Chapter 10

2875 Words
"Girl! Ayon si ateng inaway mo kanina!" Turo ni Cheska kay Celine. Lumingon ka agad ang dalaga. "Wait lang kakausapin ko lang si ate," paalam ni Celine kayna JR at Cheska. Agad na pinuntahan ni Celine ang babae at humingi ng paumanhin. "Ate," tawag ng dalaga sa babae. "Pasensya ka na talaga kanina, sorry kung napagtaasan kita ng boses at inirap-irapan," sabi ng dalaga. Nagulat ang babae sa mga sinabi ni Celine. "Ay wala po 'yon ma'am, congrats po ma'am. Napakaswerte n'yo po kay sir sobra. At pasensya na rin po kanina kung nakulitan na po kayo ng sobra sa akin. Binalaan naman na rin po ako ni sir tungkol sa pwedeng mangyari, inihanda ko na po ang sarili ko. 'Di ko lang po talaga inaasahang gano'n po katindi ang magiging reaksyon n'yo. At saka naintindihan ko naman po kung bakit gano'n kayo kanina. Kaylangan lang po talagang panindigan ang pag-aalok ng ice cream sa inyo para mangyari ang plano ni sir Zeki na proposal," sabi ni ateng tindera ng ice cream. "Salamat ate at sorry na rin talaga kanina nakakahiya, hindi dapat kita trinato ng gano'n," ulit na sabi ni Celine. Hinawakan ng dalaga ang kamay ni ate. "Ayan mama lagot ka! Kawawa si ate kanina, muntik mo na s'yang mapaiyak," singit ni Gael. Bigla na lang itong sumulpot sa gitna ng dalawa. Kasunod din nito si Zeki. "Sir ma'am congrats po," muling bati ni ateng nagtitinda ng ice cream. "Salamat, kumain ka pa do'n maraming pagkain. Para naman makabawi ako sa ginawa ng lab lab ko sa 'yo kanina," pabirong sabi ni Zeki. "Lab lab naman," sabi ni Celine na hiyang hiya. Nagtawanan silang tatlo sa naging reaksyon ni Celine. Nagpaalam si ateng nagtitinda ng ice cream upang kumuha ng makakain at makabalik na ito sa kanyang pwesto. Ang mga guards at ang mismong Officer in Charge ng mall ay din nando'n upang makisalo sa maliit na selebrasyong inihanda nina Zeki. Masaya ang lahat sa matagumpay na proposal ng binata. Hindi man engrande ang pagpro-propose ni Zeki, alam ng lahat na magiging masaya ang dalawa sa panibagong yugto na kanilang papasukin. Sobrang galak din ng mga kasama ni Zeki sa studio, sila kasama si Viel at Cheska ang nag-isip kung paano tatakbo ang proposal na gagawin ng binata. Sayang lang at may mga kaylangang tapusin si Viel sa iskwelahan kaya 'di nito nakita ang proposal ng kanyang kuya. S'ya kasi ang punong abala ng surprise proposal na ito. "Ano lab lab, happy?" tanong ni Zeki sa kanyang kasintahang si Celine. "Oo lab lab, super happy," muli nitong tinignan ang kanyang singsing, kasabay nito ang pagkislap ng kanyang mga mata habang pinagmamasdam ang kanyang kamay. "Ang saya saya ko ngayon," niyakap ni Celine ang kanyang kasintahan. "Ako rin, ako rin happing happy! Kasi natapos ko na ang secret mission ko," pagmamayabang na sabi ni Gael sa kanyang mama Celine. Nagtaka si Celine sa binanggit ng kanyang anak. "Secret mission?" tanong nito. "Opo mommy, binigyan ako ni dada ng secret mission. Ang tawag ko do'n ay, project sukat daliri ni mama Celine," pagmamalaking sabi ni Gael. Natawa bigla si Celine sa narinig sa kanyang anak. At may bigla itong naalalang ginawa ni Gael sa kanya noong nakaraang mga bwan. "Kaya pala pilit mong pinapasukat sa akin 'yung screw knot! Nagtataka ako sa lahat ng pagtritripan mo 'yon pa!" Napangiti si Gael. "Opo mama, at saka no'ng naglaro tayo ng clay, pati po 'yung pinapalusot ko po 'yung daliri n'yo sa butas ng tarpaulin at pati po 'yong butas sa gate! At saka po noong binabakat ko po 'yung kamay n'yo sa papel," sabi ni Gael. "Ikaw bata ka, teka bakit iba ibang daliri pa ang pinapasuot mo?" Umupo ito upang maging kapantay ni Gael. "'Di ba sinabi ni dada kung anong daliri ang nilalagyan ng singsing?" tanong ni Celine. "Sinabi po, kaso 'di ko matandaan kung alin dito 'yung tinuro ni dada. Dito, dito, o dito," itinaas nito ang kanyang kamay at itinuro ang palasingsingan, gitna at hintuturong daliri. "Kaya po lahat na lang sila pinapalusot ko sa butas. Tapos nalilito rin ako kung left o right kaya lahat na lang sila," Tumingin ang makulit na bata kay Zeki. "Si dada po kasi, 'di alam ang gagawin kaya ako na lang po ang nag-isip para matapos ko lang po ang secret mission ko," dagdag pa nito. "Sorry na kuya Gael, e kasi po 'di ko rin alam kung paano makukuha ang sukat ng daliri ni mama mo ng 'di n'ya nahahalata. Ikaw lang din ang perfect agent para sa mission na 'to," panguuto ni Zeki. Tumayo si Celine at inilagay ang kanyang mga kamay sa bweng. "At talagang magkasabwat pa talaga kayong dalawa! Kayo talaga! Alam mo bang 'yang anak mo kung saan saan pa pinapalusot ang daliri ko. Basta may makitang bilog at butas! Kung tinanong n'yo na lang ako kung anong sukat ng daliri ko. E 'di sana 'di kayo nahirapan," sermon ni Celine sa dalawa. "Girl! Mawawala ang sense of surprise kung itatanong lang nila sa 'yo ang ring size mo," pagsingit ni Cheska sa usapan ng tatlo. "At todo effort pa naman ang darling Gael ko para sa secret misson n'ya!" papuri ni Cheska kay Gael. "Kasi naman girl, napakaliit n'yang mga daliri mo! Kahit ako mahihirapan sumukat n'yan!" kantyaw pa ni Cheska. "Ako kasi ang sumama kay Zeki para mamili ng singsing para sa engagement n'yo, alam mo bang akala ng alahere ay pambata ang bibilhin naman sa liit n'yang daliri mo! Buti na lang at it fits perfectly! Ang galing ko talaga mamili," dagdag pa ni Cheska. Kinuha nito ang kamay ni Celine upang pagmasdan kung gaano kaganda ang engagement ring nito. "Anong gagawin ko, wala ng ilalaki 'tong mga daliri ko," sagot ni Celine. Ipinakita pa nito ang kanyang mga daliri at binanat ng binanat. "Pero, kung 'di dahil kay secret agent na si Gael Night." Kinarga ni Zeki si Gael. "Walang singsing si mama, kaya good job secret agent!" Sumaludo pa ito kay Gael. "Thank you sir!" sagot ni Gael na gamit ang pinalaki n'yang boses. "I'm ready sir for my next mission sir!" Sumaludo rin ito kay Zeki. "Ang next mission mo ay," nag-isip si Zeki. "I-hug si dada at i-kiss ng sobrang dami!" Sisimulan na dapat ni Zeking harutin si Gael ngunit pilit itong umiiwas. "Dada! Big boy na ko! 'Wag na kiss, hug na lang," sabi nito. At yumakap ito ng mahigpit sa binata. Natapos na ang maliit na salo-salo. Hapon na at nagpasya ng umuwi si Zeki kasama ang mag-ina. Masaya ang lahat sa naganap na engagement ng dalawa lalo na ang mga kaibigan ng magkasintahan. Nag-drive na si Zeki pauwi, kalapit nito si Celine at na sa likod si Gael. Maya maya pa ay nakatulog na ang makulit na bata sa likuran. Nahayo ito sa kakatakbo at pagpapabibo sa studio maghapon. "Lab lab, hanggang ngayon 'di pa rin ako makapaniwalang engage na tayo," ngiting ngiting sabi ni Celine. Titig na titig din ito sa kanyang singsing. "Ako rin lab lab, worth it lahat ng hirap at pagpaplano namin." Hinawakan nito ang kamay ng kasintahan at hinalikan. "Hindi rin ako makapaniwala na sumagot ka ng oo," dagdag ni Zeki. "Huh? Bakit naman ako tatanggi sa proposal mo?" Humarap ito kay Zeki. "Ikaw lang din ang gusto kong makasama, medyo nag-aalala lang ako sa maging reaksyon nina mama mamaya pagnalaman nilang engage na ako. At saka paano pagkasal na tayo? Saan tayo titira? Sa inyo o sa amin? Paano si Gael? Wala pa tayong pundar na bahay? Tapos," "Hep, preno ka muna lab lab sa pagiging armalite mo. Pagkakasal, saka na natin problemahin 'yon! One at the time, bahala na si Batman after ng kasal," sagot ni Zeki. "Ezikiel dela Cruz!" bulyaw ni Celine. "Alam mong hindi uubra sa akin 'yang mga ganyang sagot!" Bumusangot na ang dalaga at binigyan ng matinding irap si Zeki. Ngumiti lang si Zeki sa kanyang kasintahan, "Malapit na tayo umuwi, chill ka lang. 'Di naman tayo kaagad magpapakasal. Engage pa lang tayo, ikaw talaga lab lab. Nagmamadali ka masyado," mapangasar na sabi ni Zeki. "Hindi ako nakikipagbiruan Ezikiel," seryosong sabi ni Celine. Sumandal muli ito sa kanyang kinauupuan. Nakapamewang na ito at masama na ang loob, natatawa ang binata sa kasintahan dahil alam nitong napipikon na si Celine sa kanyang mga pabalang na pagsagot. Isa sa ugali ni Celine ang pagiging mitikulosa. Ayaw na ayaw nitong bahala na ang isasagot sa kanya. Para bang hindi pinag-isipan ang lahat. Dahil na rin siguro ito sa pagdating ni Gael sa kanyang buhay, ayaw nito walang back-up plan. Dapat may naka-ready na plano at sulusyon sa lahat. Pagtingin ni Celine sa kanilang dinaanan ay nagtataka ito. Parang hindi ito papunta sa kanilang bahay at hindi rin ito papunta kayna Zeki. "Lab lab?" 'yon pa lang ang nasasabi ni Celine ay inihinto na ni Zeki ang sasakyan. Hapon na ng nakarating ang magkasintahan sa tapat ng isa bahay. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim, tanaw din ang sunset sa tapat ng bahay na kanilang hinintuan. Inaya ni Zeki na bumaba ang kasintahan sa sasakyan. "Zeki, a...ano 'to?" tanong ni Celine. "Ah, ito? Makiki-c.r. lang sana ako, itatanong ko rin sana kung mag-c.r. ka rin para isang tanungan na lang," sagot ni Zeki. "Naman e!" At pinalo pa nito ang kasintahan. Pikon na pikon na talaga si Celine kay Zeki. Tumatamasa na ng matatalim na irap ang binata kay Celine mula pa kanina, ngunit hindi pa rin ito humihinto sa pang-aalaska sa kasintahan. Lalo pa itong napipikon dahil pinagtatawanan pa s'ya ni Zeki at pabalang na sumasagot sa kanyang mga tinatanong. "Oo nga! Naiihi na kasi ako. Tapos nagkamali pa ako ng pinasukang daan kanina kaya nandito tayo ngayon. Hindi mo naman sa akin sinabi na mali na pala 'yung dinadaanan natin," paliwanag ni Zeki. "Ang tagal tagal mo ng pumupunta sa amin, naliligaw ka pa!" Pinaghahahampas na ng dalaga sa gigil ang kanyang kasintahan. "Hindi ako naiihi! Sige na umihi ka na d'yan, tsss," sigaw ni Celine. Nagmarcha na papasok ng kotse ang galit na galit na kasintahan ni Zeki. Ngunit pinigilan n'ya ito. "Ito, pikon ka agad." Hinawakan ni Zeki ang kamay ng kasintahan. "Samahan mo ko," "Ano! Para umihi? Ang tanda mo na Zeki! Nako Ezikiel, Ezikiel!" mataray na sabi ni Celine. Nang gigil pa ito sa inis at gustong kurutin si Zeki sa kanyang mga pisngi sa sobrang pagkapikon "Nako, umiral na naman 'yang pagkamataray mo. Ang sungit mo naman! Sumama ka na lang please," sabi ni Zeki na may paawa effect pa. Wala ng nagawa si Celine, huminga na lang ito ng malalim at sumama na lang ito kay Zeki kahit masang masama na ang kanyang loob. Huminto ang dalawa 'di kalayuan sa pinarahan ni Zeki ng sasakyan. Na sa tapat na ng bahay ang dalawa. "Boss," bati ng isang trabahador na lumabas sa bahay. "Kakatapos lang naming magpintura, kaya 'wag muna kayong pumasok sa loob pero last coating na po 'yon. Bukas ay parating na ang mga materyales pang kusina, mga tiles at mga gamit. Kunting kunti na lang boss patapos na ang bahay, pinapasabi nga pala ng ninong n'yo congrats," sabi ng lalake kay Zeki. Napatingin ang dalaga sa kasintahan. "Boss, salamat magpahinga na kayo. Bukas ulit," sabi ni Zeki sa kausap. "Sige po boss, ma'am congrats po sa inyong dalawa." At umalis na ang trabahador. Napatulala na lang si Celine sa kanyang mga narinig. "Zeki?" sabi ni Celine. Tumingin ang binata sa kasintahan. "Anong patapos na ang bahay?" tanong ng dalaga. "Itong bahay natin, patapos na. 'Di man ito katulad ng dream house natin, pero sapat na 'to para makapagsimula na tayo ng sarili nating pamilya. Unti-unti muna, ang mahalaga nakakapag-pundar na tayo ng sarili natin. Tapos pagnabili natin 'tong kalapit na lote mas papagandahin natin ang ating bahay." Umakbay ito kay Celine. "'Di ko akalaing patapos na 'to kaagad. Parang kakapunta lang namin ni dad dito," dagdag ni Zeki. "Pero paano?" tanong ni Celine. Wala kasing naikwekwento sa kanya si Zeki tungkol dito. Maliit lang ang pinatayong bahay ng binata, bungalow style pero sapat lang ang laki para sa kanilang tatlo. Malayo sa ingay ng kalsada, maganda ang paligid maaliwalas at 'di rin naman kalayuan sa bahay nina Celine. "Ito ang engagement s***h wedding gift sa atin ni dad," sagot ni Zeki. "Si dad? Si dad ang nagregalo sa 'tin nito?" sunod na tanong ng dalaga. "Yap, itong lote at bahay, minana 'to ni dad kayna lolo at lola. Dapat daw ay dito n'ya kami ititira no'n ni mommy kaya lang mas gusto ni dad na 'wag akong mapalayo kayna lolo at lola. At pinangoko ni dad na pagnag-asawa na ang panganay n'yang anak ay ibibigay n'ya ang bahay na 'to. At para 'di maluma at masayang ginawa muna nilang paupahan. Kaya nang nagsabi akong gusto na kitang pakasalan, agad sa aking sinabi ni dad ang kanyang regalo. Nang pinuntahan namin 'to, konting renovate na lang ang kaylangan, kaya agad na akong nagplano na ipaayos 'tong bahay. Hindi ko rin talaga alam na ito ang plano ni dad, kaya sobrang thankful ako sa kanya. Inaayos na rin n'ya ang paglilgpat ng titulo sa pangalan ko," kwento ni Zeki. Maluha luha si Celine ng marinig ang mga sinasabi ni Zeki. "Bakit 'di mo sakin sinabi, sana magkatuwang tayo sa gastos sa pagpapaayos ng bahay," umiiyak nitong sabi. "E, bakit ka umiiyak, alam mo umulan ng swerte ng plinano kong mag-propose sa 'yo, maraming raket at events na dumadating sa studio. Malakas na rin ang butika namin. Gusto kong gawin 'to para pagharap ko kayna papa at mama, kampante sila na makakapag-umpisa tayo ng maayos. Bilang lalake dapat lang na paghandaan ko 'to. Alam ko kasing 'yan ang unang maiisip mo, ang future natin kaya ito ang una kong pinaghandaan. Pero kung ang tinanong mo kung saang simbahan, wedding coordinator nako po ngiti lang ang isasagot ko sa 'yo," sagot ni Zeki. Nakatitig lang ang dalaga sa kanyang kasintahan. Nagpatuloy sa pagsasalita si Zeki. "'Wag kang mag-alala kayang kaya ko 'to naka-budget ang lahat. Malaki ang discount ko sa materyales dahil ninong ko sa binyag ang kinukuhanan ko. Pati nga tao s'ya na ang nagbayad, pambawi raw sa mga paskong 'di n'ya ako napapapaskuhan mula bata. Kaya no worries, may tinabi na rin ako para sa kasal natin." Lumapit si Zeki sa kasintahan at pinisil bahagya ang dalawang pisngi. 'Di makapaniwala ang dalaga sa kanyang nakikita. Tinitigan nito sa bahay na pinapatayo ng binata. "Celine, hindi ako pinakamayang lalakeng nakilala mo. Hindi rin ako ang pinakagwapong tao at pinakamatalino sa buong mundo, pero pangako gagawin ko ang lahat ng makapagpapasaya sa inyo ni Gael. Wala akong ibang hangad kung 'di maging masaya kayong dalawa. Mahal na mahal kita Celine Santo Domingo." Lumuhod si Zeki sa harapan ni Celine. At may nilabas ng munting kahon. Pagbukas nito nakita ni Celine ang screw knot na pinagsukatan ni Gael ng kanyang daliri. Pinagawang singsing ni Zeki ang screw knot na nilagyan ng maliit na diamond upang magmukhang singsing. "Ito 'yong," hindi makapagsalita ng maayos ang dalaga. Tinatamaan ng sinag ng palubog na araw ang maliit na batong nakakabit dito. Lalong naluha ang dalaga ng tumingin ito sa kanyang kasintahan. Tumayo si Zeki mula sa kanyang pagkakaluhod. "Alam kong 'di ka mahilig sa materyal na bagay. Ikaw 'yung tipo ng babaeng ma-sentimental value. Kaya ito, pinagawa ko talaga tong singsing na 'to kasi alam kong itong singsing na ito ang makapagpapaligaya sayo ng sobra-sobra. Alam kong 'di mo ito maisusuot palagi, pero ito ang makakapagpaalala sa 'yo ng mahalagang araw na 'to."  Tinanggal ni Zeki ang suot na singsing ng kasintahan at ipinalit ang pinagawa n'yang singsing. "Zeki," 'yon na lang ang nasabi ng dalaga. Sobrang nagagalak ang kanyang puso sa lahat ng binigay ni Zeki ng araw na ito. Lalong lalo na sa singsing na pinasadya ng binata para sa kanya. "Alam kong malaki ang hirap ni Gael makuha lang ang sukat ng daliri mo. Kaya ito, ayaw ko namang masayang ang pinaghirapan n'ya basta basta," sabi ni Zeki. Niyapos ng dalaga ang kasintahan. Sobrang saya nito at wala ng mahihiling pa. "Bakit 'di po ako kasama sa hug?" pupungas pungas na sabi ni Gael, nagkukusot pa ito ng kanyang mata. Nagising pala ito at bumaba ng sasakyan. "Halika rito kuya," sabi ni Zeki at kinarga ang inaantok na bata. "Tignan mo, 'yan ang tinatawag na sunset," Nanlaki ang mga mata ni Gael, iniharap kasi s'ya ni Zeki sa palubog na araw. "Wow! Ang ganda dada," manghang manghang sabi ni Gael. Unang beses nitong makakita ng paglubog ng araw. "Ang ganda 'di ba?" sabi ni Celine. Itinuro ni Celine ang mga ulap na nakapaligit. Upang dito tumingin si Gael at 'di tumitig direkta sa araw. Naghahalo ang kulay dilaw at ubeng kulay ng langit. Napansin ng bata ang singsing na suot ng kanyang mama. "Mama!" tuwang tuwang sabi nito. "Ito 'yung ginamit kong pang sukat ng daliri mo! 'Yung screw knot! Ang galing naging singsing!" "Oo kuya, kasi malaking parte ka ng plano ni dada kaya 'di ko sasayangin lahat ng nagin effort mo," sabi nito kay Gael. "Ang saya saya ko dada, kasi ikaw ang makakasama namin ni mama," masayang sabi ni Gael habang pinapanuod paglubog ng araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD