002

2094 Words
Kabanata 2 K I A R A Ito na nga ba ang kinakatakot ko, eh. Sinasabi ko na nga ba. Ang sabi ko hindi ko na muna iisipin ang kagagahang nagawa ko kagabi pero paano ko ba maisasantabi ang mga pinaggagawa ko kagabi kung nasa harapan ko ngayon ang lalaking pinagbigyan ko ng sarili ko. Gusto kong murahin ng paulit-ulit ang sarili ko at saktan. Sobra akong naiinis sa sarili ko sa mga oras na iyon. Bakit ba hindi ko ginamit ang isip ko kagabi? Minsan na nga lang lumandi tinodo pa talaga. Ang tanga lang. Hindi ko alam kung saan lupalop lumipad ang utak ko kagabi at hindi ko iyon nagamit ng maayos. Anong gagawin mo ngayon? Studyente mo pa pala ang nakauna sa’yo? Ano na, Kiara? Anong gagawin mo? Malandi ka, di ba? Lusutan mo ‘yang kalandian mo ngayon. Nababaliw na yata ako at pati ang sarili kong isip ay naririnig ko ng pinagagalitan ako. Bumuntong hininga muna ako upang pakalmahin ang sarili bago muling nagtaas ng tingin sa lalaking nasa harap na ngayon ng lamesa ko. Kanina pa siya naka-move-on sa pagkagulat at ang laki na ng ngisi ngayon na para bang tuwang-tuwa sa nangyayari. Mas lalong uminit ang dugo ko sa klase ng tingin na binibigay niya sa akin na tila ba pinagkakatuwaan niya ako. Hindi ko maintindihan kung para saan ang ngisi niyang ito kung hindi niya ako pinagtatawanan. Ibinalik ko ang ekspresyon ko sa madalas na kalmado nitong ayos. Tinapunan ko siya ng malamig na tingin bago tuluyang nahanap ang lakas ng loob upang magsalita. “What’s your last name at bakit ngayon ka lang?” tanong ko sabay balik ng tingin sa listahan ko ng mga estudyante, kunwa’y hinahanap ang pangalan niya kahit na alam ko naman na talaga kung sino siya. Ilang segundo siyang hindi umimik kaya muli kong inangat ang tingin ko sa kanya. Nagtaas ako ng kilay nang maabutan ko ang mas malawak niyang ngisi. “Hindi mo ba ako narinig? I said, what’s your last name and why are you late?” Nakakuha ako ng lakas ng loob sa pinapakita niyang kayabangan. Iyng tindig, tingin at ngiti niya pa lang na ‘yan ay hindi na maganda ang dating sa akin. Parang nang-iinsulto na hindi ko maintindihan. Pwes! Hinding-hindi ko ipapakita sa kanya na apektado ako ng ginagawa niya. Alam na alam ko kung ano ang ginagawa niya. Pinapaalala niya sa akin na siya ang lalaking nakauna sa akin at baka ikinalaki pa iyon ng ulo niya. Kung ganoon ipapakita ko din sa kanya na hindi ko na siya matandaan o ang mga ginawa namin kagabi. “Zion Almodovar. I apologize, Miss. I just slept so well that it took me a while to wake up,” aniya na agad kong sinagot. “Kasalanan ko pa ba iyon? This is your first day in my class, and you are already late! Unang araw pa lang ng klase at nagpapakilala ka na,” iritadong sabi ko sapat lang ang lakas ng boses upang marinig niya ako. Nawala sandali ang ngisi niya tila nagulat sa iritasyon ko. Ano bang akala sa akin ng isang ito? Palalampasin ko na lang ng ganon-ganon lang ang pagka-late niya sa first day of class ko? “Sorry talaga. I was so tired last night that I slept so well. Nakakangalay pala kapag sa sasakyan,”umangat muli ang gilid ng kanyang mga labi na tila ba nanunuya. Sa klase pa lang ng tingin niya at ng kanyang ngiti ay alam ko ng may kahulugan ang sinabi niyang iyon. “Pero ayos lang nag-enjoy naman ako,” dugtong niya pa. Kumuyom ang mga palad ko sa iritasyon. Gustong-gusto ko siyang sampalin dahil sa inis. Halata naman na gusto niyang ipaalala sa akin ang nangyari kagabi at parang gusto niya pang isisi doon ang pagkaka-late niya ngayon sa klase ko. “Ikaw ba, miss? Kumusta ang tulog mo? Nakatulog ka naman ba ng mahimbing kagabi?” Kinagat niya pa ang ibabang labi na tila nagpipigil ng malaking ngiti. Mas dumiin ang pagkakakuyom ng mga palad ko. Talagang nanandya ang isang ito. Inignora ko ang tanong niya at inilahad ang kamay. “Where’s your registration form?” May ngisi pa din niyang inilabas ang registration form at inabot sa akin. Nang tanggapin ko iyon ay naramdaman ko pa ang bahagyang paghaplos niya sa palad ko. Sobrang bilis lang noon kaya hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o talagang sinadya niyang haplosin ang palad ko. Mabilis kong pinirmahan ang registration form niya upang makaalis na siya sa harapan ko. “Thank you, Miss,” may kahulugan siyang ngumiti habang tinatanggap ang registration. Umigting ang panga ko at inignor na lamang siya muli. Tumalikod na siya sa akin para maupo pero muli nanamang bumaling na tila ba may nakalimutan. “Hey, just wanted to let you know that you look great in that outfit. Bagay sa’yo,” aniya sabay pasada ng tingin sa katawan ko. Nagtangis ang mga bagang ko sa iritasyon. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng kapal ng mukha upang kausapin ako ng ganito sa loob ng klase ko. Mabuti na lang at busy ang mga kaklase niya sa ibang bagay at hindi rin ganoon kalakas ang boses niya nang sabihin iyon. Kung makatingin siya sa katawan ko ay parang hinuhubaran niya ako. Napakabastos! Bakit ba kasi sa lahat ng lalaking makikilala ko kagabi ang isang mokong na ‘to pa ang nakilala ko. Tinalikuran na niya ako at naupo na sa bakanteng upuan sa likod. Iyon na lang ang nag-iisang bakante kaya wala siyang choice kundi ang maupo doon. Tumalikod ako upang humarap sa whiteboard. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon upang huminga ng malalim. Ramdam ko ang pagtaas ng dugo ko dahil sa lalaking iyon. Kung pwede ko lang siyang sampalin kanina ay ginawa ko na. Hindi ko gusto kung paano niya ako tingnan. Hindi ko alam kung nag-iilusyon lang ba ako pero pakiramdam ko bawat tingin na ibinibigay niya sa akin ay may kamanyakan. OA lang siguro ako pero hindi talaga ako komportable sa tingin na binibigay niya sa akin. Isinulat ko house rules ko sa whiteboard habang kinakalma pa din ang sarili. Hindi pa din humuhupa ang inis ko sa lalaking iyon. Hindi ko alam kung ano ba ang masamang nagawa ko at pinaparusahan ako ng ganito? Sa lahat ng lalaking pagbibigyan ko ng sarili ko, doon pa talaga sa magiging estudyante ko? Napakamalas naman! Isa lang ang ibig sabihin nito. Baka naman hindi talaga ako pwedeng maglandi. Baka naisumpa ako na hindi kailanman pwedeng lumandi. Nang natapos ako sa pagsusulat ng house rules ay huminga ako ng malalim at humarap sa klase. Agad na dumapo ang mga mata ko sa lalaking nasa likod na hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi. Kanina pa siyang mukhang manghang-mangha mula ng dumating siya. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ang isang ito o talagang nang-aasar lang siya. Effective naman dahil nakakayamot talaga ang ngiti niya. Nang magtama ang tingin namin ay naabutan ko pang lumandas ang dila niya sa kanyang mapulang labi. May imaheng bigla na lang nag-flash sa isipan ko. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Punyeta! Paano na ako magtuturo nito? Tumikhim ako at pilit inayos ang sarili kahit kung saan-saan na naglalakbay ang isipan. Ilang taon na akong nagtuturo pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba. Diniscuss ko ang mga ayaw ko sa klase at ang mga dapat nilang sundin habang nasa klase ko. Unang-una na sa listahan ang ‘no latecomer’ at ang madalas na ayaw ko sa klase tulad ng pagkukwentuhan habang nag-didiscuss ako sa harapan. “Ayaw mo pala ng maingay, miss?” may kahulugang sabat ng bwisit na si Almodovar. Tiningnan ko siya ng matalim dahil panigurado akong may ibig sabihin ang sinabi niya pero agad din akong nag-iwas ng tingin sa kanya ng maalala ang mga nangyari kagabi at kung paano napalakas ang halinghing ko habang hinahalikan niya ako. Dumiin ang hawak ko sa marker. Nangangati ang palad kong ibato iyon sa kanya pero pilit ko na lang na kinalma ang sarili. I hate this guy! Sobrang sisingsisi ako sa nangyari. Bakit ko ba naisipan na sumama sa kanya kagabi? Paano ako nakuha ng isang ito ay hindi ko maintindihan! Masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko kagabi na hindi na ako nakapag-isip ng tuwid. Ang tanga lang. Teacher ako pero hindi ko alam kung saan napunta ang utak ko kagabi. Dala ba iyon ng alak o sadyang malandi lang talaga ako? Kagabi ko lang natuklasan dahil wala naman talaga akong panahon lumandi noon. Mas lalo akong nairita sa sarili ko. Iningatan ko ang pangalan ko dahil gusto kong igalang ako ng mga estudyante ko pero paano na ngayon? Paano ako igagalang ng isang ito kung may nangyari sa amin at siya pa ang nakauna sa akin? Nagpatuloy ako at muling inignora ang pasaring ni Almodovar. Walang mangyayari kung magpapaapekto ako sa panunukso niya. Kailangan kong ipakita sa kanya na hindi ako apektado o na hindi ko nga manlang siya natatandaan. Pero paano ba kasi iyon? Kagabi lang iyon nangyari. Ang hirap hindi magpaapekto lalo na at fresh pa sa ala-ala ko lahat ng pinaggagawa namin sa sasakyan niya. Tiniis ko ang dalawang oras na klase sa kanila. Mahirap iyon lalo na at determinado yata talaga siyang sirain ang araw ko. Palagi siyang nakakakuha ng pagkakataon para sumabat sa akin at magpasaring. “Class dismissed,” sa wakas ay sambit ko, nakahinga na ng maluwag. Kanina pa ako tumitingin sa orasan habang nagpapaliwanag. Gustong-gusto ko ng matapos ang klase para makaiwas sa lalaking ito. Mabilis kong iniligpit ang mga gamit ko at pinaglalagay na lang basta sa aking bag. Wala na akong pakialam kung sabog-sabog ang mga gamit ko sa loob. Ang priority ko ay ang makaalis na kaagad sa silid na ito. “Bye, Ms. Lopez!” “Bye, Miss!” Paalam ng ibang estudyante. Nililingon ko sila isa-isa upang ngitian at magpaalam na din pero ang isip ko ay naka-focus lang sa ginagawang pagliligpit ng mga gamit. Mas lalo akong nagmadali nang makita kong tumayo na ang mokong at nakatingin sa direksyon ko. Hindi sa nag-a-assume ako na lalapitan niya ako pero mahirap na. Paano kung bigla nga siyang lumapit at kausapin niya ako tungkol sa nangyari kagabi? Hindi! Hindi ko kayang pag-usapan ang tungkol doon lalo na dito sa loob ng school and my goodness, he’s my freaking student! Nakakahiya! Gusto ko nanamang sabunutan ang sarili ko nang maalala ang kagagahang nagawa kagabi. Muli akong nag-angat ng tingin. Nagkasalubong ang tingin namin at sa tingin niya sa akin ngayon sigurado akong lalapitan niya nga ako. Pero bago pa siya tuluyang makalapit sa akin ay sinukbit ko na ang bag sa balikat ko at mabilis ang hakbang na lumabas ng silid. Hinihingal ako nang makarating sa faculty room. Aircon sa loob pero tagaktak ang pawis ko. “Oh, anong nangyari sa’yo? Bakit parang galing ka sa digmaan? First day na first day, parang stress ka na agad. Ayos ka lang ba?” tuloy-tuloy na sabi ng kaibigan ko. Binalingan ko si Julia. Hindi ko pa naikukwento sa kanya ang nangyari kagabi at hindi ko alam kung kaya ko bang ikwento sa kanya iyon. Nahihiya akong magkwento dahil hindi naman talaga ako sanay sa mga ganoong bagay pero alam ko din naman na sa lahat ng tao sa mundo si Julia ang pinakamaaasahan at mapagkakatiwalaan ko ng husto. Sigurado akong hindi niya din ako huhusgahan. Siya ang nakakaalam ng kwento ko at mga problema ko sa buhay dahil sa kanya lang talaga ako komportableng magkwento lalo na tuwing may problema ako sa bahay. Siya lang ang napagsasabihan ko ng lahat kaya may tiwala akong kapag nagkwento ako sa kanya ay maiintindihan niya ako at baka pa matulungan niya ako. Tutal siya naman talaga itong sanay sa mga ganitong bagay. Baka mabigyan niya ako ng payo kung paano ko ba malalampasan ang problemang ito. “Ano kasi… Ugh! Paano ko ba ipapaliwanag?” Bumuntong hininga ako. Nakataas ang isang kilay na tiningnan lamang ako ni Julia. Naghihintay ng karugtong. “May katangahan akong nagawa!” Frustrated na sambit ko bago isinubsob ang mukha sa table ko. Jusko! Parang gusto kong magsisi na nagpunta pa ako sa bar na ‘yon. Sana nanahimik na lang ako sa bahay. Kung bakit ko ba naman kasi naisip na mag-party. Hindi naman ako sanay sa mga ganoong bagay! Hindi din bagay sa akin ang mga ganoon. Nagkaroon pa tuloy ako ng problema ngayon. Paano na ‘to ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD