Matapos ang pangungurot ko sa kaniya ay nagpunta na kami sa bar. Gaya ng dati maraming tao sa loob niyon. Nakahawak si Chuck sa baywang ko habang hinahanap namin ang mga kaibigan niya. Maraming bumabati kay Chuck nang mapadaan kami sa umpukan ng mga kalalakihan. Tumango lang ito at mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa baywang ko na para bang ipinangangalandakan na taken na ako. "Chuck pare," dinig kong sigaw no'ng lalaki. "Ganda ng kasama mo, ah. New bed warmer?" Sinipat ako nito mula ulo hanggang paa kaya nagtagis ang mga panga ni Chuck. "Dito ka lang. May tuturuan lang ang ako ng leksiyon." Tinanggal ni Chuck ang kamay niya sa baywang ko at nilapitan 'yong lalaki. Kitang-kita ko nang kuwelyuhan ni Chuck 'yong lalaki saka may ibinulong. Wari namang natakot 'yong lalaki dahil

