Oh my god! Anong gagawin ko? Pumasok na si Clint sa kwarto ko at hinahanap si Chuck. Halos maiyak ako sa kahihiyan habang nakakapit sa balustre ng hagdan. Para akong nanghina sa kaalamang nahuli kami ng anak ko. Nakakahiya talaga! "May nangyari sa inyo ni Chuck kagabi, ano?" bulong sa akin ni Eden. Ngayon ko lang napansin ang presensiya nito at ni Vivienne. "Parang takot na takot ka na madatnan ng anak mo si Chuck sa kwarto mo." Napaaray ako nang sundutin ni Vivienne ang aking tagiliran. "Ano, Ligs, masarap ba si Chuck?" Ngumisi ito kaya napaawang ang labi ko. Grabe talaga ang dalawang ito. "Anong pinagsasabi ninyo? Wala kayang nangyari sa amin kagabi," mariin kong sagot. "Talaga?" sabay na wika ng mga ito at nakataas pa ang mga kilay. "Liars will go to hell." "Wala ngang nangyari sa

