Nagising ako kinaumagahan na wala si Chuck sa aking tabi pero may iniwan naman itong sulat sa ibabaw ng bedside table. Katabi niyon ang isang basong tubig na may laman na hiniwang pipino. Kinuha ko 'yong sulat saka binasa: "Good morning, sweetheart. Breakfast is ready. I'll be waiting for you downstairs. I love you." Napangiti ako lalo na nang makita ko ang isang piraso ng pulang rosas. Alam ko pinitas niya iyon sa hardin. Kinuha ko iyon at inamoy. Napakasweet talaga ni Chuck, maging ang mga salitang namutawi sa bibig nito kagabi ay hindi ko inasahan. Ganoon ba ang paraan ng panliligaw niya? O ganoon talaga manligaw ang isang playboy na kagaya ni Chuck? Magaling sa boladas, magaling mambola. Lahat ng matatamis na salita ay kayang sabihin sa harap ng isang babae. Inilapag ko ang bulaklak

