lang ako kung may kaylangan ka. Huwag kang mahihiya," sabi ng mama ni Zoren at pinuntahan naman sa iba pang bisita.
Napansin ni Cheska na parang may mali sa kanyang suot. Pusturang pustura kasi ito. Samantalang ang mga bisitang nagsisidatingan ay mga nakapang bahay lang o 'di kaya hindi ganoong kapormal ang suot. T-shirt at shorts lang karamihan.
"Nako, Cheska nag-over dress ka ata? Ano ba kasing naisipan mo at nagmaganda ka masyado! Fiesta ang write up mo hindi wedding event. Nako, Cheska ang kashungaan iniiwan, hindi binibitbit palagi! At girl pula talaga. Lutang na lutang ka! Ay nako very wrong, pero hayaan mo na. Kaya ko po, deadma lang," sabi ni Cheska sa sarili.
Hindi naman s'ya pinagtitinginan ng mga bista. Sadyang napansin n'ya lang ang mga kasuotan ng mga ito. At napansin ang kanyang pagkakaiba ng kanilang kasuotan.
"At isa pa nandito ka para sa write up mo, so work ito. Kunwari na sa office ka! 'Yon sa office 'di ba? At ganito ka manamit sa office so walang dapat ika hiya," pagpapalakas nito ng loob.
Ilang sandali pa at lumabas na si Zoren.
"Cheska tara kumain muna tayo, then punta na tayo sa bayan. For sure magugustuhan mo ang mga ganap sa bayan. Marami ka ring masusulat sa write up mo. Ako na rin ang kukuha ng mga pictures para makapag-focus ka sa interview at ma-enjoy mo ang fiesta rito sa amin," sabi ni Zoren.
"Sure, nae-excite na ako," sabi ni Cheska.
Nagtungo na ang dalawa sa kusina at kumuha ng makakain. Napuna rin ni Cheska na nagpalit ng pambahay si Zoren. Nadagdagan na naman ang kanyang kaba pero hindi dapat magpahalata.
Kumain na ang dalawa, sinabi ni Zoren ang mga lugar na kanilang pupuntahan at sobrang tutok si Cheska sa pakikinig kay Zoren. Lahat ng ditalye ay pinakikinggan nito.
"Yes, this is my first move. Timing naman ang napili kong topic para sa write up ko. Buti na lang nagtanong ako kay Zoren, hay ito na 'to 'di dapat ako mag-fail! Hitting two birds with one stone, may write up na may lovelife pa," sabi nito muli sa sarili.
Mula ng na-engage si Celine, napaisip si Cheska sa sitwasyon ng kanyang lovelife. Maganda, balingkinitan ang katawan at mapustura si Cheska. Marami ring humahanga sa kagandahan ng dalaga ngunit wala s'yang tipo sa mga ito. Ngunit pag dating sa mga lalakeng tipo ni Cheska ay wala itong swerte ni isa. Kung hindi may girlfriend, may asawa ang kanyang mga nagugustuhan. At ang malala pa ay pareho sila ng tipo ng kanyang nagugustuhan, in short bading. Wala namang galit si Cheska sa mga ito, ang sakanya lang ay bakit palaging s'ya ang natatapatan ng mga ganitong tao. Lalo lang dumadami ang kanyang kaibigan, pero hanggang ngayon ay walang lovelife. Nagkaro'n naman na ito ng boyfriend, ngunit hindi rin ito nagtagal dahil lalake rin pala ang hanap ng kanyang nobyo. At sa huli ay naging mag-bestfriend pa ang dalawa. Sa katunayan ay mas kikay pa ito kaysa sa kanya.
Nagtataka na rin ito dahil marami na rin itong nakikilala, ngunit hindi pa rin n'ya natatagpuan ang lalakeng para sa kanya. Nararamdaman na rin nito na napag-iiwanan na s'ya ng kanyang mga kaedad. At kahit si Celine ay malapit ng ikasal, ngunit s'ya ni boyfriend o mangliligaw ay wala. Malapit na itong mawalan ng pag-asa na matatagpuan pa nito ang nakatadhana sa kanya. Malapit na rin itong maging desperada.
Ngunit ng nakita n'ya si Zoren, tumibok ang kanyang puso. Ilang beses pa lang nagkrus ang landas nila ni Cheska dahil marami itong raket. Ngunit sa iilang beses na 'yon ay nakuha na kaagad ni Zoren ang atensyon ni Cheska. Nagkaroon ng liwanag ang kanyang madailim na kabanata sa pag-ibig. Ang kanyang pag-asang magkaro'n ng boyfriend. Isang matipuno, gentleman, matalino at mabait na lalake si Zoren. Hindi man ito kataasan, at may pagkamoreno ay 'di ito alintana ni Cheska. Unang kita pa lang ni Cheska ay nagkagusto na agad s'ya kay Zoren. As in gustong gusto n'ya ito.
Kaya nagpasya itong i-background check si Zoren. Kung may asawa, o anak na ito, at higit sa lahat ay kung tunay ba itong lalake. Mahirap na, baka sa huli ay mas kikay pa pala ito kaysa sa kanaya. At maulit na naman ang kanyang pagkabigo.
Kinulit nito si JR, tutal naman ay magkakilala na sila noon pa. Inalam nito ang lahat ng tungkol kay Zoren. Sabi ni JR ay hindi naman pihikan si Zoren, at sa katunayan ay s'ya ang pinakamabait at galante sa kanilang magkakaibigan. Ubod ng asensyo at napaka-gentleman din nito. Hindi rin balidoso at makakaasa si Cheska na lalakeng lalake si Zoren.
Nang narinig ito ni Cheska ay nagningning kaagad ang mga mata nito. At umiral na ang kanyang pagiging manunulat. Naka-isip na ito ng mga hakbang upang mapansin s'ya kaagad ni Zoren. Pasok na pasok sa banga ang lahat ng mayroon at katangian ni Zoren. Ngunit may isa itong kinabahala.
"Seryo ka talaga na si Zoren ang gusto mo? Si Vincent? Mas gwapo 'yon kaysa kay Zoren. Ayaw mo ba sa kanya?" palagi nitong sabi tuwing magtatanong si Cheska tungkol kay Zoren. Ipinagtataka rin ito ni Cheska ngunit hindi na nito inintindi ang mga sindsabi ni JR.
Pilit kasi na itinatambal ni JR si Cheska kay Vincent ngunit ni sa hinagap ay hindi pinangarap ni Cheska na magustuhan si Vincent. Wala itong dating sa kanya at sobrang angas pa nito na ikinaiirita ni Cheska. Tanging kay Zoren lang nakatuon ang kanyang atensyon wala ng iba.
"Basta kung talagang gusto mo si Zoren, landiin mo na. Your time is running out," ito rin ang isang matinding paalala ni JR.
Kaya naman wala ng sinayang na oras si Cheska, moderno na ang panahon ngayon. Walang masama kung susubukan n'yang s'ya ang magpakita ng motibo kay Zoren sa malinis na paraan. Malay naman natin, ito na ang sagot sa kanyang mga kahilingan ni Cheska.
Natapos ng kumain ang dalawa, napakaraming kwento at impormasyong ang binanggit ni Zoren. Kita rin sa mga mata nito ang pagkasabik sa kanilang mga pupuntahan. Lalong lalo na si Cheska, walang segundo ang lumipas na hindi ito nakangiti habang kausap si Zoren. Matindi talaga ang pagkagusto nito kay Zoren.
"Tara?" aya ni Zoren.
"Tara," nakangiting sagot ni Cheska.
Nagpaalam na ang dalawa sa mga tao upang pumuntang bayan.
"Ready ka na ba?" tanong ni Zoren. Nagmamaneho na ito papuntang bayan.
"Yap, reading ready. Fully charge ang recorder ko kahit magdamag pa ang event kayang kaya and thank you kasi less hassle, ikaw na ang kukuha ng pictures para sa write up ko," sabi ni Cheska.
"No problem, basta isingit mo 'yung pangalan ko sa mga photos ha. Kahit maliit lang," hiling ni Zoren.
"Sure, gusto mo mas malaki pa sa mismong picture?" pabirong sabi ni Zoren.
Nagtawanan ang dalawa.
Habang papalapit na sila sa bayan ay pansin ni Cheskang basa ang kalsada. Kanina pa naman tirik ang araw, at wala naman itong nabalitaan pag-ulan sa balita.
"Ayan, malapit na tayo!" sabik na sabi ni Zoren. Inihanda na ni Cheska ang kanyang recorder. Nag-park na si Zoren sa isang parking space.
"Tara, lalakarin na kasi natin papuntang bayan mula rito hanggang mismong bayan," sabi ni Zoren.
"Nako po naka-heels pa mandin ako. Pero sanay naman ako maglakad ng malayo kahit naka-heels, kaya ko 'to! Sangalan ng pag-ibig! Dapat hindi umarte! Tiis ganda girl! Tiis ganda" pagpapalakas nito ng loob. Alam nitong mamamaltos ang kanyang mga paa matapos ng kaartehan n'yang 'to.
"Let's go!" kunwaring excited na ito. Ngunit sa kabila ng pinapakita nitong pagkasabik ay nakakubli ang malaking kaba kung anong fiesta nga ba ang kanilang pupuntahan. Wala itong kaide-ideya sa pista ng San Juan. Mas inatupag kasi nito ang pagpapaganda kaysa pag-aralan ang kanyang pupuntahan para sa kanyang write up.
Nagsimula ng maglakad ang dalawa, agaw pansin ang itsura ni Cheska. Ito lang kasi ang todo pustura sa mga taong nandoon. Dito lang din napansin ni Zoren na naka-heels si Cheska.
"Nako, naka-heels ka pala. Mukha tuloy akong alalay mo ngayon," sabi ni Zoren.
"Ah e kaya nga. Mukhang mali ang nasuot ko para sa araw na 'to," sagot ni Cheska.
"Teka," huminto si Zoren at hinubad ang suot ng chinelas. "Ayan, hubarin mo na 'yang heels mo. Ito na ang isuot mo, hindi na nila mapapansin 'yan," sabi ni Zoren.
"Ha, sige salamat." Payuko na si Cheska para hubarin ang kanyang heels ng umupo si Zoren.
"Ako na." Si Zoren na ang nagtanggal ng kanyang heels. Inalalayan din nito si Cheska para hindi matumba habang nagpapalit ng sapin sa paa. "Ayan, medyo malaki nga lang pero ayos na 'yan. Para hindi ka mahirapan maglakam hanggang mamaya," sabi nito. Kinuha ni Zoren ang heels at inilagay sa kanyang bagpack.
"Paano ka?" tanong ni Cheska.
"E 'di magtatapak," nakangiting sabi ni Zoren.
Hindi maipaliwanag ni Cheska ang kanyang nararamdamang kilig sa simpleng ginawa ni Zoren.
Nataranta na ito bigla. "Ha! Ay nako, nakakahiya ito naman. Ako na lang ang aapak. Kaya ko namang maglakad kahit naka-apak lang." Nagmamadaling hinubad ni Cheska ang chinelas.
"Nako, isa! Hindi ko hahayaang magapak ang isang magandang katulad mo," sabi ni Zoren.
Napahinto naman si Cheska.
"A... Ako maganda? Maganda ako? Nagagandahan ka sa akin? Talaga? 'Wag kang ganyan kinikilig ako!" humihiyaw na sabi nito sa kanyang isipan. Ngunit hindi dapat ito magpahalata.