"Ate Celine!" Salubong ni Viel sa kanyang ate Celine. Kakababa lang nito sa kanilang sasakyan at agad sinigaw ang pangalan ng kanyang Celine, na sa labas kasi ito at inaabangan ang pagdating nina Zeki. Kasama rin nito si Gael na naglalaro sa kanyang tabi. Nauna pa itong salubungin ni Celine kaysa sa kasintahan.
Mamamanhikan na sina Zeki sa pamilya ni Celine. Oras na rin para pagusapan ang magaganap na kasalan. Kaylangan na ring mapag-usapan ang petsa at kung saang simbahan ikakasal ang magkasintahan. Sabik na sabik ang dalawang pamilya sa pagpapakasal ng dalawa.
Niyakap ni Viel ang kanyang ate Celine. "Congrats ate!” tumitili nitong sabi. Walang mapaglagyan ang kasiyahang nararamdaman ni Viel. Malapit si Viel kay Celine dahil pangarap nitong magkaroon ng ate. At sa lahat ng naging kasintahan ng kayang kuya, si Celine lamang ang kanyang nakasundo. “Sorry wala ako no'ng nag-propose si kuya. Gustong gusto ko ateng humabol kaso maraming kaylangang tapusin sa school," paliwanag ni Viel.
Kumalas na si Viel sa pagkakayakap kay Celine. "Okay lang ano ka ba, studies first. Pero thank you sa surprise proposal na inihanda n’yo, hindi ko talaga expected ang mga nangyari noong araw na ‘yon. Sabi pa ni Zeki ikaw daw ang hands-on sa pagplaplano at sa lahat," sabi ni Celine.
"Yes ate,” pagmamalaking sabi ni Viel. “Syempre super supportive ako kay kuya! Kasi ang babaduy ng idea ni kuya, halos mga palasak na ang ideas n’ya! Gusto ko kasing maging memorable ang gagawing proposal n'ya sa nag-iisa kong ate. Once in a life time lang mangyayari 'to kaya dapat bongga! At hindi mo makakalimutan," kwento ni Viel.
“Hinding hindi talaga, halos maloka ako kakahanap kay Gael nang araw na ‘yon!” sabi ni Celine.
“Ate, nag-practice pa kami ni Gael kung paano ang gagawin kaya successful an gaming mga plano,” sabi ni Viel. "Hay sana 'yung guy na nakatadhana sa akin, bigyan din ako ng surprise proposal, sa garden o kaya sa beach mga ganoon tapos madaming flowers at may paharana pa, hay” nangangarap na sabi ni Viel. May pangangalumbaba pa ito habang nagsasalita.
“Ay nako, Viel Eilish dela Cruz, maghanap ka muna ng boyfriend bago ka mag-request ng mga paandar na ganyan,” singit ni Zeki. “Boyfriend nga wala ka tapos surprise proposal pa, ikaw talaga.”
“Ate si kuya o! Inaaway ako,” sumbong ni Viel sa kanyang ate Celine.
“Oo nga tata, wala ngang nagkaka-crush sa ‘yo kasi ang arti-arti mo. Masungit pa, ay nako,” sabat ni Gael.
“Ikaw bata ka! Halika nga dito!” Hinabot ni Viel si Gael at kiniliti ng kiniliti.
Nagkakanda iyak na si Gael sa kakatawa. “Ta… tama na! Tata!” tumatawa nitong sabi.
Nakababa na rin ng sasakyan ang magulang ni Zeki, narinig ng mag-asawa ang sinasabi ng kanilang bunsong anak.
“Ikaw Viel baby ka pa naming ni mommy mo, anong proposal ka d’yan,” gatong pa ng dad ni Zeki.
“For sure, iiyak ang dad n’yo pag ikaw Viel ang nagkaroon ng boyfriend! Naalala ko pa noong nagsabi ang kuya mo para magpaturo mangligaw, ‘di mapakali ‘tong si Arvin kulang na lang ay s’ya ang mangligaw doon sa babae ‘wag lang mahirapan ang kuya mo. At noong unang break-up ni Zeki nako! Nag-iiyakan sila pareho sa sala, lalo na siguro kapag nagkaroon ng boyfriend ang baby girl naming,” kwento ng mommy nina Zeki.
“Mommy!” sabi ni Viel.
“O, bakit napapunta sa akin ang usapan? Past is past!” sabat ni Zeki.
“Nako lab lab,” sabi ni Celine habang pinagtatawanan ang kasintahan.
“Mommy tama na po, mamamanhikan tayo hindi ‘to throwback day okay. Tama na po ang pagkwekwento ng mga nakakahiyang bagay,” saway ni Zeki sa kanyang mommy.
Iniya ng pumasok ni Celine ang pamilya ni Zeki, may kaunting inihanda ang magulang ng dalaga para sa kanila. Mayroon ding dala ang partido nina Zeki para sa pamilya ni Celine. At syempre hindi mawawala ang para kay Gael.
“Lalo mommy! Ang ganda po nito! Thank you po,” masayang masayang sabi ni Gael sa mommy ni Zeki. Tumakbo ito papalapit kay Eliz at yumakap ng mahigpit.
Niregaluhan kasi ng mag-asawa si Gael ng ironman robot.
“Ako, wala bang big hug si lolo dad?” sabi ni Arvin kay Gael.
Lumapit naman ito kay Arvin at yumakap. “Meron din po lolo dad!” sabi ni Gael. “Thank you po,”
“Nako balae kaya namimihasa ‘yang bulilit na ‘yan, inii-spoiled n’yo masyado,” sabi ng papa ni Celine.
“Hindi naman balae, unang apo kasi kaya syempre sunod sa layaw. At mabait naman si Gael kaya deserve n’ya ang bagong toy,” sabi naman ng dad ni Zeki.
Malapit sa mag-asawa ang batang si Geal, malalim ang relasyong nabou nila lalo na sa pagitan ni Eliz at Celine. Pareho kasi sila halos ng pinagdaanan ng dalaga kaya napalapit ng husto ang dalaga kay Eliz. Gayun din kay Gael, bukod sa magulang ni Celine, si Eliz ang isa pang takbuhan ni Celine tuwing nakakaramdam ng mga bagay na hindi nito masabi sa kasintahan. Magaan ang loob ng dalaga sa mommy ni Zeki dahil alam nitong pinagdaanan ni Eliz ang lahat ng kanyang dinaranas. Malawak din ang pang-unawa ni Eliz kaya naman napapayuhan n’ya ng maayos ang dalaga.
Tuwang tuwa rin ang mag-asawa sa anak ni Celine na si Gael, lalo na tuwing na sa kanila ito. Magiliw at bibo ang batang si Gael. Nakikita rin kasi ng mag-asawa kay Gael si Zeki noong bata pa ito at kung gaano nito kamahal ang kanyang mommy. Magalang din kasi ito at sobrang hyper, itinuring din nila itong tunay na apo. Kaya masayang masaya ang mag-asawa tuwing makikita ang makulit na si Gael. Tumatak din sa batang si Gael na sina Arvin at Eliz ang kanyang na lolo at lola, dahil sa pagmamahal na binibigay nila sa bata.
Hinila kaagad ni Gael si Zeki sa dining area upang ituro kung saan ito mauupo. Tanghalian na rin kasi at nakahanda na ang lamesang kanilang kakainan. Ito rin ang unag beses nila magkasabay sabay kumain matapos ng pagpro-propose ni Zeki sa kasintahan. Nagkamustahan ang magkabalae at nagkwentuhan ng kaunti.
Hindi ito ang unang beses na nagkrus ang landas ng mga magulang nina Zeki at Celine. Nagkakasama rin sila tuwing kaarawan ni Celine at Gael. Noong una ay naiilang tawaging pare at mare nina Arvin at Eliz ang mga magulang ni Celine. Malayo kasi ang edad nila sa magulang ni Celine, ngunit kinalaunan ay nasanay na rin sila sa mga ito.
Sinimulan na ring pag-usapan ang mga magaganap sa kasal ng magkasintahan.
“Celine, saan n’yo ba balak ikasal? Sa simbahan ba, beach garden? At saang lugar, para naman mapaghandaan na natin ang location,” tanong ni Arvin sa kasintahan ng kanyang anak.
“Dad, balak po naming ikasal sa simbahan sa bayan, para po both sides makakapunta at convenient sa lahat. Then sa isang events place sa bayan na lang din po ang reception, para less hassle. Marami naman pong magagandang events place malapit sa simbahan. Para after sa church walking distance lang reception na. Mahirap pa kasi kung magkalayo pa ang church sa reception,” sagot ni Celine.
“Good, maganda rin ang naisip n’yo. Mga ilang bisita ba ang balak n’yong imbitahin? Nakadipende rin kasi sa bilang ng bisita ang pagkuha ng lugar ng reception,” muling tanong ng dad ni Zeki.
“Wala pa po kaming estimated number dad, ang gusto po sana namin ay simple lang. Malalapit na kaibigan at mahahalagang kamag-anak lang po sana ang iimbitahin, hindi rin po ganoon kahaba ang entourage. Napag-usapan na po kasi naming ni Celine na i-maximize ang mga dadalo sa kasal. ‘Yung alam naming importanteng mga tao sa buhay namin at sure na makakapunta,” dagdag ni Zeki.
“Tama ‘yan, ‘wag ng engrande at maraming bisita. Hindi naman na uso ang magarang kasalan ngayon, praktikal lang dapat. Sigurado naman akong kukuha ka Zeki nang maayos na event coordinator para sa lahat. Nakakadala na rin kasi noong kasal nila ni Lanz, ang daming gastos! Lahat inimbitahan tapos nag-backout big…la…” napahinto ang papa ni Celine sa pagsasalita.
“Pa!” saway ng mama ni Celine.
Nagkatinginan si Zeki at Celine. Ramdam ng binata na apektado talaga ang papa ng dalaga sa nakaraan ng kanyang anak. Sino ba namang magulang ang hindi makakalimot sa dinanas ni Celine. Nag-iisang anak lang din kasi si Celine kaya ganito ka alaga ang mag-asawa sa dalaga.
Binalot ng katahimikan ang buong lamesa. Nagpapakiramdaman ang lahat kung sino ang unang babasak sa katahimikan.
Kahit si Viel na ubod ng daldal ay nakaramdam ng tensyon matapos magsalita ng papa ng kanyang ate Celine.
“Lanz?” tanong ni Gael. “Sinong Lanz?”
Agad na binuhat ni Viel si Gael at pinunasan ang bibig nito, “Done na si tata kumain, tara mag-play na tayo, tara sa room n’yo ni mama,” nagmamadaling aya ni Viel. Sumama naman kaagad si Gael sa kanyang tata Viel.
Hindi naman ito sinasadya ng papa ni Celine, nadala lang siguro ito sa pagiging komportable sa mga magulang ni Zeki. Malayo man ang kanilang edad at parang anak lang nila ang kanilang magiging balae ay malaki pa rin ang nabuong rispeto nila sa mga magulang ni Zeki. Nakaramdam ng hiya ang papa ni Celine.
“Oo, balae, mas okay nang simple. Ang mahalaga ay ang pagkatapos ng kasal, naranasan na rin nating ikasal kaya dapat lang naalalayan natin sina Celine. Lalo na sa gastos.” Si Arvin na ang nagkusang magsalita upang mawala ang ilangan dahil sa nabanggit ng papa ni Celine.
“Tama, at saka ang mahalaga ay ang desisyon nina Celine, sila naman ang masusunod. Kasal nila ‘to, wala akong pagtutlo sa kung ano ang gusto ni Celine,” sagot naman ni Eliz.
Sumangayon naman ang lahat sa sinabi ng mag-asawa. Patay malisya na lang ang ginawa nina Arvin at Eliz. Hindi naman sumama ang loob ng mag-asawa, alam nilang ang gusto lang sabihin ng papa ni Celine ay patungkol sa gastos. Inisip na lang din ng mag-asawa na ito ay nangyari na sa nakaraan. Wala ng dapat ikabahala at tiwala sila sa magkasintahan.
“Siya nga pala, pare, ‘di ba kilala mo si Doc. Galvez…” Iniba na lang ni Arvin ang kanilang usapan upang magging palagay ang mga magulang ni Celine at mawala ang kaninag namuong tensyon sa kanila. Nagpatuloy na sa pag-uusap ang kanilang mga magulang sa mga pupwedeng imbitahin at makukuhang ninong at ninang. Upang magkaroon din ng ideya ang magkasintahan kung sino sino ang pupwedeng kunin bilang kanilang panglawang magulang sa kasal.
Napangiti si Celine sa kasintahan, “Lab lab,” mahinang sabi nito kay Zeki.
“Okay lang lab lab. Ayaw lang maulit ni papa ang nangyari noon, at mas okay na ‘yon at least alam kong hindi isang barangay ang iimbitahin nina papa at mama. Less gastos,” pabirong sabi ni Zeki.
Nakatitig lang sa kanya ang kasintahang si Celine. Seryoso itong nakatingin kay Zeki, naramdaman ni Zeki na nababahala ang kanyang kasintahan sa nararamdaman n’ya dahil sa mga nasambit ng kanyang papa.
Ngumiti si Zeki kay Celine. “ ‘Wag kang mag-alala lab lab, hinding hindi kita iiwan sa altar pangako. At saka nakaraan na ‘yon ang mahalaga ay ‘yung ngayon,” sabi ni Zeki at hinalikan sa noo ang kasintahan. Napanatag ang kalooban ni Celine dahil sa mga sinabi ng kasintahan.
Samantala, sa kwarto nina Celine, naglalaro ng mga robot sina Gael at Viel. Naksalampak ang dalawa sa sahig, at pasyahang naglalaro ng mga robot.
“Tata?” tawag ni Gael.
“Yes,” sagot ni Viel.
“Tata, sino po ‘yung Lanz?” tanong ni Gael. Napalunok si Viel sa tinanong kanya ni Gael.
Alam ni Viel ang kwento ni Celine, hindi naman itinago ng dalaga sa pamilya ni Zeki ang kanyang nakaraan. Mula sa pagbubuntis nito hanggang sa pag-iwan ni Lanz kay Celine sa altar. Ngunit sa pagkakataong ito hindi alam ni Viel ang isasagot sa bata. Wala ito sa pusisyon upang magsalita patungkol sa sensitibong bagay na ito.
Nakatitig lang ang bata sa kanyang tata Viel, naghihintay ng isasagot nito. Ayaw namang magsinungaling ni Viel kay Gael.
“Nako paano ba ‘to?” sabi ni Viel. “Ano, si Lanz ‘yung, ano, ‘yung ano mo. Paano ba.” Tumayo ito at naglakad paro’t parito. Sinusundan lang ng tingin ni Gael ang kanyang tata Viel.
“Tata, nahihilo na po ako, umupo ka na lang po,” sabi ni Gael.
Hindi makali si Viel, kilala nito si Gael, hanggat hindi s’ya nakakapagbigay ng sagot sa kanyang tanong ay maya’t maya n’ya itong tatanungin. Inaalala pa ni Viel ang nagyari kanina, ayaw na nitong dumagdag pa sa iisipin ng kanyang kuya kung sakaling itanong sa kanila ni Gael kung sino nga ba si Lanz.
‘Viel, isip! Isap! Paano mo sasagutin ‘to! Lord give me strength to say the right words,’ sabi ni Viel sa kanyang sarili.
“Tata s’ya ba ‘to?” May ipinakitang picture si Gael, hindi napansin ni Viel na hinalughog nito ang isang drawer sa lalim ng kanyang iniisip. Napansin na lang ni Viel na bukas at nakakalat ang drawer na malapit sa kama.
“Hala! Saan mo ‘to nakuha, lagot tayo kay mama,” sabi ni Viel.
Hindi ito pinansin ni Gael, nakaturo pa rin ito sa litrato at seryosong nakatingin kay Viel.
Minsan ng naikwento ni Celine kay Viel sa Lanz, at dahil sa curiosity ay hinanap ni Viel ang Lanz na ‘yon. Nahirapang hanapin ito ni Viel hanggang isang araw ay nakita nito ang lumang f*******: ni Lanz at nakita ang itsura nito.
Nababagabag si Viel kung anong isasagot kay Gael. Ngunit kailangan niya itong sagutin ng totoo, tulad nag pagpapalaki sa kanila ng kaniyang magulang.
“Gael, ano bang sabi ni mama mo. Sino ba s’ya?” balik na tanong ni Viel.
Natahimik si Gael, tinitigan ang picture na kanyang hawak. “Sabi ni mama s’ya raw ang papa ko,” diretchong sagot ni Gael.
Sumikip ang dibdib ni Viel, ngunit kaylangan n’yang dahan dahanin ang pakikipag-uasp kay Gael. Upang hindi maguluhan kung ano man ang kanyang pagkakaalam sa lalaking ‘yon.
“Ah, oo, s’ya si Lanz ang papa mo,” sagot ni Viel.
“Na saan na kaya s’ya? S’ya ‘yung sinabi ni wowo kanina ‘di ba tata?” sunod-sunod na tanong nito.
Lalong nanikip ang dibdib ni Viel, pinagpawisan din ito bigla.
‘Bakit ang talino mong bata ka, hay nako. Paano ba ‘to. Kalma Viel Eilish, kalma,’ sabi muli ni Viel sa sarili.
Nilapitan nito si Gael at inakbayan. “Hindi ko rin kasi alam kung na saan s’ya, at oo, s’ya ‘yung binanggit ni wowo kanina. Pero matagal na kasi ‘yon,” sagot ni Viel.
“Tata, si dada po ba dalawa rin ang papa?” sunod na tanong ni Gael.
Nagulantang si Viel sa sunod na tanong ni Gael, hindi nito inaasahan ang tanong na ito. Napalunok ng laway si Viel, mas pinagpawisan at nanglamig na ito.
“O… Oo, dalawa rin ang papa ng dada Zeki mo. Si dad at ‘yung daddy n’ya,” kabadong sagot ni Viel.
“Ang galing pareho pala talaga kami ni dada, dalawa ang papa,” sabi ni Gael.
Biglang tumunog ang robot na regalo ni lolo Arvin kaya nagitla ang dalawa.
“Ay! Ang galing tumutunog pala si ironman!” Agad na kinuha ni Gael ang robot at pinagpipindot ang nakita nitong switch. Naaliw na ang bata at naglaro na muli sila ni Viel.
Nakahinga nang maluwag si Viel, akala nito ay lalalim pa ang kanilang usapan, buti na lang at mabilis pang mapukaw ang atensyon ni Gael sa mga bagay sa kanyang paligid.
Nalilibang na si Gael sa kanyang paglalaro, niligpit na ni Viel ang mga gamit na ikinalat ni Gael. Napansin nito na puro gamit ito ni Gael noong babby pa ito. Mula isang pirasong lampin, baru-baruan at kung ano-ano pa. May isang album din itong nakita. Binuksan n’ya ito at tinignan, mga litrato ito ng pagbubuntis ni Celine, mula noong second month nito hanggang sa manganak. Unang picture ni Gael at mga milestone nito, naaliw si Viel sa pagtingin sa mga litrato. ‘Di nito napansing kalapit na n’ya ang kanyang alaga at nakatitig din sa mga litratong kanyang tinitignan.
“Tata, ako ‘yan! Si Gael Night!” Nagulat nahagya si Viel.
“Oo, ang pogi pogi talaga ng Gael namin,” sagot ni Viel.
“Meron pa tata, ito pogi rin ako dito.” May litrato pa itong kinukuha sa kailaliman ng drawer. “Ito!” Nahugot na ni Gael ang kanyang kinukuha.
Pagtingin ni Viel, napaluha ito sa kanyang nakita. Niyakap n’ya ito ng mahigpit na mahigpit.
“Gael, pangako ni tata, mamahalin kita ng sobra sobra at proprotektahan. Promise,” umiiyak na sabi ni Viel.
“Tata bakit ka po umiiyak tata?” tanong ng musmus na bata.
“Wala napuwing lang si tata.” Pinunasan kaagad nito ang kanyang mga luha. Kumalas na rin ito sa pagkakayakap kay Gael. Hinawakan ni Viel si Gael sa dalawa nitong balikat. “Gael, i-promise mo kay tata na i-love mo si mama at dada mo ha. Kahit anong mangyari, kasi alam mo.” Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ni Viel, pilit nitong pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata. “Love na love ka ni dada mo, sobra sobra. Pati syempre ni mama. Kaya i-promise mo sa akin ha,” umiiyak na sabi ni Viel.
Umiyak na rin si Gael. “Opo tata, magpapakabait po ako, at at sa…saka i-love lagi si mama at da…dada,” umiiyak na sagot ng musmus na batang si Gael.