Chapter 7

2265 Words

"So ano na ang plano ngayon, bes?" ungkat ni Patty matapos nitong makipag-usap sa phone. "Ang sabi ni Grace hindi pa raw niya nakakausap si Mrs. Sayes at hanggang ngayon hindi raw niya alam kung papasok ang bago niyang amo. My god! Alas dos na ng hapon wala pa sa opisina ang apo ni Madam." "Baka may appointment sa labas." "Appointment sa labas," ulit nito. "Ang sabihin mo tamad talaga ang apo na iyon ni Madam. Hindi na ako magtataka kung malugi ang kompanyang iyon. Ikaw naman kasi, bakit hindi ka na lang um-order sa iba? Tingnan mo ngayon para tayong naghihintay sa wala. Masyadong paimportante ang apo ni Madam. Marami pa namang supplier diyan, girl." "Hindi ko gusto ang kalidad ng gawa nila hindi kagaya ng gawa nila Mrs. Sayes na pulido. Wala akong masabi bukod sa may kalidad, mababa ri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD