Nakabibinging tilian ang sumalubong sa akin nang makapasok ako sa boutique. Maging si Patrick ay nakisabay na rin sa tilian ng mga empleyado pero mayamaya ay ito na rin ang nagsaway sa mga iyon. "Hoy, ang haharot ninyo," wika nito saka namaywang. "Ngayon lang ba kayo nakakita ng mag-jowa na naghahalikan? Hala, balik sa trabaho. Mga usisera." Nagsipagbalikan naman ang mga saleslady sa kani-kanilang trabaho. Tiningnan naman ako ni Patrick na tila nanunukso. "Ikaw, ha. May paghatid-hatid nang nalalaman, ha. Kayo na?" Nakangiti ito habang hinihintay ang sagot ko. "Hindi," diretsang tugon ko. "Hindi ako naniniwala." Inakay ako nito papunta sa loob ng opisina. Matapos akong paupuin ay may inilapag itong diyaryo sa ibabaw ng mesa. "Explain this to me, Ligs. Pinagpipiyestahan ng mga baklang ts

