Ang pagdating ni Chuck sa hotel and resort na tinutuluyan ko ay nauwi sa isang weekend vacation. Hindi ito pumayag na hindi kami magrerelax ng ilang araw bago umuwi. "I thought umuwi na kayo kagabi," wika ko sa aking mga kaibigan habang kumakain kami ng lunch sa restaurant. Asikasong-asikaso ako ni Chuck, ipinagbalat pa ako nito ng hipon kaya kilig na kilig ang mga kaibigan ko. Napasimangot si Patrick dahil sa sinabi ko. "Grabe ka, Ligaya. Parang gustong-gusto mo na kaming umalis, ah. For your information, in-invite kami ng jowa mo. At dahil libre," ngumiti muna ito saka nagpatuloy, "sino ba naman kami para tumanggi?" Ngumiti ito saka ipinagpatuloy ang pagkain. "Kailangan ko ring mag-explore, hindi 'yong puro negosyo lang ang iniintindi ko," sabat naman ni Eden. "Ako." Napalingon ako k

