Chapter 3

3063 Words
Laking gulat ko nang makauwi na sa bahay at madatnan doon si Fern. Prenteng-prente ito sa pagkakaupo sa sopa at ngumiti nang makita ako. Napailing na lang ako. Same old Fern I used to know... napakaguwapo pa rin niya. Ilang taon din kaming hindi nagkita pero parang hindi siya tumanda. Batang-bata pa rin siya sa edad na apatnapu't tatlong taon. Matikas pa rin ito at tila mas pumuti pa ang balat. Hind naman nakapagtataka dahil noon pa man maalaga na ito sa katawan at napakametikuluso kaya kung anu-ano ang mga produktong ginagamit para mapanatiling bata ang hitsura. Nanatili ako sa bungad ng pinto at pinilit kong kumalma kahit sumusulak na ang dugo ko dahil sa presensiya ng lalaking ito. Parang nakaplaster sa mukha ang ngiti nito, wala yatang balak itikom ang bibig. "Hey, babe," marahang sambit nito saka tumayo para lapitan ako ngunit sinenyasan kong maupo lang dahil iba ang pakiramdam ko sa pagbisita niyang ito. "Aren't you happy to see me, babe?" Pilit akong ngumiti at naglakad papalapit sa kaharap niyang sofa pero nanatili akong nakatayo. Ikinurus ko ang mga braso ko sa dibdib saka nagsalita. "Should I be?" Tumango ito. "I have come all the way from America just to see my family." "Okay," sarkastiko akong ngumiti. "Excuse me. I am tired, I need to rest." Tinawag ko si yaya para ipaghanda ng hapunan sina Fern at Clint pero tumanggi ito dahil kumain na raw sila sa labas. "I want to talk to you, babe, please?" "We are already talking," wika ko pero hindi nito pinansin ang pagiging sarkastiko ko bagkus ngumiti pa na lalo kong ikinainis. "So, what do you want to talk about?" "About you and me. Us. I was thinking if you could give us another chance...last chance, babe." Boom! Parang bomba iyong sumabog sa harapan ko. Sabi na nga ba, hindi ito basta-basta bibisita kung walang intensiyong makipagbalikan. Parang nauulit lang ang nangyari three years ago. Pathetic! "For Clint, for us to be happy as a couple and as a family...again," patuloy pa nito nang hindi ako makapagsalita dahil sa sobra kong galit. Tumayo ito at akmang lalapit sa akin kaya napaatras ako. Hindi niya ako madadala sa mga paawa effect niya. Tama ng pinagmukha niya akong tanga noon, ayoko ng maulit iyon. I have already learned my lesson. "I am sorry, but it's a no. Masaya na ako, kami ng anak ko. Masaya kami na wala ka sa buhay namin." Hindi ko inaasahan ang pagtaas ng boses nito nang magsalitang muli. "Pero anak ko si Clint at karapatan ko na--" Nagpanting ang tainga ko sa sinabi nito kaya agad din akong nagsalita. "Karapatan ba 'ikamo? Hindi kita inaalisan ng karapatan sa kaniya." Tinaasan ko ito ng kilay. "You could visit him anytime you want. Hindi ko siya ipinagdadamot sa 'yo. Just make sure to keep whatever promises you said to him. Umaasa 'yong bata na dadalawin mo siya at least twice a month pero anong ginawa mo? Ilang taon kang hindi nagpakita sa kaniya." "I'm sorry. Kaya nga narito ako, babe para sa inyo ni Clint. Let's forget the past and start anew." "I am sorry?" ulit ko. "For god's sake, Fern stop saying those words. Napapagod na ko sa mga sorry mo. Laging sorry, sorry. For once, Fern panindigan mo ang mga binitiwan mong pangako." "I promise. This will be the last time I say sorry. Alam kong marami akong pagkakamali sa inyo ni Clint kaya kung pwede bigyan mo ako ng pagkakataong maitama ang mga 'yon. Come back to me, babe, please?" Malungkot ang mga mata nito nang muling tumingin sa akin. Pero ayokong magpadala sa drama ng lalaking ito. Maraming beses na niya akong niloko at ayoko ng maulit pa iyon. "Are you crazy? Sa palagay mo ba basta na lang ako papayag sa gusto mo? Hindi na ako ang dating Ligaya na nakilala mo. And please, stop calling me babe." Nanginginig ako sa galit. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito. "You are always be my babe. You belong to me in first place." Naiinsulto ako sa paraan ng pagkakangiti nito kaya lalong nadagdagan ang kinikimkim kong galit sa lalaking ito. "I am not your babe anymore and I do not belong to you or to anyone. I belong to myself." Kahit nagngangalaiti na ako sa galit ay pinilit ko pa ring huminahon. Hindi ako makakapag-isip nang maayos kung paiiralin ko ang galit. "No. You are mine. Always remember that." "I am not yours!" sigaw ko. "I am not yours the moment you cheated on me with that b***h! We are done." Tinalikuran ko na siya at tinawag si yaya para utusang isara ang gate kapag nakaalis na si Fern. Ayoko ng makipag-usap pa sa lalaking iyon. Wala siyang maaasahan sa akin dahil kahit anong mangyari hinding-hindi ako makikipagbalikan sa kaniya. Sinilip ko muna si Clint sa kaniyang kwarto ngunit tulog na ito kaya dumiretso na ako sa sariling kwarto para makapagpahinga na. Naligo muna ako bago matulog ngunit kalahating oras na ang dumaan ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Pilit na nagsusumiksik sa utak ko ang pag-uusap namin ni Fern kaya bumangon na naman ang galit sa dibdib ko. Dumaan ang isang oras at nang hindi ako makatulog, napagpasyahan kong magbihis at pumunta na lang sa bar. Alam kong naroon silang lahat gaya ng plano kaninang hapon. Ayoko na sanang pumunta pero bad trip ako dahil kay Fern kaya magliliwaliw na lang ako. Papasok na sana ako sa bar nang may biglang humawak sa baywang ko at hinila ako palayo sa lugar na 'yon. Pinilit kong manlaban subalit sadyang malakas ang kung sinong lalaking iyon kaya nagtagumpay itong madala ako sa parking area at mabilis na ipinasok sa nakaparadang kotse. Pilit akong bumababa subalit mabilis niyang nai-lock ang sasakyan bago tinungo ang driver's seat at gayon na lang ang kaba sa dibdib ko nang mapagsino ang lalaking k-um-idnap sa akin. Galit na galit ito na para bang nakagawa ako ng napakalaking kasalanan sa kaniya. Kahit mapusyaw ang ilaw sa loob ng kotse ay kitang-kita ko ang paggalaw ng panga nito habang mariing nakatingin sa akin. Hindi ako maaaring magkamali, siya ang lalaking nakilala namin sa bar kagabi. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit gano'n na lang ito makatingin sa akin. Parang galit na hindi ko mawari samantalang wala naman akong ginawang kasalanan sa kaniya. "Remember me?" sarkastiko itong ngumiti at naroon pa rin ang galit sa mga mata nito. "W-we met you at the bar last night," nauutal kong sagot at naalala ko na naman ang nangyari sa amin buong magdamag. Uminit ang pisngi ko kaya tumingin ako sa labas ng bintana dahil nakakapaso ang mga titig nito. Gusto ko ng lumubog sa kinauupuan sa sobrang hiya na nararamdaman. "I am glad you have a sharp memory." Ramdam kong nakatitig pa rin siya sa akin. At ang baritonong boses niya... nakakaakit. No, hindi dapat ako maakit sa kaniya. Kailangan kong makalabas sa sasakyang ito. "Pwede palabasin mo na ako sa kotseng ito? Naroon sa loob ng bar ang mga kaibigan ko," pakiusap ko sa kaniya ngunit tila wala itong narinig. "Let's go somewhere. I need to talk to you." Nilagay na nito ang susi sa ignition at pinaandar ang makina. "No! I will not go anywhere. Pababain mo ako, buksan mo ang pinto!" sigaw ko. Ang hiya na kanina ko pa nararamdaman ay napalitan ng galit. Kapag minamalas ka nga naman. Akala ko makakapagliwaliw na ako pero mukhang mapupurnada pa dahil sa lalaking ito. Kasasabi ko pa lang kaninang umaga na ayaw ko ng makita pa siya ngunit heto ako ngayon, nasa loob ng kotse kasama siya. Hindi ito maaari. "We need to talk-" "There is nothing to talk about! Palabasin mo ako rito or else I am going to sue you. This is kidnapping. Damn you!" "Watch your language, lady. This is not kidnapping. I am just claiming what's mine." Mababa ang tono ng boses nito na parang sigurado sa kaniyang sinabi. Sisigawan ko na sana ulit ito nang bigla na lang dumapo ang mga labi niya sa labi ko. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang init sa ibabang bahagi ng puson ko. Kahit hindi pa ako nakakainom ng alak ay parang unti-unti akong nalalasing dahil sa ginagawa niyang paghalik sa labi ko pababa sa leeg kaya hindi ko mapigilang hindi umungol. Tumigil ito sa paghalik nang marinig ang pag-ungol ko. "f**k! Those lips of yours are so addictive. I can't control myself." "Pababain mo ako rito-" "No." "I said palabasi--" Napatigil ako sa pagsasalita nang tumunog ang phone ko kaya sinagot ko iyon. "Hello, bes, sorry but I can't make it. Dumating si Fern and as usual sira na naman ang gabi ko. Don't you worry, I will make it up to you some other time. Pakisabi na lang sa kanila." Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Eden. Tinapos ko na ang tawag, sana maniwala sila sa alibi ko. Nakakahiya kapag nalaman nila na magkasama kami ng lalaking ito. "The name is Chuck, not Fern. At hindi ako gagawa ng ikasisira ng gabi mo," dinig kong wika nito. So Chuck pala ang pangalan nito. "I hope you got the message I've sent you this afternoon." Kunot na kunot ang noo ko nang muli ko itong tingnan. Message? Hindi kaya...? "Yes. Ako 'yon. You are mine the moment you allow me to kiss you." Hindi ma-absorb ng utak ko ang mga pinagsasabi nito. To think na kagabi lang kami nagkakilala, may 'you are mine' pa itong nalalaman. "You belong to me," patuloy pa nito dahilan para mainis ako. Pangalawang beses ko na iyong narinig ngayong gabi. "I do not belong to anyone." Tinitigan ko ito nang matalim saka muling nagsalita, "buksan mo ang pinto, bababa ako." "Why would I do that?" Nakipagsukatan ito ng tingin at unti-unting inilapit ang mukha sa akin at hinalikan ang labi ko. Marahan sa una kaya hindi ko napigilan ang sariling tumugon sa halik na iyon. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para namnamin ang mga sandaling magkalapat ang mga labi namin nang bigla na lang itong tumigil at nakakalokong tumingin sa akin. "See? Your body doesn't cooperate with your mind. Stop fooling yourself, I know you want this too." Alam kong namumula ang pisngi ko sa inis dahil sa sinabi nito. At ang mas lalong nakakainis ay ang magmukhang tanga sa harapan nito. Nakakahiya. Itataas ko na sana ang kaliwa kong kamay para sampalin ito ngunit gayon na lang ang galit ko nang mapansing nakaposas iyon. s**t! "Tanggalin mo ang posas na 'to!" pasigaw kong utos dito. "Relax, sweetheart. Hindi lang naman ikaw ang nakaposas." Ngumiti ito at itinaas ang kanang kamay dahilan para mahila ang kaliwa kong kamay. Damn! Parehas kaming nakaposas. Paano ako makakawala sa lintik na lalaking 'to? "This is kidnapping!" "Call it whatever you like. I don't care. I consider this as your p*****t--" "What? p*****t? Wala akong utang sa 'yo-" "'Yon ang akala mo." Pinaharurot na nito ang kotse palayo sa lugar na 'yon. "Ihinto mo ang kotse, bababa ako." "No." Galit na galit ang mukha nito habang nagmamaneho kaya tumahimik na ako. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa ikinikilos nito. Mayamaya ay biglang naging maamo ang ekspresiyon ng mukha nito. "Don't worry, I won't hurt you. Gusto lang kitang makausap," wika nito na para bang alam niya kung ano ang nararamdaman ko. Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa condo. Nakikiramdam lang ako sa susunod niyang gagawin. Dahil parehas kaming nakaposas, magkatabi kaming naupo sa mahabang sopa. Hindi ako makatingin sa kaniya nang diretso kaya pinagmasdan ko na lang ang kabuuan ng unit. Napakalinis, bibihira para sa isang bahay na lalaki ang nakatira. Mukhang masinop sa bahay ang Chuck na 'to. "So anong pag-usapan natin?" tanong ko sa kaniya para matapos na dahil gusto ko ng umuwi. "Why did you left me-" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil tumunog ang phone ko. Sasagutin ko na sana iyon ngunit biglang hinablot ni Chuck. Wala akong nagawa nang pindutin nito ang receive button at nilapag sa mesita matapos i-loudspeaker. "Bes," wika ni Vivienne sa kabilang linya. "Are you alright? Pwede kaming pumunta riyan ngayon." "Don't bother, bes, I am okay. Kita na lang tayo bukas." "Nga pala, hinahanap ka no'ng lalaking nakilala natin kagabi. My god, bes ang gwapo!" Dinig ko sa background ang tilian ng iba pa naming kaibigan. Napakaluwang ng pagkakangiti ni Chuck nang marinig nito ang papuri ni Vivienne. "Nakakainggit ka, Ligs. Bakit laging guwapo ang napupunta sa 'yo?" patuloy pa nito. "Sana sinabi mo kaagad na hindi ka pupunta. Parang tanga tuloy si Chuck sa paghihintay sa 'yo." "Ang swerte mo, Ligs sa boylet na 'yon, mukhang type ka," sabat naman ni Eden. Pinutol ko na ang tawag dahil naiinis ako sa mga papuri ng mga kaibigan ko. Parang lalong yumabang ang lalaking katabi ko. "Pakitanggal ang posas, uuwi na ako." Imbes na tanggalin ang posas, ipinaikot nito ang kanang kamay sa harap ko at inakbayan ako. Langhap na langhap ko ang mabangong hininga nito nang magsalita. "Bakit bigla ka na lang umalis kaninang umaga?" Nalaglag ang panga ko sa tanong nito. "Bakit?" "Kailangan kong pumasok nang maaga sa trabaho. Tulog ka kaya hindi na kita ginising. At isa pa, it's just a one night stand. It's not a big deal." Parang hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. "For me, it is." Napailing ako. "Don't act as if ang laki ng nawala sa 'yo. Lalaki ka at s*x lang 'yon-" "No. It's more than that." Pinagdikit nito ang noo namin kaya napapikit ako. "I think I'm in love with you, sweetheart-" "I don't love you," walang kagatol-gatol kong sagot. "Then I will do anything for you to love me." "Don't bother. Magsasayang ka lang ng oras. Napakabata mo pa para magkagusto sa isang kagaya ko." "What the hell are you talking about? Magkasing edad lang tayo o baka nga mas matanda pa ako sa 'yo." Inilayo nito nang bahagya ang mukha para pagmasdan akong mabuti. "I'm thirty three years old..." wika ko na ikinagulat nito. Pero saglit lang 'yon dahil bigla nitong inangkin ang mga labi ko. "Still, I don't believe you," bulong nito habang hinahalikan ang aking leeg papunta sa aking labi.Hindi ako makakilos sa kinauupuan ko. Bukod sa nakaposas ako ay napakahigpit pa ng pagkakayakap nito sa akin. "Kiss me," utos nito nang mapansing hindi ko tinutugon ang halik niya. "I want to go home," mahina kong sabi pero mabilis niyang inangkin ang aking labi at ipinasok ang dila sa loob. "No," mariing saad nito matapos pakawalan ang labi ko. "You won't do that. This is your home. You belong here. In my arms." Pansin ko ang pagiging seryoso ng mukha nito. Gumapang ang kaba sa dibdib ko pero hindi ko iyon ipinakita sa kaniya. May saltik siguro ang lalaking ito.. Parang tanga na hindi ko maintindihan. Matapos akong iposas at pwersahing dalhin sa condo ay sasabihan niya ako na ito ang bahay ko. Pinilit kong kumalma at nag-isip ng paraan kung paano matatakasan ang lalaking ito. "You are crazy," bulalas ko nang hindi ko mapigilan ang aking sarili. Yakap pa rin ako nito at tila ayaw akong pakawalan. "I know. I am crazy. You just left while I am still asleep." Ramdam ko ang pait sa boses nito. "Don't you know that I'm so worried about you? Am I not that good in bed kaya basta mo na lang ako iniwan?" bulong nito dahilan para maramdaman ko ang init na unti-unting lumulukob sa buo kong katawan. "Tell me, am I not good in bed?" Ipinikit ko na lang ang aking mga mata nang hawakan nito ang aking pisngi at iharap sa kaniya. Ayaw kong salubungin ang mga titig nito dahil alam ko ipagkakanulo ako ng sariling mga mata. Hindi ko maipagkakaila na magaling ito sa kama pero ayaw kong malaman niya iyon dahil baka lalo pa itong magmayabang. "Tell me," muli nitong wika at naramdaman ko ang hininga nito na tumatama sa aking labi. "I don't —" natigil ang iba ko pang sasabihin nang bigla nitong angkinin ang aking labi. Mapangahas ang halik nito pero hindi ko maintindihan kung bakit nagugustuhan ko iyon. "Ikaw lang ang nagsabi niyan sa akin," wika nito nang pakawalan ang mga labi ko. Mapait itong ngumiti. "Ang sabi ko, I don't know if you are good or bad," saad ko dahil ayaw ko rin namang masaktan ang ego nito. "I was drunk that night and I didn't know what's happening," pagsisinungaling ko. "Well, I knew we had s*x but—" Inilagay nito ang kaliwang hintuturo sa labi ko kaya tumigil ako sa pagsasalita. "It wasn't s*x, sweetheart," bulong nito. "Lovemaking is the right word." Mayamaya ay sumandal ito sa sopa at marahan akong kinabig payakap sa kaniya. "That was the happiest moment in my life." Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. Iniangat ko ang aking paningin para tingnan ang mukha nito subalit bigla na naman nitong hinalikan ng labi ko at mabilis na inihiga sa mahabang sopa. Pinabayaan ko na lang ito na halikan ako habang nag-iisip kung paano ko siya matatakasan, kung paano ako makakawala sa pagkakaposas. "I love you," wika nito habang tinatanggal ang damit ko. Sa loob ilang oras ay naging alipin ako ng makamundong pagnanasa. Pilit ko mang itanggi pero unti-unti kong nagugustuhan ang ginagawa ng lalaking ito. Ibang-iba sa naranasan ko kay Fern. "Sleep," wika nito matapos ang ilang oras. Pinaunan ako nito sa braso niya at isinubsob ang mukha sa leeg ko. "You are tired. Ihahatid kita bukas. I love you." Nagsawalang-kibo na lang ako dahil wala naman akong magagawa, nakaposas ang kamay naming dalawa. Siniguro talaga nito na hindi ako makakawala sa kaniya. Nang maramdaman kong mahimbing na ang tulog nito, ay unti-unti kong tinanggal ang kamay niya na nakayakap sa akin at gamit ang aking kanang paa ay inabot ko ang pants niya na nasa gilid ng kama. Alam kong naroon ang susi ng posas dahil nakita ko iyon kanina. Marahan ko iyong kinuha sa bulsa ng pantalon at isinuksok sa susian ng posas. Walang katumbas na saya ang aking naramdaman nang makawala na ako mula sa posas na iyon. Bago magbihis ay inilagay ko ang kabilang bahagi ng posas sa headboard ng kama. Bakal iyon at alam kong hindi basta-basta makakatakas si Chuck. Bago lumabas ng kwarto ay iniwan ko ang susi ng posas sa paanan ng kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD