Ilang segundo akong natulala dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Halos maiyak na ito as sobrang galit. Sinuntok nito ang pader na lalo kong ikinagulat. "Why are you doing this to me? Kaya ba ayaw mong magpahatid sa bahay mo dahil sa lalaking iyon? Ano bang mayroon ang lalaking iyon at papantayan ko." "What are you doing here?" kalmado kong tanong imbes na sagutin ang mga katanungan niya. Niluwagan nito ang necktie saka matalim na tumitig sa akin. "Huwag mong iniiba ang usapan. Sagutin mo ang tanong ko!" Hinawakan nito ang magkabila kong siko. "It's none of your business," sagot ko na ikinaigting ng mga panga nito. "It's my business. In the first place you are mine." "Excuse me. I have to go." Tanging nasabi ko dahil ayokong makipagtalo lalo na't parang iba ang reaksiyon ng mukh

