"I'm sorry, Ligs," wika nito habang mahigpit ang pagkakahawak sa kaliwa kong kamay. "I haven't read your proposal that's why I do not have any idea about it. In fact walang sinabi si Mamita tungkol doon, maging ang meeting na ito ay hindi ko alam kung para saan. Basta ang sabi niya kailangan kong magpunta sa restaurant na ito para i-meet ang may-ari ng Joy's Boutique." Napailing na lang ako sa nalaman. Si Mrs. Sayes talaga. Ito pala ang matagal na niyang sinasabi sa akin. Na gusto niyang makilala ko ang spoiled brat niyang apo. "Hindi sana ako pupunta rito pero dahil galit na galit si Mamita at alam kong hindi naman talaga ako sisiputin ng babaing ka-date ko sana..." may diin ang pagkakabigkas nito ng huling tatlong salita kaya parang na-guilty ako. "... kaya ipinasya kong magpunta na la

