"Mukha kang manang dahil diyan sa suot mo," wika ni Eden sabay inom ng tubig.
Narito kami ng mga kaibigan ko sa restaurant para kumain ng lunch. Kumpleto kaming lima kaya hindi na naman matigil ang asaran. Ako ang topic ng usapan nila kaya hindi ko mapigilang taasan sila ng kilay.
"Bagay sa iyong damit ay 'yong medyo labas ang cleavage kagaya ng suot mo last week, 'di ba, girls?" sabad naman ni Kaye at kumindat pa sa akin.
"Excuse me," wika ko matapos punasan ng table napkin ang labi ko. "Hindi po bar ang pupuntahan ko." Pinandilatan ko sila ng mata. "I have an appointment with Mrs. Sayes."
Problema ng mga kaibigan kong ito? Lahat na lang napapansin, simula sa make-up, hairdo, maging sa damit na sinusuot ko. Hindi ba nila alam na may sarili rin akong taste pagdating sa pananamit? At ano ang mali sa suot kong blouse at pencil cut skirt?
"This is what you call a corporate attire, right Viv?" tanong ko kay Vivienne dahil alam kong fashionista ito at alam ang mga nauusong damit sa ngayon.
"Yes, Ligs," tamad na sagot nito saka tumingin kay Patrick. Muli nitong ibinalik ang tingin sa akin bago nagsalita, "But I suggest na imbes na pencil cut, e, mini skirt na lang ang suotin mo para kita ang kaakit-akit mong legs."
Umasim ang mukha ko sa narinig. Kahit kailan talaga hindi mawawala ang legs ko sa usapan.
"Tumpak, Vivienne." Nilingon ako ni Patrick. "Aside from your cleavage, asset mo rin girl ang legs mo that's why we named you after that. Remember no'ng college tayo maraming napapalingon sa 'yo sa tuwing nakasuot ka ng shorts."
"Hay, naku tigilan n'yo nga ako. Noon 'yon, hindi na ngayon."
"Well," sabat naman ni Eden. "Hanggang ngayon may charm pa rin ang legs ni Ligs. Remember the guy last week?"
"Guy?"
"Yes, Patrick. Naroon siya no'ng sabado ng gabi. Nakakaawa nga e. Namuti 'yong mga mata ng mokong kahihintay dito kay Ligaya na hindi naman dumating. Ang guwapo pa naman ng boylet na 'yon."
Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Eden. Wala silang ka alam-alam na nagkita kami ng lalaking iyon dahil inabangan ako sa labas. Para tuloy akong nakokonsensiya cause I spend that entire night sa condo nito at walang nakakaalam no'n ni isa sa mga kaibigan ko.
"Last week pa 'yan, ah? Bakit hindi mo pinapakilala sa akin, Ligs? Maduga ka talaga." Nagtampo kunwari si Patrick.
"Me rin, Patty." Sumimangot naman si Kaye.
"Don't worry, girls." Dinig kong saad in Vivienne. "Friday ngayon and I am sure pupunta ulit ang mga iyon sa bar. May chance na kayong makilala ang boylet na iyon, right, Ligs?"
"Of course," tanging nasabi ko para tumigil na sila.
Mayamaya nagpaalam na si Patrick na babalik na sa boutique kaya kaming apat na lang ang naiwan. Ipinagpatuloy namin ang kwentuhan nang may biglang lumapit na dalawang lalaki sa aming mesa. Pamilyar sa akin ang mukha ng dalawang iyon, parang nakita ko na ngunit hindi ko matandaan kung saan.
"Hi, girls," bati no'ng isang lalaki. "Long time, no see." Ngumiti ito at saka tumingin sa gawi ko. "Ligs, right?"
Napatango na lang ako dahil hindi ko mawari kung nang-aasar o nanunudyo ang klase ng pagkakangiti nito.
"Chad, Eric," wika ni Eden at nakipag-beso sa mga ito pati na rin si Vivienne saka pinakilala si Kaye. Noon ko lang naalala na sila pala 'yong nakilala namin sa bar na mga kaibigan ni Chuck. Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib ko, malamang narito rin ang lalaking iyon.
Hindi ako mapakali habang nag-uusap sila. Nag-iisip na ako ng paraan kung paano makakaalis sa restaurant na ito na hindi nagdududa ang mga kaibigan ko. Anumang oras mula ngayon maaaring sumulpot ang lalaking iyon. Hindi niya ako pwedeng makita dahil hindi naging maganda ang sitwasyon namin nang huli kaming magkita. Malamang galit pa sa akin iyon.
"Tawagan mo kaya si Chuck?" untag in Chad kay Eric pero sa akin nakatingin.
"Nakailang tawag na ako, walang sumasagot. Malamang nasa meeting pa iyon kaya t-in-ext ko na lang," nakangiting sagot ni Eric.
"Papunta si Chuck?" tanong ni Vivienne na ikinangisi ng dalawang lalaki. "O, that's good, magkikita sila ni Ligs. You know, last week pa niya inaabangan itong kaibigan namin." Kumindat pa ito sa akin. Pinilit kong itago ang pagka-irita para hindi magtaka ang mga kaharap ko.
Nagkibit-balikat si Eric bago nagsalita. "Hindi ko alam kung pupunta siya, masyadong busy iyon sa trabaho. Kasisimula niya pa lang kasi no'ng lunes."
"Well, kapag nalaman niyang narito si Ligs, mag- a-ala Flash iyon sa bilis papunta rito," sabat ni Chad na tumingin na rin sa gawi ko. "Lakas ng tama sa 'yo ng mokong na 'yon."
Nagsalubong ang dalawa kong kilay. Kinakabahan ako sa sinabi nito. Ibig sabihin, nagkukuwento si Chuck sa mga ito tungkol sa akin. Letche! Alam kaya ng mga ito ang nangyari sa condo last week? Pinamulahan ako ng mukha nang maalala iyon.
"Oh, my! Ligs, you are blushing," bulalas ni Kaye sabay tawa kaya nakitawa na rin sina Eden at Vivienne maging sina Chad at Eric.
"I am not," tanggi ko. "Naglagay ako ng blush-on kaya ganito ang pisngi ko."
Napaismid si Eden sa sinabi ko. Kinuha ko naman ang phone sa bag ko para tingnan ang oras. Kailangan ko ng makaalis, ayokong ma-late sa meeting namin ni Mrs. Sayes. Nagpaalam ako sa kanila at pumunta sa powder room para mag-retouch. Matapos maghugas ng kamay, lumabas na ako ng powder room ngunit nagulat ako nang makasalubong ko si Chad sa hallway. Ngumiti ito sa akin na para bang may nais sabihin at bawal marinig ng mga kaibigan ko.
"Nice seeing you here. Alam mo bang hinahanap ka ni Chuck?"
"Why?" naguguluhan kong tanong.
"I know what you did last week," nakangisi ito habang nakatingin sa akin. Sinipat ko ang paligid dahil baka may makarinig sa amin. Maigi na lang at kaming dalawa lang sa bahaging iyon ng restaurant. Nakangisi pa rin ito nang muli kong tingnan. "Ipinosas mo si Chuck sa sarili niyang kama. Alam mo bang ikaw lang ang gumawa no'n sa kaniya?"
Nangunot ang noo ko. So alam nito ang nangyari last week. "How did you know?"
"Simple." Nakangiti pa rin ito at dahil may pagka-tsinito, parang nakapikit na rin ang mga mata nito. "Tinawagan niya ako para hanapin ang susi ng posas at--"
Natigil ang pagkukuwento nito nang mag-ring ang phone. Kinabahan ako nang ipakita nito sa akin ang screen, nabasa ko roon ang pangalan ni Chuck. Nang sagutin nito ang phone, dali-dali akong tumalikod at bumalik sa mga kaibigan ko para magpaalam. Kailangan ko ng makaalis sa restaurant na ito bago dumating ang lalaking iyon.
"I have to go, girls. Baka ma-late ako sa meeting. Nice seeing you again, Eric. See you around," paalam ko para hindi sila magduda pa.
Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas na ako sa restaurant na iyon. Pumara kaagad ako ng taxi at nagpahatid sa building ni Mrs. Sayes.
Kilala na ako ng receptionist doon kaya pinadiretso na ako sa tenth floor kung saan naroon ang opisina ng may-ari.
Nanibago ako sa ambiance ng paligid nang marating ko ang tenth floor. Kung dati masayang nagtatrabaho ang mga empleyado, ngayon parang seryoso ang mga ito. Hindi naman istrikto si Mrs. Sayes pero bakit parang may nag-iba? Ngumiti ako nang may dumaang empleyado, pormal na pormal ang aura nito ngunit ngumiti rin nang tipid nang makilala ako.
Hanggang sa marating ko ang mesa ni Grace, ang sekretarya ni Mrs. Sayes. Seryosong-seryoso ito habang nakatingin sa screen ng computer kaya hindi ako napansin nang maupo ako sa kaharap nitong upuan.
"Good afternoon, Miss Grace," bati ko. Mabait si Grace kaya nakapalagayang loob ko na ito. Matagal na rin itong nagtatrabaho sa kompanyang ito.
"Miss Elena," bulalas nito sabay hawak sa dibdib na animo'y nagulat. "Kayo pala."
"I'm sorry, nagulat ba kita?"
Tumango ito. "I thought bumalik si Sir Charles. Kanina pa mainit ang ulo no'n. Actually no'ng Monday pa po."
Napakunot-noo ako. "Sir Charles?"
"Siya po 'yong apo ni Mrs. Sayes. Hindi n'yo po alam? Siya na po ang namamahala ng kompanyang ito."
Laglag ang panga ko sa narinig. Wala man lang sinabi si Mrs. Sayes. "By the way, I have an appointment with Mrs. Sayes. Nariyan ba siya?"
"She's not here, Miss Elena. Simula po nang i-take over ni Sir Charles ang kompanya, hindi na po pumupunta rito si Ma'am."
Nag-ring ang telepono sa ibabaw ng mesa kaya sinagot iyon ni Grace. "Yes, Ma'am," wika nito sa kabilang linya, "she's here pero wala po si Sir Charles, lumabas po. May aasikasuhin daw po siya kaya hindi na makakabalik...He didn't say anything about it, Ma'am."
"I'm sorry, Miss Elena," wika ni Grace matapos makipag-usap sa telepono, "pero hindi po matutuloy ang meeting ninyo ngayon. Kung napaaga sana kayo, malamang naabutan ninyo si Sir Charles."
"Wala bang paraan para makausap ko si Mrs. Sayes?"
Umiling ito. "Si Sir Charles na po kasi ang namamahala ng kompanya, pero don't worry, Miss Elena pinapa- reschedule po ni Ma'am Sayes ang meeting pero this time si Sir Charles na po ang ka-meeting ninyo. Masyado na po kasing busy si Ma'am sa iba nilang negosyo."
"So kailan daw pwede?"
"Inform ko na lang po kayo, Miss Elena. Hinihintay ko pa po kasi ang go-signal ni Ma'am. Tatawagan daw po niya si Sir Charles, I'm sure sermon na naman ang aabutin no'n sa Lola niya."
Tumango na lang ako at kinuha ang phone sa bag ko para i-text si Patrick, magpapasundo na lang ako. Nakakapanghina ang araw na ito. Ang akala ko pa naman matutuloy ang meeting ko with Mrs. Sayes pero wala ito at ang masaklap pa ay iba na ang namamahala sa kompanya.
"Bes, nariyan ba ang boss mo na ipinaglihi sa simangot?" Dinig kong tanong kay Grace no'ng babaing dumating kaya napaangat ako ng tingin. Siya 'yong babaing nginitian ko kanina. "Heto na 'yong pinapakuha niyang files mula sa accounting department." Iminuwestra nito ang mga folder na hawak.
"Lumabas, bes. Pakilagay na lang sa mesa niya," sagot naman ni Grace.
"Sure." Tumingin ito sa akin. "Hi, Miss Elena."
"Hello."
"May meeting po kayo kay Sir Simangot? I mean kay Sir Charles." Lumuwang ang pagkakangiti nito.
Tumango ako. "Kaso wala siya. Lumabas daw."
"Hay naku! Hinahabol na naman no'n 'yong imaginary girlfriend niya," wika nito sabay tawa kaya tumawa na rin kami ni Grace.
"Shut up, bes baka bumalik si Sir Charles," saway ni Grace. "Alam mo naman 'yon."
"Naku, hindi na 'yon babalik. Ganoon naman 'yon palagi, 'di ba? Kapag lumabas na ng opisina, kinabukasan na ang balik no'n. Mas maigi na ang ganoon, para nakakahinga naman tayo rito sa office. Ang hirap kaya maging boss ang taong mainitin ang ulo."
Mayamaya nag-text si Patrick, malapit na raw ito sa building ni Mrs. Sayes kaya nagpaalam na ako kay Grace.
Pagbaba ko sa lobby ng building laking gulat ko nang mabungaran si Fern. May kasama itong babae na sa tingin ko ay karelasyon nito dahil magkahawak ang kanilang mga kamay at animo'y may mahalagang pinag-uusapan. Magkatabi ang dalawa habang nakaupo sa sofa at ngumiti pa ang babae nang isabit ni Fern sa tainga nito ang ilang hibla ng buhok.
Parang naalala ko ang ganitong tagpo ten years ago. Noong nahuli ko siyang may ibang babae hanggang sa magpang-abot kami at mauwi sa sampalan. Ang sakit isipin na hindi pa rin siya nagbabago sa kabila ng mga pangako niya sa akin no'ng huli kaming mag-usap.
Tama lang ang naging desisyon ko na huwag na siyang papasukin sa buhay naming mag-ina. Walang problema kung ako lang ang nasasaktan dahil sanay na ako, pero kung pati ang anak ko ay maaapektuhan, ibang usapan na iyon.
Mabilis kong tinungo ang pintuan palabas ng building na iyon. Hindi ko na kaya ang nakikita ng mga mata ko. Masakit pa rin pala na makitang may iba siya. Ten years na nang maghiwalay kami pero bakit nararamdam ko pa rin ang sakit? Sakit na parang punyal na paulit-ulit na tumatarak sa dibdib ko. Naroon pa rin ang walang hanggang hapdi at pait na hindi ko maintindihan kung bakit parang paulit-ulit na ipinamumukha ng tadhana na may kulang sa akin kung kaya't naghanap siya ng ibang pupuno ng pagkukulang na iyon.
Tumutulo ang luha ko habang naglalakad palayo ng building. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar na iyon. Ayoko ng magkurus muli ang landas namin ni Fern dahil alam kong masasaktan lang ako.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong naglalakad. Namalayan ko na lang na tila bumangga ako sa matigas na pader kasabay no'n ay may naramdaman akong tila mga braso na pumulupot sa baywang ko.
Chapter 4