Nagpupuyos pa rin ang kalooban ni Chuck nang ihatid ako nito sa bahay. Nakakuyom ang mga kamao nito kaya nabahala ako. Mababanaag sa mukha nito ang kinikimkim na galit dahil kay Zid. Naaawa ako sa kalagayan nito dahil dinig na dinig ko ang huling sinabi ng Zid na iyon. Huwag naman sanang mangyari dahil pinaghirapan ng mga magulang ni Chuck ang kompanyang iyon. "Can I sleep here?" tanong nito saka umupo sa sopa. "Tinatamad na akong magmaneho pauwi." Mag-aalas dose na ng hatinggabi, nakakahiya naman kung itataboy ko ito. Isa pa wala ito sa mood dahil sa nangyari sa bar. "Sure. May guest room sa itaas-" "No. Okay na ako rito," tukoy nito sa sopa at inilapag sa mesa ang hawak na laptop. Binuksan niya iyon saka mabilis na nagtipa. At dahil abala na ito ay tumayo na ako at naglakad papunta s

